12 February, 2012

u2me2!♡ • 17


Chapter 17

“Ilayo mo yang babaeng yan d'yan!” sigaw ng handler ni Brylle na si Alma kay Efren nang ibalita niya dito ang pinagku-kwentuhang naganap sa van kani-kanina lang.
•••

Sa opisina ni Philip,

“I’m going to New York for a vacation,” bungad ni Violeta sa kanyang asawa pagkabukas pa lang nito ng pinto.

Nakaupo lang si Philip, “hindi ba pwedeng sa bahay na natin pag-usapan yan? Mamaya?”

Umupo si Violeta sa harap ng lamesa ni Philip, “I guess, this can’t wait, my flight would be this afternoon…” sabi nito na parang wala-lang.

“Okay.. Enough!” nagpipigil na galit ni Philip, “ano bang kailangan mo para tigilan mo na si Clarisse?!”
•••

“Efren, bakit mo ba ako dinala dito?” tanong ni Clang matapos siyang literal na ilayo sa set.

Napakamot na lang ng ulo si Efren, hirap na hirap kung paano ipapaliwanag kay Clarisse ang dahilan at mas lalong takot kung paano sasabihin ito kay Brylle, nang bigla na lang siyang hatakin ni Clang. Pumasok sila sa isang pharmacy, “bilhan natin ng gamot si Bry, anong klaseng assistant ka? Hindi mo inaalagaan si Brylle.” Papalapit na ng counter ang dalaga nang biglang nag-ring ang phone niya, tumatawag si Terrence, “hello?”

> Hey, OK ka na?

< Oo, OK na ako. *sumenyas kay Efren para ito ang pumunta sa counter.

> Just checking, nag-alala kasi sila mama.

< Kinwento mo pa sa kanila?! *sabay bulong ng ‘nakakahiya…’

> Yeah, that’s why gusto ka nilang makita. Tumaas nga ang blood-pressure ni Mama nang malaman niya eh. They were really worried.

< Ulet? Pupunta ulit ako dyan sa New Jersey? *’bakit kasi kinwento mo pa?’

> OK lang kung hindi, I’ll just tell them that you’re OK.

< Hindi. Nakakahiya naman, magpapaalam lang ako kay Brylle.

Bahagyang nakatanaw ng liwanag si Efren sa kasarimlang kinalulugaran, matapos maki-tsismis nangiti na lang siya at agad na binalikan si Clang, “ako nang bahala kay Brylle,” bulong nito kay Clarisse, “may lakad ka?”

Saglit na nagpaalam sa telepono ang dalaga, “sigurado ka?” tanong nito kay Efren. Pagtango lang ng ulo ang natanggap nitong sagot at ‘aprub’ sign mula kay Efren.
•••

“I know it’s my fault, a mistake from the past, but we can’t deny the fact that she is my daughter,” madiing sagot ni Philip sa kanyang asawa.

“Your mistake. Your daughter. Bakit kailangan madamay kami?”

“Madamay? In what way?”

“Paano kung malaman ng press ‘to?! Paano kung makarating lahat ng ‘to kay Mama?! Don’t you think hindi maapektuhan ang lahat ng bagay na umiikot sa paligid ko? Natin?!”

“Stop being so radical! Hindi lahat ng bagay sayo lang umiikot!” sigaw na ni Philip.

Bigla na lang tumayo si Violeta mula sa kanyang pagkakaupo at lumakad na patungo sa pinto.

"And where are you going?" tanong ni Philip.

Saglit ay lumingon si Violeta ngunit binalik lamang nito ang tingin sa pinto. Bago pa siya tuluyang lumabas, "I'll invite kuya Fernando for dinner."
•••

“SI Clarisse?” tanong ni Brylle pagkakita pa lang niya kay Efren sa set.

No comments:

Post a Comment