10 July, 2011

u2me! • 16

Chapter 16

Naglalaba si Clarisse nang biglang may pumindot ng kanilang doorbell, si Terrence.

"Good morning," bungad na ngiti ni Terre kay Clang.

"Uy... Tuloy ka..." paanyaya nito sa bisita, nang makapasok na si Terrence sa loob, "upo ka lang muna dyan ha, aayusin ko lang muna yung mga nilalabhan ko," paalam nito bago pumasok ng CR.

"Si Brylle?" tanong ng binata.

"Si Brylle? Pumasok!" sigaw nito mula sa loob ng banyo. Ilang minuto lang lumabas din siya kaagad. "Napadaan ka?"


"Hindi, ibibigay ko lang sana 'tong mga pictures natin nung pumunta tayo sa karinderya niyo..." sabay abot nito ng paperbag.

"Napa-print mo na?" tuwa-tuwang pagtangga ni Clarisse, agad niya itong inilabas ng paperbag at inilatag sa center table, "wow... Ang panget ni Froila dito..." tawa ni Clang.

"Sabi ko na magugustuhan mo eh, na-upload ko na yan sa FB the same day, kaso hindi mo pa kasi ina-accept yung friend request ko eh kaya hindi pa kita nai-tag..."

"Ah... Hindi pa kasi ako nagbubukas ng facebook ko eh..."

"Sabi mo may laptop ka na di ba?"

"Oo, kaso wala akong internet eh..." ngingiti-ngiting sagot ni Clang.

"Ganun? Busy ka ba? Tara, bili tayo," yakad ni Terre.

Nagpalit lang ng damit ang dalaga't umalis rin sila kaagad ni Terrence.
•••

"Sir, ok na po yung pina-print niyong pictures," sabi ng attendant kay Brylle, matapos ang klase ng binata dinaanan niya ang shop nung photographer na kumuha ng litrato sa kanilang dalawa ni Clarisse sa MOA.

"Thank you," sagot nito nang makuha na ang pakay, naglakad nang palabas ang binata.

"Thank you Sir..." paalam ng attendant.

Natigilan lang sa paglalakad ang binata nang may makitang hugis iPhone na picture frame, "Miss?" tawag ni Brylle muli sa babae, "kukuha ako ng dalawang ganito."
•••

"Gusto ko sana i-share na lang yung Wifi sa unit ko, kaso I think it's better na meron ka na ring wireless para anywhere nagagamit mo," sabi ni Terrence.

"Ah..." yan lang ang tanging naisasagot ni Clang sa lahat ng bagay na pinagsasasabi ni Terre dahil hindi naman niya ito alam.

"Globe yung gamit ko, mabilis naman," dagdag pa ng binata, malapit na ang dalawa sa shop ng Globe Telecom nang matigilan si Clarisse.

"Si Brylle..." bulong ni Clarisse habang nakatitig sa loob ng isang shop.

Napatigil rin si Terrence at nilapitan ang dalaga, tinignan din ang shop at nakilala rin si Brylle, "image model pala ng Smart si Brylle?" tukoy nito sa poster na nakalagay sa may salamin ng Smart Communication, "Smart Wimax?"

"Ano yun?" tanong ng dalaga.

"Ah... Parang yung bibilhin rin natin..."

"Pwede bang ito na lang yung bilhin ko?"

"Hindi ko sure kung mabilis ang Smart eh, hindi ko pa kasi nata-try..." sagot nito, pero napansin niya na medyo nag-iba ang aura ni Clarisse, "Pero sige... Ikaw naman gagamit eh," bawi nito.

Umuwi ang dalawa na may dalang Smart Bro Pocket Wifi ang dalaga, at pamphlet na may larawan ni Brylle.
•••

Hapon na nang makauwi si Brylle, nadatnan niya si Clarisse na naka-upo sa sahig, "anong ginagawa mo?" tanong nito nang makalapit na sa dalaga.

"Pina-print kasi ni Terre yung pictures namin nung nasa karinderya kami, tignan mo..." sabay abot nito ng wacky nilang kuha.

Nangiti na lang si Brylle, "ang panget mo..." pang-aasar nito.

"Siraulo... Ano yang dala mo?" tanong ng dalaga sa bitbit ng binata na paperbag.

Hindi malaman ni Brylle kung ibibigay pa ba niya ang binili, ilang saglit sumagot na rin ang binata, "libro lang 'to." sabay abot muli ng picture kay Clang. Pumasok ito kaagad sa kanyang kwarto't tinignan ang mga binili.

Inilabas ni Brylle ang nilalaman ng dalang paperbag. Dalawang magkaibang larawan ang laman ng parehas na picture frame. Isang kuha na nakaharap sila sa lente ng camera kung saan kitang-kita ang pagka-orange ng paligid dahil sa paglubog ng araw, at isa pang kuha na nakatalikod, nakaharap sila sa papalubog nang araw.

Nais niya man itong ibigay na sa dalaga, nagdalawang isip na siya.

No comments:

Post a Comment