14 February, 2012

u2me2!♡ • 21

Chapter 21

"I just want to confirm if our reservation is still available?" tanong ni Brylle sa kausap sa CP at ibigay ang Reservation Number ng hawak niyang ticket.

"Yes Sir, ticket for two, the yacht will be at Battery Park by 4 in the afternoon, New York time. Is there anything I can help you?"

"No, I'm just checking the availability of our tickets, thank you," pinatay na niya ang kanyang CP. Hawak-hawak ang regalong binili kanina, 'ano na bang nangyayari sa akin? May gusto na ba ako sa kanya? Brylle! Hay...'

Sa likod lang ni Bry, kanina pang nakatayo si Sophie.

•••

"Tumawag kanina si Clangot..." paunang pagbati ni Froila ng umaga kay Nene.

"Talaga? Kamusta daw? Buti pa sayo tumatawag siya..." ungot ni Nene.

"Sana nga sayo na lang tumawag! Kaloka! Ala-una ng umaga nang-bubulahaw!"

Biglang dumating mula sa kanyang kwarto si Tita Rose, "si Clarisse tumawag? Ang aga naman... May problema?"

"Nililigawan daw siya ni Terrence," sagot naman ni Froi.

Biglang napatingin sa kanya ang dalawa, "Sus... Baka naman nananaginip lang siya, magpinsan talaga kayo... Parehas kayong ilusyunada..."

"Si Terrence? Yung matangkad?" tanong naman ni Tita Rose.

"Dalawa silang matangkad Ma... Yung isa si Brylle, hindi yun... Yung abogado..." sagot naman ni Nene.

"Hindi ba parang antanda naman nung Terrence para kay Clang?" tanong pang muli ni Tita Rose.

"Bente-sais na yata si Terrence o bente-sinko... Hindi ko sure..." sagot ni Froi, "sabihin mo Ma hindi ka papayag, tapos aangkinin ko na lang si Terrence kasi malulungkot siya..." dagdag pa niya nang bigla siyang batukan ng sariling ina.
•••

"After ng shoot, sa Manila na tayo uli magkikita," sabi ni Sophie.

Napatingin naman kaagad si Bry sa katabi, napansin ang malungkot nitong tono ng pananalita, "matagal naman tayo magkakasama pagbalik ng Pilipinas..."

Napangiti kaagad si Sophie, "you mean, we can still see each other right after the movie?"

"Ofcourse!" biglang sagot ni Bry na lubos na nagpaligaya sa kanyang kausap, "I think we'll still be together for promotions. Ewan ko, paano ba yun? Di ba may mga ganoon pa bago ipalabas ang pelikula?" tanong ni Brylle nang bigla namang dumating sila Efren kaya't hindi na niya nakita kung paanong nadismaya si Sophie sa isinagot ng binata.

"Hello Ms. Sophie..." pagbati ni Clang sa kasama ni Brylle.

Agad namang tumayo si Sophie, "check ko lang yung shoot, tignan ko lang kung pang-ilang sequence pa ako," paalam nito kay Brylle at ngumiti naman kay Clarisse.

"Bye po..." paalam naman ni Clang sa idolo, nang makalayo ito biglang ibinida ng dalaga ang kanyang nabiling isang regalo, "may pasalubong ako sayo!" tuwang-tuwa nitong sabi.

"Pasalubong?" tugon naman ni Bry.

Biglang kinalkal ni Clarisse ang kanyang paperbag para hanapin ang binili nito para sa binata, "oo, sabi ni Efren para bigyan mo rin daw ako..."

Napatingin naman si Brylle kay Efren at pinandilatan ito, agad namang napailing si Efren at sinasabi ng kanyang mukha ang pagtanggi.

"Teka... Basta... Asan na ba yun?" pagkalkal pa ng dalaga.

"Sigurado ka? Parang ngayon ko lang narinig na may binili ka para sa akin ha... Sa kuripot mong yan?" pang-aasar ng binata.

"Baliw! Bakit? Hindi mo ba natanggap yung gamot na pinaabot ko kay Efren?" tanong nito kay Brylle sabay tingin ng dalaga kay Efren.

"Inabot ko sa kanya ha..." ungot ni Efren, "malay ko kung ininom niya..."

"Wag na nga lang!" pagtatampo ni Clarisse at pagdaramot nito sa kanyang paperbag.

Natawa si Brylle sa ikinilos ng dalaga, "akin na nga yan..." pag-agaw naman nito sa bag. Agad niyang kinalkal ang laman nito, isa-isang inilabas ang kaunting gamit na pinamili ni Clarisse. Hanggang sa hindi na niya malaman kung alin ba doon ang kanya, "asan? Wala naman eh... Niloloko mo ata ako eh, puro papel 'to..."

"May box d'yan sa loob..." sagot ng dalaga nang makita na niya ang box sa gilid ng binata kasama ang kanyang mga gamit, "o... Ayan na pala sa tabi mo eh..."

Dinampot naman ni Brylle ang kahon at unti-unti itong binubuksan, habang hirap na hirap naman sila Clarisse at Efren kung sa paanong paraan nila pipigilan ang kanilang pagtawa.

No comments:

Post a Comment