08 August, 2011

u2me2! • 12

Chapter 12

Nagising si Brylle na wala na sa tabi si Clarisse, agad siyang bumangon at tinignan ang oras sa kanyang CP, 7:14am. Lumabas na siya ng kwarto at nakitang kumakain ng noodles si Clang.

"Noodles?" alok ng dalaga sa binata.

"Noodles..." masungit nitong tugon bago pumasok sa CR.

"Impakto..." bulong ni Clarisse.

Saglit lang ay lumabas na rin kaagad si Brylle mula sa banyo, "hoy! Umamin ka! Ni-rape mo ako 'no?!"

"Ang kapal nito... As if, hindi ako papatol sa bading 'no!"

"Sinong bading?!" tanong naman ni Brylle.
"Wit kita tipis-tipis..." tatawa-tawang sambit ni Clang.

"Sus... Yan naman parati mong sinasabi eh, pero yung totoo pinagnanasahan mo ako..."

"Grabe... Ang tigas na ng mukha mo..." sagot muli ni Clarisse, "type na kita eh... Kaso hindi naman sinasabi ng lalaki ang 'wit kita tipis-tipis...'"

"Sinong may sabi?"

"Ikaw!" sigaw ng dalaga.

"Ako?! Kelan?!" pagtataka naman ni Brylle.

"Secret..." sabay tayo nito habang dala-dala ang cupnoodles, "bading!"

"Siraulo..." sambit naman ni Brylle habang dumaraan sa harap niya ang dalaga.

•••

Hinatid lang ni Brylle si Clarisse sa kanyang klase, "susunduin kita, i-text mo ako kung tapos na class mo."

"Opo... I love you na talaga..." sabay tulak nito sa noo ng binata, "bading." Naglakad na papasok ang dalaga.

"Siraulo talaga..." bulong nito, "kapag ako na-badtrip HAHALIKAN TALAGA KITA!" sigaw niya kay Clang, "siraulo..." Apat na oras hihintayin ni Bry ang dalaga kaya minabuti na nitong maglibot muna.

•••

"Oh, pupuntahan mo ulit si Clarisse?" tanong ni Sandra sa kanyang anak nang makita itong gumagayak sa loob ng kwarto.

Agad namang napataklob ng twalya si Terrence dahil hindi pa niya lubusang naisusuot ang kanyang pantalon, "ma... My room used to have a door, pwede ka pong kumatok..."

"Hay... Bakit? Kapag twenty-five ba hindi na anak?" sabay pasok nito sa loob ng kwarto at umupo sa kama katabi si Terre, "wala namang masama kung gusto kitang i-baby ha..." paglalambing nito sa anak habang kinikiliti ito.

"Ma... Ano ba?! Hindi na ako baby!" tawa ni Terrence.

"Hindi porket lawyer ka na ginaganyan mo na ang Mommy mo ha..." sabi pa ni Sandra.

Yumakap si Terrence sa kanyang ina, "I love you Mom..."

"I love you too Boktoy..."

"Boktoy?! I'm Attourney Terrence Dela Peña..."

"Oh sige na attourney, ano? Pupunthan mo nga si Clarisse sa New York?"

"Yes mom, but I'm not sure kung maisasama ko siya uli dito," sagot naman ni Terrence.

Sumiryoso na ang ihip ng hangin, "I know you like Clarisse..."

"Ma... Kaibigan ko lang yung tao..."

"I'm your mother, I should know. Kung gusto mo siya, sabihin mo sa kanya..."

"Ma, magkaibigan lang kami..."

"May i just remind you that you're not getting any younger now..." sabi pa ni Sandra, "you'll need someone to grow old with."

"Ma, how many times would I tell you that we're just friends," sagot naman ni Terrence.

"Bahala ka... Wag mo akong iiyakan kapag may nauna na kay Clarisse ha... Sinabihan na kita," mga huli nitong sinabi bago tumayo at lumabas na ng kwarto, "hindi na raw baby..."

Napahingang-malalim na lang si Terre, "I don't like her, I love her already."

•••

Bumalik si Brylle sa Battery Park para magpa-reserve ng tour sa Liberty Island para sa gabing iyon.

"I'm sorry Sir, but the tickets for today's tour until this weekend were already sold out," sabi sa kanya ng nasa counter.

"Until this weekend?" sambit naman ni Bry, 'grabe... Hindi ako pwede bukas... 6 day shooting pa...' isip ng binata. "How about next week?" tanong nito sa kahera.

"Yes sir, you can book your tour tickets for next week," sagot naman nito.

"Great, uhm..." dagdag pa ni Brylle, nagpa-reserve na ito ng tickets para sa susunod na linggo, isang gabi bago sila bumalik ng Manila.

No comments:

Post a Comment