19 December, 2011

Seven Nights of Christmas • Dec.20

Beth's family is busy organizing a Pop Christmas party for the coming night.

At a toy store where Mika and Eman are buying giveaways and gifts for the children at the hospital.

"How could a kid realize such thing like that of Beth?" said Mika.

Eman while busy picking toys, "she's no ordinary."

"There's four days left before her most awaited debut..."

"Do you think Beth would like this?" Eman asks Mika while handing a glass ball where a small house is being covered with snow.

"Beth would definitely like that..." said Mika.

Camille has someone with her, they’re about to visit her daughter, quite nervous they enter Beth’s room.

"Beth... I brought Auntie Jacky..." Camille and Jacky come closer to Beth's bed where the kid is rest sitting.

Beth silently stares at them.

18 December, 2011

Seven Nights of Christmas • Dec.19

A light heat on Beth’s cheeks woke her up, the 8 o’clock sunlight touches her face. As she slowly get up from her bed she notice some balloons from the corner and in that instance she knew it was not a dream.

Busy on the desk just a couple of feet from Beth’s bed Camille is trying to contact almost everyone on her phonebook, texting them about the scheduled party this coming Christmas for Beth.

“Good morning Mommy…” a joyful greeting from Beth as she hugged her mother surprise.

“Good morning my baby… How’s my twelve-year-old-baby’ sleep?”

Happiness draws on Beth’s face, “I’m twelve…”

“Yes and later this evening some of your classmates and teachers would come visit you and they’ll be staying for your thirteenth birthday!” says Camille as she wriggle Beth’s cheeks, “my pretty baby…” Then she checks her wristwatch and turn again to her daughter, “well it’s time for some Vitamin D, let’s take a little walk outside…”

Seven Nights of Christmas • Dec.18

"I'm very sorry, but there is really no hope," a solemn tone coming from Beth's doctor. "The least I can advice you is to be prepared. She'll need you to overcome her pain. There would be few days left for her, make Beth happy. She’s very lucky to overcome her due."

Camille on teary eyes leaned to her husband Miguel. Can't catch his throat, Miguel started to talk, "how long would it be?"

"Well depending on her past records, maybe a week or so. But rest assured it won't take a month."

Walking towards Beth's room, Camille broke her silence, "I'll just pray in the chapel," she told Miguel.

And he replied, "Let me go with you."

"No... I guess... I just need space. I need time to think…"

Miguel differ his tone, "but Beth doesn't have much of that."

13 November, 2011

Kanto't Sulok • 52 Chain Messages Received

Nakatanggap ka na ba ng mga mensaheng may kaakibat na “pass this to twelve of your friends or she’ll peck your face off” sa dulo? Ako, minsan madalas, minsan paminsan-minsan, kung magulo, ganun talaga.

Naba-badtrip ka ba sa mga kaibigan mong pinapasahan ka ng kalokohang bagay na ito? Ako? Oo.

Chain message, meaning mensaheng pinagpasapasahan, in-edit kaunti, pinasa ulit, dinagdagan ng kaunting thrill, pinasa, natakot, pinasa, na-badtrip, pinasa, hanggang sa mapasakamay mo na nga ang finish product ng kanilang pinaghirapan. Natuwa ka ba? Natuwa ba sila? May natuwa ba? May yumaman ba? Gash… At nasisiguro ko, minsan sa buhay mo, pinatulan mo ang kagag*hang ‘to, kasi ako, oo.

Pero, saan ba talaga nagsimula ang chain messaging? Eh kung sabihin ko sayong linggo-linggo mo itong naririnig? “Humayo kayo’t ikalat ang mabuting balita ng Panginoon.” Enlightened?

01 November, 2011

A Love to Kill Ep-04.1

Episode 4 - Frienemy

“Hi… Warren…” mahinhing bati ng isang dalaga na biglang sumulpot sa likod ng pinto ng locker ng binata nang isara na niya ito.

“Gwen…” tugon naman ni Warren, “anong ginagawa mo dito?”

Inayos saglit ni Gwen ang malaking eyeglass na suot-suot niya, habang ang isang kamay niya’y nanatiling nasa kanyang likuran, “ahm… dito rin ako nag-aaral… Di ba, classmate tayo…” walang kabuhay-buhay niya pa ring tono.

“No… I mean anong ginagawa mo dito? It’s the Men’s Locker Room…” marahang sagot naman ni Warren.

27 October, 2011

Pulang Kandila


“Kaya ko ‘to,” bulong ng isang dalaga sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin sa loob ng palikurang pambabae sa kanilang eskwelahan. Dis oras na ng gabi pero nanatili siyang mag-isa para gawin ang isang orasyong iilan lamang ang may lakas ng loob na gawin. Dinampot niya ang pulang kandila na nakapatong sa lababo, huminga ng malalim pampawi sa matinding kabang nadarama bago tuluyang sindihan gamit ang posporong nasa kanyang blusa.
Dahan-dahan siyang pumikit at kinapa ang switch ng ilaw sa tabi ng malaking salamin. Patay na ang ilaw, ang mapula-pulang liwanag habang siya’y nakapikit ay tuluyang naging itim. Wala na siyang nagawa kundi mapalunok kahit tuyong-tuyo naman ang kanyang bibig at lalamunan.
Nanatili siyang nakapikit at sinimulan na ang pag-ikot sa kanyang kaliwa, “Bloody Mary…” unang ikot.
“Bloody Mary…” pangalawang ikot.
“Bloody Mary…” pangatlong ikot.

03 October, 2011

Warm Like Ice

Fiction, make-believe
Monsters of modern folklore –
Mortal’s amusement.

You’re the one I love –
You’re the one I should not love
and yet we collide.

Adrift by nature
the lightness of this dispute –
Affection begins.

Lying next to you
Here in the world of darkness
My arms felt no warmth.

Fire and ice maybe
my flame goes like a meteor 
Unto your coldness.

Cold-hands take the heat
your grey eyes suddenly changed –
Watching it go green.

In a ring of whiff –
The scent of the cold-blooded
they’re here, they’re closer.

As the tension flood
these lightened candles around –
They suddenly died.

Hell against heaven
We are expecting no hope
Destiny’s cruel.

And then it struck me
for the first time I felt cold
it’s my fate, don’t cry.

26 September, 2011

lobo +backstory

+backstory

Bumaba ako mula sa schoolbus, pansin na pansin na ang padilim nang langit. Sinundo ako ni Mama sa gate at sinamahang pumasok, “Hello Gordon!” bati ko sa malambing naming aso.

“Lance…” tawag sa akin ni Mama, saglit ay tinignan niya ako bago hawakan ang aking mga kamay at itinali rito ang pisi ng isang puting lobo, kinuhang muli ni Mama ang pansin ko nang sabihan niya akong nasa balcony si Lauren.

25 September, 2011

Lobo

“Ako ay may lobo, lumipad sa langit. Di ko na nakita, pumutok na pala…” masiglang pag-awit sa akin ng isang bata, nakahiga ako alam ko, at sa pwesto ko wala akong ibang nakikita kundi ang batang lalaki, ang puting lobo at ang off-white na kisame. “Sayang ang pera ko, pinambili ng lobo. Kung sa pagkain sana, nabusog pa… Tayo…” pagtapos niya sa kanta, tumawa siya, tumawa rin ako. Nang biglang lumipad palayo ang lobo at kasabay nito ay ang pag-alis ng batang lalaki. Tapos may sumigaw.

Alas dos, nagising na naman ako nang dahil sa panaginip na ‘yon. Hindi na bago sa akin ang pagtayo mula sa pagkakahiga tuwing dadalawin ako ng wirdong panagip. Lobo. Bata. Sigaw. Tatawa-tawang bababa na lang ako mula sa aking kwarto patungo sa kusina para uminom ng tubig, sa ganitong paraan makakatulog na akong muli pagkaakyat kong muli sa aking silid. Tinuturing ko nang sleeping pills ang malamig na tubig sa gabi-gabing pagkakaputol sa aking pagtulog.

21 September, 2011

u2me2! • 16

Chapter 16

Katulad ng sinabi ni Bry, isinama niya si Clang sa set, ngunit hindi katulad ng mga magagarang lugar na ginamit nila para sa pelikula noong mga nakaraang araw, nasa tapat lamang sila ng isang grocery. Dinala ng binata si Clarisse sa naka-assign sa kanyang van, “behave ka lang dito ha…”

“Anong tingin mo sa akin, aso?” asar na sagot ng dalaga. Natawa na lang si Brylle sa sinabi ni Clang, pero kapansin-pansin ang mahinang pag-ubo ng binata na tila ba kinukubli pa ito sa dalaga, magsasalita na sanang muli si Clang nang biglang may tumawag sa binata, si Sophie.


12 September, 2011

u2me2! • 15

Chapter 15

Nakadalawang ulit nang ginawa ni Brylle ang CPR, kahit hindi tama ang kanilang posisyon, sa ikatlong beses sinubukan niyang muli at sa wakas naramdaman na ng binata ang mainit na hininga ni Clarisse kasabay ang pag-ubo nito.

Agad namang naiahon ang dalawa mula sa pagkalamig-lamig na tubig, salamat sa isang crew na nakasaksi rin sa pagkahulog ni Clarisse.
•••

Maagang umalis sa pinagtatrabahuhang ospital si Fernando.

"Good morning Sir," bati ng guard sa tatay ni Brylle, "napapadalas po ang dalaw natin ha..."

"May isusumbong lang ako," biro naman ni Fernando.

Matapos ang maigsing pag-uusap inabante na nito ang sasakyan papasok ng Private Cemetery at agad namang tinungo ang kanilang Musileyo bitbit ang isang bouquet ng bulaklak.

29 August, 2011

u2me2! • 14

Chapter 14

Sa yate, palubog na ang araw,

"I'll get some drinks," biglang pagtayo ni Terrence, "is there anything you want?" tanong niya kay Clang.

"Hindi... Kahit kape na lang... Malamig eh," hiling ni Clarisse.

"Ikaw pare?" tanong naman ni Terre kay Brylle na napilit niyang sumama, pero iling na lang ang sinagot sa kanya ng binata. Tumayo na si Terrence at agad na umalis.

Nakayuko si Clang nang dutdutin ni Brylle ang ilong niya, "oy! BALIW!" sabay tabig sa kamay ng binata.

10 August, 2011

u2me2! • 13

Chapter 13

Maagang natapos ang klase ni Clarisse kaya agad niyang tinext ang binatang susundo sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas habang hinihintay ng dalaga si Brylle nang, "Terre!" sigaw ni Clang pagkakita pa lang sa binata habang naglalakad ito papalapit sa kanya, "anong ginagawa mo dito?"

"Wala na kasi akong ginagawa sa bahay eh, tara..." yaya nito sa dalaga.

"Hindi pwede eh... Susunduin kasi ako ni Brylle," sabi naman ni Clarisse.

"Si Brylle?" pagtataka ni Terrence, "tapos na siya sa trabaho niya?"

"Hindi..." sagot naman ni Clarisse nang biglang dumating si Bry, "oh... Ayan na pala siya eh..."

08 August, 2011

u2me2! • 12

Chapter 12

Nagising si Brylle na wala na sa tabi si Clarisse, agad siyang bumangon at tinignan ang oras sa kanyang CP, 7:14am. Lumabas na siya ng kwarto at nakitang kumakain ng noodles si Clang.

"Noodles?" alok ng dalaga sa binata.

"Noodles..." masungit nitong tugon bago pumasok sa CR.

"Impakto..." bulong ni Clarisse.

Saglit lang ay lumabas na rin kaagad si Brylle mula sa banyo, "hoy! Umamin ka! Ni-rape mo ako 'no?!"

"Ang kapal nito... As if, hindi ako papatol sa bading 'no!"

"Sinong bading?!" tanong naman ni Brylle.

u2me2! • 11

Chapter 11

"Ginu-good time mo ba ako?" tanong ni Clang nang marinig ang sinabi ng binata.

"Ha...? Good time?!" biglang sabi ni Brylle, umalis na ito sa pagkakaakap pero hawak pa rin sa braso ang dalaga, "tama! Good time 'to..." dagdag pa nito, "haha... Ha... haha..." tawa pa niya nang wala sa tono.

"Ang weird mo..." sabi naman ng dalaga at inalis na ang kamay ng binata sa kanyang braso, "hindi na nakakabwisit yung mga pang-aasar mo..." sabay tuloy na nito sa paglalakad

'Good time... Siraulo ka! Anong mga pinaggagagawa mo?! Inlove ka na ba sa basurerang yan?!' sabi ni Bry sa sarili habang pinapanood ang dalagang naglalakad, "hoy! Sandali!"

01 August, 2011

u2me2! • 10

Chapter 10

"Antindi ng trip mo ha... Hindi ka pa giniginaw?" tanong ni Brylle sa katabi.

"Hindi pa... Ikaw?" balik na tanong naman nito. May kalahating oras na silang nakahiga sa rooftop ng hotel, pinapanood ang snow na bumuhos sa dilim ng gabi.

"Ako? Hindi rin," biglang sagot naman ni Bry.

"Maniwala..." bigla niyang hinawakan ang kamay ng binata, "bakit anlamig ng kamay mo?" tawa ni Clarisse.

Nabigla man si Brylle sa ginawa ni Clang, ikinasiya rin ito ng kanyang damdamin, "baka magalit si Terrence sa akin..." sabay tingin nito sa katabi.

31 July, 2011

u2me2! • 9

Chapter 9

Hinatid nang pauwi ni Terrence si Clarisse pabalik ng hotel nito sa New York,

"Napagod ka?" tanong ni Terre sa dalaga habang nasa tapat na sila ng hotel nito.

"Hindi, ang saya nga eh, tara, tuloy ka muna, baka gusto mong magkape?"

"Hindi na... Para makapagpahinga ka na, may pasok ka pa bukas," paalam nito, "sige, mauna na ako ha... Bye!"

Papasok na ng hotel si Clarisse ng saktong dumating si Brylle, "BASURERA!"

30 July, 2011

u2me2! • 8

Chapter 8

"Kalma Clarisse, kalma!" sabi ni Clang sa sarili habang nakaupo sa kanyang kama matapos mahimasmasan sa kalandiang nagawa, "wala kang sinabi, wala... Bingi yon... Hindi niya yun naintindihan... Wooh... Kalma!"
•••

2:00am, Liberty Island,

"Dadalhin ko yung basurerang yon dito," ngingiti-ngiting sabi ni Brylle sa sarili, "magpakasaya ka na Terrence, pagkatapos rin ng shoot babalik na sa akin si Clarisse..."

"Ready?" biglang tanong ni Sophie na hindi napansin ni Brylle na lumapit pala sa kanya.

"For what?" balik na tanong naman ni Brylle.

"Hindi ka ba nasabihan na yung scene for Empire State is na-revise na dito?"

"Aling scene?" pagtataka ni Bry.

"Yung hahalikan ni Sammy Boy si Bianca?" tukoy ni Sophie sa character nilang dalawa, "surprised?"

28 July, 2011

u2me2! • 7

Chapter 7

"Ha?!" pasigaw na tanong ni Brylle.

> yan ka na naman, nagbibingi-bingihan ka na naman, dito ako matutulog...

< bakit?!

> wala naman akong klase bukas eh, saka iiikot ako ni Terre...

< bakit hindi ka nagsasabi?!

> o, nasabi ko na... Sige na ha... Nagluluto kasi kami eh... Babu! *sabay baba nito ng CP*

"Nagluluto? Hanggang dito ba naman nagluluto pa rin siya?" tanong ni Brylle sa sarili, "tapos doon pa siya matutulog?!"

26 July, 2011

u2me2! • 6

Chapter 6

“Kung bibili ka ng mga pasalubong, dito ka na bumili, mahal kasi ang mga bilihin sa New York,” payo ni Terrence sa kasama habang namimili sila sa isang grocery.

"Talaga?"

"Yup, mataas kasi ang cost of living sa New York compared dito. Siguro cheaper ng 10% ang mga bilihin dito..."

“Sige, next week babalik ako dito,” tugon naman ni Clang.

“Bakit? Wala pa ba si Brylle by next week?”

“Sampung araw siya mawawala, bale dalawang araw na lang kaming magkakasama bago kami umuwi…”
•••

Lagare na kung magtrabaho ang lahat sa set, “Sir, fitting po tayo by 9pm mamaya,” paalala ni Obet na isa sa mga staff kay Brylle.

Agad namang tumingin sa kanyang relo ang binata, 5:20pm, “sige.” Nilingon niya si Efren at sinabihan nang uuwi na sila’t pack-up na sila sa set.

“Sir,” tawag muli ni Obet sa bagong aktor, “and 1am na po ang scheduled shoot niyo tomorrow, hindi na po 4am..."

23 July, 2011

u2me2! • 5

Chapter 5

Central Park, Manhattan,

"Cleopatra's needle," turo ni Terrence sa isang kulay pulang granite na straktura.

"Talaga?" biglang lumapit si Clang at tinignan maigi ang mahabang estatwa, "asan siya d'yan?"

"Sino? Si Cleopatra? Wala siya d'yan... 'The Crowned Horus Bull of Victory Arisen in Thebes,'" basa ni Terre sa translation ng banner, "parang naging tawag na lang ng mga tao ang Cleopatra's needle kahit wala naman talagang kinalaman si Queen Cleopatra d'yan sa sculpture.
•••

Habang nagkakape ang bagong magkapareha,

"Matagal na kitang nakikita as commercial model, I'm sure you're the one who did the Coke TVC," sambit ni Sophie.

"Oo, twice," Sagot naman ni Bry matapos humigop ng kape.

"Sabi ko na eh, siguro we should practice some lines na para ok na tayo tomorrow," payo naman ng dalaga at agad namang pumayag si Brylle.

u2me2! • 4

Chapter 4

Nagpatuloy pa ang usapan nila Alma at Brylle.

> co-company nila yung nakakita ng VTR mo, actually the role was vacant since yung artista na papalitan mo eh nababalita na nakabuntis, the company won’t settle for this actor, si Chris Rosalde…

< di ba Ma’am…

> *pinutol ni Alma ang sinasabi ni Bry* Brylle audition pa lang ‘to, kesa naman magpadala pa sila ng ibang talent d’yan eh andyan ka naman… The role was not that hard, magiging anak ka lang dyan sa movie and to be partnered with Sophie Del Rosario… Kung makuha ka man and you’ll do the movie, nasa sayo na yon kung gusto mo ituloy… Are we clear?

< yes Ma’am…

> Director Leo Cruz will be waiting for you at Wellington Hotel by 10am, oras d'yan, together with the whole cast for script rehearsals…

< akala ko po ba may audition pa?

21 July, 2011

u2me2! • 3

Chapter 3

"Oh, heto na yung phone mo. May translator na yan..." abot ni Bry kay Clang ng CP nito.

"Tenks, yunow..."

"Baliw..."

Lumabas ang dalawa para i-enjoy ang unang araw nila sa Big Apple.

"In New York... Concrete jungle where dreams are made of... There's nothing you can't do... Now you're in New York..." kanta ni Clarisse.

Natawa na lang ang binata, "Wow! Feel na feel mo 'no?"

"Crush mo na ako 'no?" biro ng dalaga sabay takbo.

'Baliw...' bulong ni Bry sa sarili.

19 July, 2011

u2me2! • 2

Chapter 2

Anim na oras na silang nasa himpapawid, tulog si Brylle suot-suot ang kanyang headphone habang nakikinig ng music, si Clarisse naman nainip na sa kakamasid sa mga ulap na nakikita kaya naglaro na lang siya ng Angry Birds.

8th hour, naghain naman ang mga flight attendant ng merienda, at sinamantala naman ni Clarisse na tulog ang kanyang katabi at kinain rin ang pagkain nito, "diet naman siya eh..."

Onse oras, si Clang naman ang tulog samantalang nagising naman ang binata sa biglang pag-alog ng paligid, napansin niya ang naka-tungong ulo ni Clarisse. Itinulak niya itong pasandal sa backrest ng upuan at doon niya napansin ang isang bagay, "yaks... Tulo laway..." Pinagtripan niya ang dalaga't kinunan ng litrato.

12 hours, pagkain muli ang pinagkaabalahan ni Clarisse, habang si Brylle sandwich lang ang kinain, "gusto mo?" sabay subo ni Clang ng kanin at ulam na tila iniinggit ang binata, "sarap... Hmmm..."

"Baliw..." sagot naman ni Brylle sa katabi.

17 July, 2011

u2me2! • 1

Chapter 1

"New York?! Sa America?!" gulat na gulat na tanong ni Froila at Nene kay Clarisse nang mabasa nila ang ticket ng dalaga.

"Hindi... Sa Cubao... New York Cubao... Kailangan kasi naka-eroplano ka kapag pumunta ka ng Cubao."

"Baliw!" sigaw ni Froi, "kelan kayo aalis? Gaano kayo katagal dun?"

"Uy mag-uwi ka ng chocolates ha..." hirit naman ni Nene.

"Mga sira! Magpapalamig lang kami doon dahil mainit ang mata sa akin nung step-madir ko..."
•••

Sa office ni Ms. Alma, ang handler ni Brylle, "gaano ka katagal doon?"

"Two weeks lang po Ma'am," sagot naman ni Bry.

"Paano yung mga na-oo-han mo nang commitments?"

15 July, 2011

u2me2! • cover



They were about to invade New York City, hindi yung sa Cubao ha...

Para matakasan ang nag-iinit na paningin ni Mommy Violeta, dalawang linggong mag-i-stay si Brylle at Clarisse sa NYC, si Clang para mag-aral at si Bry para magbakasyon. Pero magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng binata na sa Big Apple niya matatagpuan at sa Pinas niya durugtungan.

Samantalang si Terrence, igra-grap ang opportunity na ma-solo si Clarisse at maipakilala sa kanyang pamilya na naka-base sa New Jersey na isang tren lang mula sa New York.

1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22

Ops... Ops... Ops...


Alam mo na ba kung ano ang "Wit kita tipis-tipis?" Gaano kasarap ang WALONG Voice Combo Sandwich? Anong pinagkaiba ng 'prefer' sa 'prepare?'
Kung sinong sumapak kanino? Anong role ng SM Mall of Asia? Eh, "Paano lulutuin ang spaghetti noodles kung hindi naman kasya sa kaldero?"


Kung hindi, aba...




Mag - u2me!♡ ka muna.

u2me! • 20

Chapter 20

"5pm tau pu2nta kyla ninong Philip," text ni Brylle kay Clang. Alas dos pa lang ng hapon, naghanda na ng masusuot ang dalaga nang biglang may pumindot ng doorbell, agad naman siyang bumaba mula sa kanyang kwarto't pinagbuksan ng pinto ang bisita, si Violeta.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Violeta at pumasok na sa loob kahit hindi pa siya iniimbitahan.
•••

14 July, 2011

u2me! • 19

Chapter 19

Sa campus restroom,

"Happy birthday to me!" masayang bati ni Clang sa harap ng salamin nang biglang may magtext sa kanya, si Nene, "te, nxt tym n lng dw tau magnomnom, inuulcer si kuya froi eh..." biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Lingid sa kanyang kaalaman na kinuntsaba lang ni Brylle ang magpinsan.
•••

Magtatanghali na nang makauwi si Brylle dala-dala ang pagkarami-raming binili sa grocery at bookstore. Inilapag niya lang ang mga ito at agad na tinawagan si Clarisse, "Hello? Asan ka?"


u2me! • 18

Chapter 18

Nagising si Brylle dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto, tinignan niya ang orasan sa tabi ng kama niya, "3:18? Istorbo naman talaga oh..." sabay taklob ng ulo gamit ang isang unan at natulog uli.

Muli nagising siya, tumingin sa orasan, "3:20. Sh*t!" bumangon na siya at lumabas na ng kwarto.

Agad naman siyang nakita ni Clang, "nagising ba kita?" tanong nito habang naghahalo ng pinagiling na bigas.

Tinignan lang ng masama ni Brylle si Clarisse at pumasok naman sa CR.


12 July, 2011

u2me! • 17

Chapter 17

Nagpalit lang ng pambahay na damit ang binata bago lumabas ng kanyang kwarto, pagkabukas pa lamang niya ng pinto, napansin na niya ang kung anong bagay na hinahangin sa kanilang balcony, natatakpan ng kurtina ang kanilang bintana kaya kinailangan pa niyang lumabas para makita kung ano ang mga ito.

Doon, nakita niya ang mga basang damit pambabae na naka-hanger sa alambre na nakakabit sa magkabilang ilaw ng balkonahe.

“Naglaba ka?” tanong ni Brylle kay Clang pagkapasok nito mula sa balcony.

“Oo…” sagot naman ni Clang habang nagpe-facebook.

“Bakit hindi mo ginamit yung washing machine?”

“Meron ba tayong washing machine?” gulat nitong tanong sa binata.


10 July, 2011

u2me! • 16

Chapter 16

Naglalaba si Clarisse nang biglang may pumindot ng kanilang doorbell, si Terrence.

"Good morning," bungad na ngiti ni Terre kay Clang.

"Uy... Tuloy ka..." paanyaya nito sa bisita, nang makapasok na si Terrence sa loob, "upo ka lang muna dyan ha, aayusin ko lang muna yung mga nilalabhan ko," paalam nito bago pumasok ng CR.

"Si Brylle?" tanong ng binata.

"Si Brylle? Pumasok!" sigaw nito mula sa loob ng banyo. Ilang minuto lang lumabas din siya kaagad. "Napadaan ka?"

08 July, 2011

u2me! • 15

Chapter 15

“Imposible namang hindi alam ni Brylle na hindi talaga kayo magkadugo… Baka he’s doing it in purpose, para hindi ka mailang na may kasama kang lalaki sa bahay,” ito ang mga sinabi ni Terrence kay Clarisse na magpasahanggang ngayong nagluluto na ang dalaga ng hapunan ay paikot-ikot pa rin sa kanyang isip.

Tahimik lang din ang dalaga habang sabay silang kumakain, paminsan-minsa’y pasimpleng sinisilip ang binata.

“Ang tahimik mo ata ngayon,” puna ni Brylle sa kasama, “nahihirapan ka sa pinag-aaralan mo?” pang-aasar nito.

“Hindi…” walang ganang sagot ni Clang.

07 July, 2011

u2me! • 14

Chapter 14

"Brylle... Gising na..." sigaw ni Clarisse habang kinakatok si Bry sa kanyang kwarto, "male-late na tayo..."

Agad namang bumangon ang binata't lumabas, "nakaligo ka na?" puna nito sa basang buhok ni Clarisse. Dumeretso siya sa kusina at doon nadatnan ang maiinit na puto. Kumuha siya ng isa't sinubo ng buo.

"Patay gutom?" pang-aasar ni Clang. Kumuha pa ng isa ang binata ng awatin siya ni Clarisse, "wag mong ubusin!"

"Sa dami nito sa tingin mo kaya ko 'tong ubusin? Anong gagawin mo sa mga yan? Andami-dami, ibebenta mo?" tanong ni Bry.

"Ibebenta ko."

05 July, 2011

u2me! • 13

Chapter 13

Kinaumagahan,

"Kain na..." alok ni Clarisse kay Brylle pagkalabas pa lang ng binata sa kanyang kwarto, ngunit dere-deretso lang itong naglakad patungong CR, sinundan na lang niya ito ng tingin, "badtrip pa kaya yun sa akin?"

Pagkalabas ng CR matapos maligo, muli ay inalok ng makakain ni Clang ang binata, pero hindi pa rin siya nito pinansin, umupo ito sa salas.

"Efren?" kausap ng binata sa CP, "pakisabi kay Ma'am Alma hindi ako makakapunta dyan ngayon... May pasa kasi ako eh... Hindi ako napaaway... Nadulas lang ako... Sige na... Ikaw na bahala... Bye."

Lumapit na ang dalaga, "lagyan natin ng ointment yang pasa mo..." alok ni Clang.

u2me! • 12

Chapter 12

"May gusto ba sayo yun?" tanong ni Brylle matapos maghugas.

"Imposible..." sagot ni Clang.

"Imposible? Bakit naman?"

"Matalino kasi siya..."

"Matalino? Sukatan ba yun?"

"Sino ba naman ako? Kung lait-laitin mo nga ako eh... Syempre malamang mataas ang standards niya..."

"Ano yun? Ibigsabihin walang matalinong magkakagusto sayo?"

"Wala... Bobo lang ang magkakagusto sa katulad ko..." sabay talikod nito't umupo sa sofa para manood ng TV.

Naiwan si Brylle sa kusina, 'bobo?' matagal niya 'tong pinag-isipan, "ano naman? Hindi ko naman gusto yang basurerang yan..." sumunod na rin siya sa salas.

“Kawawa naman ako…” paawa-effect na sabi ni Clang, tinignan muna siya ni Brylle ng may halong pagtataka bago siya nagsalitang muli, “seventeen na ako hindi pa ko nakakaranas maligawan… “

“Desperada ka na?” tawa ng binata, ngunit nang makita nito ang nakabusangot na pagmumukha ni Clarisse, “gusto mo…” sabi nito habang unti-unting lumalapit.

02 July, 2011

u2me! • 11

Chapter 11

“Te, baka may ganito pa sa inyo… Uwian mo naman ako…” ungot ni Froila sa pinsan, si Terrence ang tinutukoy nito. Dinala ni Clarisse ang kasama sa karinderya ng kanyang Auntie Rose.

“Loka-loka! Pagpasensyahan mo na yan Terre ha…” depensa ni Clang. Ngiti lang ang mga sagot ni Terrence kahit may isang oras na siyang pinagti-tripan ni Froila’t Nene.

Biglang tumunog ang CP ni Clang, tinatawagan na siya ni Brylle.

“HOY BASURERA! Alasais pasado na! May balak ka pa bang umuwi?!” sigaw ng binata sa kausap sa kabilang linya.

Hindi na kailangan ng loudspeaker para marinig ng lahat ang mga sinigaw ni Brylle, “BF mo na ba yan?” tanong ni Nene sa pinsan.

“HOY! IMPAKTO KA! Marunong akong umuwi kaya wag mo na akong sigawan!” sigaw rin ni Clarisse sabay baba ng CP.

“Ay LQ…” singit ni Froila.

“Bwiseeet…” dagdag pa ng dalaga.

“Uwi na tayo?” yaya ni Terrence.

u2me! • 10

Chapter 10

Nagising si Clarisse nang may tumawag sa kanyang CP, si Terrence, "hello?"

"Hello... Busy ka?" tanong ni Terrence.

"Kakagising ko lang..."

"Ay... Nakaistorbo ata ako..."

"Hindi ok lang... Tanghali na rin naman eh... Anong oras na ba?" saglit ay sinilip ang oras sa phone, 1:30pm.

"Kumain ka na ba? I'll treat you lunch."

"Kaso si Bry..."

“Kakasalubong ko lang kay Brylle, he left the building already… Come on… I-invite din sana kita somewhere eh…”

29 June, 2011

u2me! • 9

Chapter 9

3:28am na sa CP ni Brylle, wala pa rin ang dalaga, kanina pa niya tinatawagan si Clang pero 'unattended' parati, "laro kasi ng laro kanina eh," mainis-inis na bulong ni Brylle.

Alas kwatro pasado natapos ang trabaho ng binata, at hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin bumabalik si Clarisse, "ano ng nangyari doon?" Pagkatapos magbihis agad bumaba si Brylle mula sa 22nd floor, dalawa ang elevator ngunit hindi na gumagalaw ang isa na nasa 14th floor kaya't ang kabilang elevator na lang ang ginamit nito.

Pagkababa, lumapit ang binata sa guard na nakatayo sa entrance, tinanong niya rito kung may napansin ba siyang babae. Ipinaliwanag ni Brylle sa guard ang itsura, taas at suot ni Clarisse.

"Ah... Yung may dalang kape?" pagkaalala ng sekyu.

"Siya nga po. Pumasok na po ba siya ulit?"

"Kanina pa..." binuklat ng guard ang kanyang logbook, "2:20 pa siya bumalik..."

28 June, 2011

u2me! • 8

Chapter 8

Habang kumakain ang dalawa,

"Gusto mong mag-artista?" tanong ni Clang. Umiling lang ang binata, "ayaw mo?"

"Wala akong talent..." sagot nito sabay subo ng pagkain.

"Sabihin mo nga ulit yung 'KFC tayo!'" sabi ng dalaga.

"Baliw..." sabay titig kay Clarisse.

"Hay... Susubukan nga natin eh..." reklamo nito, "OK... Magbibigay ako ng eksena, ganito," alok ni Clarisse, mukha namang game si Brylle, "OK Bry ganito, kunwari girlfriend mo ako..." nagsimula ng mamilog ang mga mata ng binata, "nakikipag-break ako sayo..."

"Ang lakas mo namang mag-ilusyon..." pang-aasar ng binata.

"Siraulo... Iba na nga lang!" sigaw ni Clang at sandaling nag-isip, "ay alam ko na..."

Nagpatuloy na lang sa pagkain si Brylle, wala na sana siyang pakealam ng,

"OK ganito, kunwari ako ang nanay mo, kasi ayaw mo akong girlfriend, tapos nasa ospital tayo, tapos... Nanghihina na ako... Kailangan umiiyak ka ha... Nanghihina tapos mamamatay na ako..."

26 June, 2011

u2me! • 7

Chapter 7

"Uy... Sorry na..." panunuyo ni Clarisse sa kasama, "uy... Hindi mo pa ako tinuturuan gamitin 'to..." tukoy nito sa hawak na credit card. Naghahabol ang dalaga habang tulak niya ang kanilang cart.

Huminto naman si Brylle mula sa mabilis nitong lakad.

"Wag ka nang magtampo... Dalawang plastic naman na Voice yung binili ko eh..."

'Eh ano ngayon?' bulong ni Brylle sa sarili.

Sa kabutihang-palad, itinuro naman ni Brylle kay Clang kung paano ipangbayad at ang PIN ng credit card. Pagkatapos agad silang bumaba kung saan naka-park ang sasakyan ng binata.

"Teka... Di ba ibibili mo pa ako ng laptop..." paalala ni Clarisse.

"Bakit naman kita ibibili? Syempre ikaw na bijili para sa sarili mo..." sagot ni Brylle, 'skies the limit na nga yang credit card mo kuripot ka pa rin...' bulong nito sa sarili.

Dahil sa sinabi ni Brylle, sumimangot ang dalaga.

25 June, 2011

u2me! • 6

Chapter 6

"Saan ka galing? Nagkalkal ka ulit ng basura?" pang-aasar ni Brylle sa bagong dating na si Clarisse habang abala siyang naglalaro sa laptop niya sa sala.

"Baliw..." mahinang banggit ni Clang, "anong ginagawa mo?"

"Nagdo-dota," sagot naman ni Brylle, lumapit sa kanya ang dalaga.

"May ganyan din si Terrence..."

"Terrence?"

"Yung nakatira dyan sa kabila..."

"WOW! Ang aga mo mangapit-bahay ha!"

Tinignan niya lang ng masama si Brylle.

"Ang sama mo makatingin ha!"

"ANG LIIT NG SAYO!" sigaw ni Clarisse sabay tayo nito't pumunta na sa kusina.

Nabigla si Brylle sa sinabi ni Clarisse, "ano yon?!"

"Mabuti pa yung kay Terrence MALAKI!"

24 June, 2011

u2me! • 5

Chapter 5

Nagising si Brylle, mahigit dalawang oras din siyang nakatulog, ginising lamang siya ng gutom. Pagkalabas pa lang niya ng kwarto, bumungad na sa kanya ang isang Clarisse na nakasalampak sa sahig, abalang-abala sa pagkalikot ng isang bagay, nilingon naman siya ng dalaga at sinabing, “kain ka na… Hindi na kita naantay eh… Kumain na ako…”

“Bakit ka nakahiga sa sahig? Ano yang ginagawa mo dyan?” tanong ng binata.

“Naglalaro…”

“Naglalaro?” pagtataka ni Brylle, “May sofa naman ha…”

“Hindi ko mabalanse eh… nahuhulog parati yung bola…”

“Bola?”

u2me! • 4

Chapter 4

Habang nasa loob ng elevator pabalik na ng kanilang unit,

"Sa monday pala mag-eenroll ka, sasamahan lang kita papunta pero hindi na kita maihahatid pauwi," wika ni Brylle.

"OK... Ikaw? Mag-aaral ka rin?" tanong ni Clarisse, ngunit tahimik lang ang binata, "ano bang kurso mo dati?" tanong niyang muli ng biglang bumukas na ang elevator.

Kung tahimik lang ang binata kanina, nakakunot na ang noo niya ngayon, tinignan niya muna si Clarisse ng masama bago mabilis na lumabas.

"Ang sungit nito..." bulong ng dalaga.

23 June, 2011

u2me! • 3

Chapter 3

Magkatabing nakaupo ang dalawa sa sofa,

Magkahalong saya at kaba ang nadarama ni Clarisse. Saya dahil makakasama niya parati sa bahay si Brylle, at kaba dahil bukod kay Froila na kalahating lalaki lang, hindi niya pa nararanasang tumira sa loob ng isang bubong kasama ang isang lalaki simula ng mamatay ang tiyuhin niya na asawa ni Tita Rose.

"So, ano? Anong kwarto ang gagamitin mo?" tanong ni Brylle sa dalaga.

"Sa akin na lang sana yung may sariling banyo..." pakiusap ni Clarisse.

Tumayo na si Brylle, "yung sa taas... Ok..." ngiti nito, "yung refrigerator na lang naman yung mabigat na kailangan pang tanggalin sa box, ako nang bahala dito sa baba, mag-ayos ka na lang ng gamit mo sa kwarto..."

May isang oras mahigit ring nag-aayos ng kani-kanilang gamit ang dalawa ng biglang may mag-doorbell. "Kakarating lang namin may bisita na kaagad?" nagtaka si Clarisse kayalumabas siya ng kwarto para bumaba.

22 June, 2011

u2me! • 2

Chapter 2

“Ay!” sigaw ni Clarisse, nagulat siya sa biglang pagbusina ng sasakyang nasa harap niya.

“Miss… Pwedeng patanong?” sambit ng binatang naka-shades na nakadungaw mula sa driver’s seat.

Lumapit naman ang dalaga, sa paglapit niya hinubad na ni Brylle ang salamin at doon na huminto ang mundo ni Clarisse. Isang anghel ang nasa kanyang harapan, maamong mga mata, matangos na ilong, magandang labi, makinis na mukha, maayos na buhok at ngiting nakatutunaw.

Napangiti na lamang si Brylle ng marinig niya mula sa dalaga ang ‘Happy birthday…’

19 June, 2011

u2me! • 1

Chapter 1

"Guys, KFC tayo..." imbita ni Brylle sa isang kaibigan.

Nabigla ito at agad nagtanong, "Birthday mo?!" Sumagot man si Brylle ng 'hindi,' dumating na ang iba pa nitong kaibigan at agad siyang pinagtulakan, masayang malaman na manlilibre ang kaibigan.

Nakaupo na sila sa loob ng KFC nang binati na si Brylle ng mga kaibigan, "HAPPY BIRTHDAY!!!"

"Hindi ko nga birthday..." sagot ni Brylle.

"PARA SA HINDI BIRTHDAY!!!"

28 May, 2011

u2me! | cover


Ang lalaki sa likod ng 'PARA SA HINDI BIRTHDAY!' TV commercial ng KFC si Brylle na nagugustuhan ni Clang na isa lang hamak na tindera sa karinderya na all of a sudden ay anak pala ng isang business tycoon sa Pilipinas at titira sa isang condo na katabi ang unit ni Terrence na soon to pass the Bar Exams na may lihim na pagtingin kay Clang na makakasama ni Brylle sa condo.

Ang gulo 'di ba? Makisali na sa riot!

u2me!♡

1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20

20 May, 2011

A Love to Kill Ep-03.4

Magkatabi lang si Brix at Warren sa loob ng sasakyan pero tila may pader na pumapagitna sa kanila. Saglit na sinilip ni Warren si Brix pero nakatingin lamang ito sa bintana ng sasakyan.

Lumipas ang buong linggo na tahimik lang si Brix, iwas siya sa ano mang pagkakataon na malapitan siya ni Warren.

19 May, 2011

A Love to Kill Ep-03.3

Inakyat ni Warren ang attic, at katulad ng sinabi sa kanya ni Iris, naroon ang mga bagay na magagamit ni Warren, 'magagamit saan? Tapos na ang serbisyo ko sa Supremo, wala namang pinapagawa sa akin si Iris. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.' Naputol ang iniisip ni Warren ng biglang tumunog ang CP niya, "Hello?"

"Hello, Warren?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Oo, si Warren nga ito, sino 'to?"

"Ah... Lindsey..."

"Tan?"

"Yes, ah... Gusto ko lang malaman kung ok lang sayong..."

"Alam mo number ko?"

"Ah... Hiningi ko kay Vince..."

"About sa play ba 'to?"

"Oo eh... Kasi... Hindi talaga ako marunong..."

"Dialogues? Ako rin naman eh..." patawang sabi nito.

"Alam ko, ako nagpasok sa ating dalawa sa gulo na 'to, but maybe, can we be friends?" marahang tanong ni Lindsey.

Natawa na lang si Warren, "sure... Sure... Pasensya na rin at hindi kita masyado ina-approach these days... Umiiwas lang akong masampal ulit."

Matagal na nag-usap pa ang dalawa sa CP, at nagkayayaang magkaroon ng pribadong dayalogo para sa i-practice ang kanilang linya sa Theatro.

17 May, 2011

A Love to Kill Ep-03.2

Nakauwi si Warren na panaginip niya lamang ang kanyang iniisip.

"Kuya... Andaming baril sa attic..." salubong sa kanya ni Andrei.

Walang pakealam si Warren, umakyat siya sa isang kwarto na tila kabisadong-kabisado ang buong bahay.

16 May, 2011

A Love to Kill Ep-03.1

Episode 3 - Misfortune

Gabi, walang tigil na nag-iiyakan ang dalawang bata, pilit silang ikinukubli ng kanilang ina sa kanyang likuran, itinatago sa kanyang nagwawalang asawa. Ilang buwan na itong ganito, lasing, simula nang makansela ang kanyang lisensya bilang isang pulis.

"Tama na Fred..." pakiusap ng nanay ng dalawang bata, "natatakot na ang mga bata..."

Imbis na pakinggan ang kanyang asawa, kamao ang tugon nito.

Nang mga oras na iyon, natauhan na ang babae na wala nang magbabago sa kanyang kasalukuyan, agad niyang niyakad ang mga bata papasok ng kwarto at ilang minuto lamang ay lumabas silang may dala-dalang mga bagahe.

Papalabas na ang mag-iina ng pinto nang harangin naman sila ni Fred, “saan mo dadalhin ang mga bata Cecille?!”

“Isasama ko sila!”

Agad dinampot na parang mga tuta ni fred ang dalawang bata, “hindi sila aalis!” sigaw nito.

Nagpupumulit pang lumapit si Cecille sa mga bata ngunit lubhang malakas si Fred na kasalukuyan siyang pinagtutulakang palayo. Ilang saglit lang, naitulak nang palabas ni Fred si Cecille, kasunod nito ang paghagis niya ng mga nito palabas ng kanilang bahay. Matapos noon, agad isinara ni Fred ang kanilang pinto.

Rinig na rinig mula sa labas ang pagtsi-tsismisan ng kanilang mga kapitbahay kasama na rin ang pagkalabog ni Cecille sa kanilang pintuan, bago matapos ang kanyang pagkalabog sa pinto, isang pangako ang iniwan niya, “babalikan ko kayo!”

Nang mga oras na yon, lumakas pa lalo ang iyak ng bunsong babae na lubhang nagpainit ng ulo ni Fred, binuhat nito ang bata at ikinulong sa banyo. Pagbalik niya sa salas kung saan naiwan ang panganay niyang lalaki, doon niya nakita ang kanyang anak na puno na ng galit.

Hawak-hawak ng pitong taong gulang na batang lalaki ang baril ng kaniyang ama. Nakatutok ito sa direkson kung nasaan ang kaniyang tatay, nakatutok sa ulo nito.

“Ibaba mo yan!” sigaw ni Fred, “hindi ako nakikipaglaro sayo! Isa!”

Nabingi na ang bata sa lahat ng kaniyang nasaksihan kanina.

“Dalawa!”

Humuhikbi man, bakas na bakas sa ga mata ng bata ang poot na nadarama sa kaniyang ama.

Kasabay ng putok ng baril, nilamon na lamang ng ingay nito ang huling isinigaw ni Fred, “WARREN!”

Pawis na pawis si Warren nang magising, nagising siya gawa ng ingay ng doorbell na malapastangang pinipindot ng kung sino man ang nasa baba, “wala ba si Andrei?” bulong nito sa sarili.

Agad siyang lumabas ng bahay at tinungo ang kanilang gate, ng buksan ni Warren ito, tila huminto ang pag-ikot ng kaniyang mundo.

Nakatayo, sa harap niya, ang kanyang ama, buhay, at di tulad ng kanilang huling pagkikita ang kaniyang ama naman ang may hawak ng baril na nakatutok naman sa ulo ni Warren.

Mapaglaro ang mga tingin ni Fred, “Kamusta ka na? Anak?”

Liwanag na lamang ang sumunod na nakita ni Warren.

15 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.4

Hapunan sa bahay ng mga Tan,

"Bakit ka nga pala umuwi?" tanong ni Lindsey sa kapatid.

"May deal lang ako dito sa Manila, by next week siguro babalik na ako ng Cebu, ikaw? How's school?"

Bigla namang pumasok sa usapan si Enrique, "she's taking Business Ad."

"Business Ad? Akala ko ba Fine Arts ang kukunin mo?" tanong ni Arthur.

"Yun yung gusto ni Daddy..." walang ganang sagot ni Lindsey.

"Pa?! Pati ba naman si Lindsey?!" angal ni Arthur sa ama.

Walang imik, nagpatuloy lamang sa kanyang pagkain si Mr. Tan.

14 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.3

Cafeteria, 12:30pm

"Ayoko nang mag-aral..." reklamo ni Andrei.

"Kumain ka na lang dyan," sagot naman nito matapos kumagat sa sandwich na kinakain.

Nang makita ni Lindsey si Warren, agad niya itong nilapitan, "4pm daw tayo kailangan ni Mrs. Sarmiento sa auditorium."

"OK..." sagot naman ni Warren, "Kain?" alok naman nito sa dalaga.

"No thanks, busog pa ako," sagot ni Lindsey nang bigla namang dumating si Allysa.

"Girl! Tara kain na tayo! Baka himatayin ka na naman sa gutom!" sigaw ni Allysa.

Bahagyang natawa naman si Warren kaya mabilis na umalis si Lindsey sa harap nito.

"Type ka nun," sambit naman ni Andrei.

"Andito tayo kasi nag-aaral tayo..." sagot naman ni Warren.

"Eh panay nga porma mo... Ano kuya? Gusto mo mag-shift ng Business Ad?"

"Ikaw ang mag-shift ng Business Ad! Anong mapapala mo sa Fine Arts? Maghihirap ka lang dyan!" sigaw naman ni Warren.

13 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.2

Monday, 9:00am, Guidance Office

“Theatre arts?!” tanong ni Warren.

“That is your punishment, both of you,” sagot ng Guidance Councillor na si Ms. Irish Medina.

“But, this is all his fault,” depensa naman ni Lindsey.

“Ikaw ang sumampal, ako pa ang may kasalanan?!” sigaw naman ni Warren.

“Kitang-kita ko naman na… Hindi kayo magkasundo… I guess a week on Theatre Arts would loosen the tension between you two… Sa ngayon, wala pa akong ire-record sa inyo, pero kapag naulit ito, I may call your parents…”

Napa-hingang-malalim na lang si Lindsey at nagpaalam ng umalis, agad naman siyang lumabas ng silid.

Napasandal muna ng upuan si Warren bago tuluyang tumayo, palabas na siya ng pinto ng…

“UNO.”

12 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.1

Episode 2 - Disguise

“Ikaw si Warren?” tanong ni Lindsey. Nang biglang mawalan ng ilaw, maging ang pagkanta ni Andrei ay natitigil.

Ilang saglit lang may napuna si Lindsey sa ulunan ng kasayaw. Isang maliit na pulang ilaw, laser.

Kung anong bagal ng mga pangyayari kanina, kabaligtaran naman ito ng sa ngayon.

May liwanag na nanggaling sa entablado, tila isang putok ng baril, ngunit walng ingay na narinig mula rito, kasabay nito ang pagkawala ng pulang ilaw sa sentido ni Warren.

Bumalik ang liwanag sa paligid. Makabasag tenga ang ingay mula sa feedback ng mga speakers. Panay ang pagmamasid ni Warren sa paligid.

“Kuya!” tawag ni Andrei mula sa likuran.

“Saglit lang,” paalam ni Warren kay Lindsey.

10 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.5

Sa isang mall,

"Sigurado ka ba na Mask Party ang theme ng Acquaintance?" usisa ni Warren.

"Yup..." sagot naman nito habang inaayos nito ang Americana na suot ng kapatid

"Eh ang point nga ng Acquaintance ay para magkakilala-kilala ang isa't-isa, tapos magma-mask?"

"Dun ka magreklamo wag sa akin," kinuha ni Andrei ang isang maskara na kahalintulad ng sa Phantom of the Opera at isinuot sa kapatid, "o ha... Astig di ba?"

Pumasok din sina Lindsey at Allysa sa shop kung saan naroon ang magkapatid.

"Taga-Richmond din siguro yung mag-jowa," turo ni Allysa kayla Andrei, "ang sweet..."

Kinabig ni Lindsey ang pinsan, lumapit sila, "Sa Richmond din kayo nag-aaral?" tanong nito kay Andrei.

"Oo eh... Di ba Mask Party ang theme ng Acquaintance? Hindi kasi naniniwala 'tong kapatid ko..."

"Brother-sister pala..." singit ni Allysa sa nagtitinginang Lindsey at Warren na kasalukuyang naka-maskara.

04 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.4

Friday, 6:00pm, GD State Tower

"Thank you for coming..." bati ni Mr. Tan sa mga nakakasalubong na bisita sa Corporate Party ng kinabibilangang kumpanya.

Di nagtagal dumating din si Lindsey kasama ang pinsang si Allysa.

Sa kabilang banda, si Andrei, "Gotcha..." signal niya sa kapatid na nasa CR.

Umpisa na para maghanda si Warren, ni-lock ang CR, inuna niya ang camera na nakakabit sa loob, kumunekta siya sa cord at, naka-still image na ang camera.

Agad kumuha ng Wine si Andrei sa sine-serve ng mga paikot-ikot na waiters, nilapitan ang dahilan kung bakit naroon sila ng kapatid.

"I'm sorry..." paumanhin ni Andrei kay Mr. Edgar Clemoro matapos nitong matapunan ng alak sa damit ang negosyanteng kasosyo ni Mr. Enrique Tan. Kumuha ng tissue ang dalaga mula sa kanyang bag at marahang pinunasan ang lalaki.

Habang ginagawa yon ni Andrei ay tila ba nakikiliti ang matanda.

"I'm very sorry," hinto ni Andrei sa ginagawa, "do you want me to accompany you to the rest room?"

"No... I'll be just fine... Just wait for me here..." sabay kindat kay Andrei.

Nang makaalis ang matanda, kinuha niya ang maliit na mic sa kwintas niya, "It's your turn."

03 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.3

"Sino ka?!" sigaw ni Lindsey matapos niyang gumising sa kanyang panaginip kung saan nagpakitang muli ang lalaki.

Nagulat ang Nurse, "Nurse po ako dito..."

Natahimik sandali si Lindsey, "sinong nagdala sa akin dito?"

"Ah... Yung gwapo... Warren ang pangalan... Warren Javier," sagot ng malanding Nurse.

Biglang dumating si Allysa, "Girl! Anyareh?!"

A Love to Kill Ep-01.2

"Anong naisip mo kuya at mag-e-enroll tayo dito?" usisa ni Andrei habang naglalakad na sila sa pathway ng Richmond.

"Normal life," sagot ni Warren.

"Kamusta sa kampo ni Iris? Sabi nila mahigpit daw yung babaitang yon..."

"Hindi ko pa siya nakikita."

Nagtaka si Andrei.