12 July, 2011

u2me! • 17

Chapter 17

Nagpalit lang ng pambahay na damit ang binata bago lumabas ng kanyang kwarto, pagkabukas pa lamang niya ng pinto, napansin na niya ang kung anong bagay na hinahangin sa kanilang balcony, natatakpan ng kurtina ang kanilang bintana kaya kinailangan pa niyang lumabas para makita kung ano ang mga ito.

Doon, nakita niya ang mga basang damit pambabae na naka-hanger sa alambre na nakakabit sa magkabilang ilaw ng balkonahe.

“Naglaba ka?” tanong ni Brylle kay Clang pagkapasok nito mula sa balcony.

“Oo…” sagot naman ni Clang habang nagpe-facebook.

“Bakit hindi mo ginamit yung washing machine?”

“Meron ba tayong washing machine?” gulat nitong tanong sa binata.


Lumapit ang binata, “oo, nasa kusina.” Sabay na pumunta ang dalawa sa kusina at doon itinuro at binuksan ni Brylle ang front-loading na washing machine na katabi lang ng lababo.

“Hala! Washing machine pala yan, akala ko oven yan eh…”

Natawa si Brylle sa sinabi ng dalaga, “buti hindi ka dito nagluluto nung puto mo!”

“Siraulo… Pinapakuluan lang yun, inii-steam!”

"Malay ko... Ano namang pake ko?" pangbabara nito sa dalaga, napansin ni Brylle ang hawak ni Clang, "pocket wifi yan ha..."

"Ito? Binili ko. Nakita ko nga yung poster mo sa Smart eh, as usual, mukha kang matino doon, anlayo sa totoong buhay."

"Makapanglait ka rin eh 'no"

"Endorser ka nila pero wala silang binigay sayong libreng ganon?"

"Meron ha..." sabay turo nito sa salas, "ayun oh..."
•••

"Ayos na ring bumili ka, hindi naman kasi nadadala kung saan-saan yang wimax eh, atleast kahit saan pwede mong gamitin yang laptop mo," sabi ni Brylle kay Clarisse na abalang-abalang nagko-computer, "ano ba yang ginagawa mo?"

"Nag-tag kasi si Terre ng pictures sa facebook..."

"Friend mo na siya kaagad?!"

"Oo."

"Bakit ako hindi?"

"Hindi ko makita yung account mo eh... Puro fan page..."

"Syempre! Gwapo ata 'tong kausap mo!" pagmamayabang ni Brylle.

Siniringan lang ng mata ni Clang ang binata. "Hambog..." bulong nito na kusa niyang nilakasan para marinig ng binata.

"May account ako, akin na..." sabay agaw ni Brylle sa laptop ng dalaga at saglit na nagtype, "hindi mo kasi mase-search yung account ko."

"Bakit? Dumadagsa ba nakiki-friend sayo?"

"Hindi... Ayoko lang na nakikita mo account ko," pang-aasar ng binata, "oh ayan, nag-send na ako ng friend request," sabay sauli nito sa dalaga ng computer.

"Sa tingin mo naman ia-accept ko? Hindi kita FRIEND!" sagot naman ni Clang pagkatapos ay binuhat na ang mga gamit at iniakyat na sa kanyang kwarto.

"Hindi mo ako friend kasi CRUSH mo ako!" sigaw nito sa dalaga habang tumatawa.

Bago pa makapasok si Clarisse sa kanyang kwarto, "WALA PANG HAPUNAN!" sabay belat nito sa binata.

"Siraulo yun ha..."
•••

"Ano 'to? Agahan?" reklamo ni Clang sa mga niluto ni Brylle, "chicken mami, pritong itlog at ham, ano 'to?" tukoy pa nito sa nasa mangkok, "century tuna!? Anong klase yan?!"

"Kumaen ka kung gusto mong kumaen..."

"Hay... Puro mantika..."

"Ang arte nito! Eh di sana nagluto ka!" asar nang sagot ng binata.

"Asar-talo..." tawa ni Clang. Pero tahimik nang nagsimulang kumain si Brylle. Kukuha na ng itlog si Clang ng, "ano ba yan, magpripirto na lang ng itlog hindi pa mabuo yung dilaw," pang-aasar pa ni Clarisse sa luto ng binata.

Naasar na ng todo si Bry, inagaw nito ang hawak na lalagyan ng ulam kay Clarisse at isinalin ang lahat ng itlog na niluto niya sa kanyang plato.

Nangiti lang si Clarisse sa ginawa ng binata, "yung ham, sunog-sunog..."

Tinignan muna siya ng masama ni Brylle bago kunin din lahat ng bacon at ilagay rin sa kanyang plato.

"Yung noodles..."

Nainis na ang binata, "kung ayaw mong kumaen, DI WAG!" putol nito sa sinasabi ng dalaga.

"Joke lang... 'to naman..." ngiti nito sabay kuha ng isang strip ng bacon sa plato ni Brylle at nginuya.

No comments:

Post a Comment