Chapter 11
“Te, baka may ganito pa sa inyo… Uwian mo naman ako…” ungot ni Froila sa pinsan, si Terrence ang tinutukoy nito. Dinala ni Clarisse ang kasama sa karinderya ng kanyang Auntie Rose.
“Loka-loka! Pagpasensyahan mo na yan Terre ha…” depensa ni Clang. Ngiti lang ang mga sagot ni Terrence kahit may isang oras na siyang pinagti-tripan ni Froila’t Nene.
Biglang tumunog ang CP ni Clang, tinatawagan na siya ni Brylle.
“HOY BASURERA! Alasais pasado na! May balak ka pa bang umuwi?!” sigaw ng binata sa kausap sa kabilang linya.
Hindi na kailangan ng loudspeaker para marinig ng lahat ang mga sinigaw ni Brylle, “BF mo na ba yan?” tanong ni Nene sa pinsan.
“HOY! IMPAKTO KA! Marunong akong umuwi kaya wag mo na akong sigawan!” sigaw rin ni Clarisse sabay baba ng CP.
“Ay LQ…” singit ni Froila.
“Bwiseeet…” dagdag pa ng dalaga.
“Uwi na tayo?” yaya ni Terrence.
•••
“Siraulo yun ha…” bulong ni Brylle sa sarili, kinain niya man ang almusal na sadyang ibinili para kay Clarisse gutom pa rin siya, nag-effort pa man din siyang makakuha ng Breakfast Meal kahit tanghali na. Binuksan na niya ang fridge, andoon pa rin ang dalawang plastic ng Voice Sandwich.
Agad rin namang umalis ang dalawa sa karinderya, habang si Brylle ay nasa labas ng kanilang unit, nakaupo sa sahig, kumakain ng biscuit at walang tigil na nakadungaw sa elevator, inaabangan ang dalaga.
Lumipas pa ang kalahating oras at ilang beses ring paglagpas ng elevator sa 5th floor, tumunog na rin ito sa wakas, biglang napatayo si Brylle sa gulat, agad pinagsisipa ang mga kinalat ng balat ng Voice papasok ng kanilang unit, pumasok na rin siya. Saglit na sinilip kung si Clang na nga ang nasa loob ng elevator, target, kasama nga niya si Terrence at nagtatawanan pa ang dalawa, “nakatagpo na talaga siya ng makaka-ride sa pagka-jologs niya…” huling salita nito bago tuluyang pumasok na at umupo sa sofa.
Bumukas na ang pinto, “bye… Salamat sa lunch…” paalam nito kay Terrence bago ito pumasok.
“Buti ka pa nag-lunch na…” parinig ni Brylle kahit kumain naman talaga siya ng tanghalian.
“Wala ka bang pera?! Gusto mo bigyan kita?!” sagot naman ni Clang.
“Meron akong pera! Ang yabang nito!”
“Hay ako pa mayabang?…” napansin ng dalaga ang mga kalat sa may pintuan, “may basurahan naman tayo ha… Bakit dito ka nagtatapon?”
“Para may nililinis ka…” sagot naman ng binata.
“Baliw…” bulong ni Clang, agad naman niyang dimanpot ang mga ito at di sinasadyang mabilang, “naka-walo ka? WALONG VOICE?!”
“Hindi pa nga kasi ako kumakain… Gutom na gutom na ako…” pag-iinarte nito sabay halong acting na tila kawawang-kawawa.
“Umalis ka kanina ha… Bakit hindi ka pa sa labas kumain?”
“Ayoko na ng pagkain sa labas… Nakakaumay mag-resto… Teka, sino ba nagsabi sayong umalis ako? Tulog ka pa kanina ha…”
“Si Terre. Nakasalubong ka ni Terrence kaninang tanghali.”
‘Epal yun ha…’ bulong ni Brylle sa sarili, “anong lulutuin mo? Gutom na ako…”
“Ubusin mo na lang yung Voice dyan, pagod na ako…”
“Gusto kong kumain ng kanin…” ungot ni Brylle.
“Iulam mo yang Voice…”
Nauwi rin ang pagtatalo sa pagluluto ni Clang ng hapunan.
“Ang sarap!” papuri ni Brylle.
‘Himala… Marunong na siyang maka-appreciate,’ isip-isip ng dalaga, “ang sarap ‘no? Baka pwede ikaw naman ng maghugas…” ngingiti-ngiting pang-uuto ni Clarisse.
“Sige ba,” walang karekla-reklamong pagpayag ng binata, hindi mapigilang mag-usisa ni Brylle, “saan kayo galing?”
“Kami? Kumain lang kami sa Jollibee…”
“Jollibee?!” tawa ni Brylle, “sa Jollibee lang kayo kumain?”
“Oo, ang huling kain pa nga ni terrence sa Jollibee eh nung nasa Amerika pa siya eh…”
‘Ang yabang nun ha…’ naiisip ng binata, “tapos?”
“Ano pa ba? Pumunta kami sa karinderya, pinakilala ko siya kayla Nene,”
“Dinala mo siya doon?!” pasigaw na tanong ni Brylle.
“Oo… Bakit? Nakapunta ka na rin naman sa Karindeya ha…”
“Oo nga ‘no?” natahimik na sagot ni Brylle, “saan pa kayo pumunta?”
“Nagsimba, hiniling niya na sana makapasa siya ng Bar Exams…”
“Bar exam? Nag-a-abogasya ba si Terrence?”

No comments:
Post a Comment