03 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.3

"Sino ka?!" sigaw ni Lindsey matapos niyang gumising sa kanyang panaginip kung saan nagpakitang muli ang lalaki.

Nagulat ang Nurse, "Nurse po ako dito..."

Natahimik sandali si Lindsey, "sinong nagdala sa akin dito?"

"Ah... Yung gwapo... Warren ang pangalan... Warren Javier," sagot ng malanding Nurse.

Biglang dumating si Allysa, "Girl! Anyareh?!"

................................

"Kuya!" sigaw ni Andrei sa kapatid nang matanaw ito sa parking. May inabot siya sa kapatid, envelop.

"Ano 'to?"

"Classcards, schedule..." ngiti ni Andrei.

"Anong nakakatawa?"

Biglang tumakbo si Andrei, nang makalayo, "wala nang Business Ad!"

"Anong in-enroll mo sa akin?!" sigaw ni Warren.

"Bye!" takbo pa rin ni Andrei.

Binuksan ni Warren ang envelop at tinignan ang schedule niya, "Architecture?"
................................

"Nakakaloka yung Nurse... Hindi ka talaga pinaalis papa kainin yung tatlong pirasong Skyflakes!" angal ni Allysa.

Tahimik lang si Lindsey, iniisip kung may koneksyon ang panaginip niya sa lalaking bumuhat sa kanya,bakas pa rin sa dugo niyang Chinese.

"Tahimik ka?" tanong ni Allysa.

"May lalaking nagdala sa akin sa Clinic kanina..."

"Ay... Sweet naman... May itsura?"

"Hindi ko nakita eh... Warren Javier ang pangalan."

"Ganda ng pangalan... Sana kasing handsome ng face... Tara sa Registrar..."

Napa-kunot-noo si Lindsey, "anong gagawin mo don?"

"Eh di itatanong kung sino yang Warren na yan..."

"Lumalabas talaga abilidad mo basta lalaki ang involve ha..." ngiti ni Lindsey sa pinsan.
................................

Naglalakad na muli si Warren patungo naman sa naka-schedule na Orientation ng muli ay tumunog ang CP niya, "#0000" ang nakarehistrong numero ng tumatawag, "Supremo..." bulong ni Warren.

"How are you kid?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Totoo ba yung sinabi ni Iris?"

"Huli na 'to Uno."

"Ipadala mo na lang ang mga detalye."

"Maaasahan talaga kita."
................................

"BS in Architecture po ang kurso ni Mr. Warren Javier," tugon ng nasa window ng Registrar.

"Ahm... Ma'am, patingin naman po ng picture..." singit ni Allysa.

"Sorry po pero confidential po," sagot muli ng babae.

"Confidential? Picture?" pagtataka ni Lindsey.

"Yes Ma'am," ipinakita ng babae ang folder kung saan nakasulat ng malalaking letra ang CONFIDENTIAL.

"OK..." sagot ni Lindsey.

Nang makaalis na ang dalawa, binuklat ng babae ang folder, wala itong laman. Agad niya itong inilapit sa Head Registrar, kinuha lang nito ang folder at pinabalik sa trabaho ang babae.
................................

"What's with the hurry?" tanong ni Andrei sa kapatid na nakasakay na sa sasakyan nila.

"Uuwi na tayo," sagot naman nito.

"Patapos na ang Orientation..."

"Tara na."
................................

Kinabukasan, 2:00pm

"Wala eh... Kinaibigan ko na lahat ng gwapo sa Archi, wala daw Warren Javier na freshmen," ungot ni Allysa kay Lindsey.

"Hindi siya pumasok?" bulong ni Lindsey.

"Kahit ako man, wala rin akong balak pumasok ngayon eh, wala pa namang ginagawa..."

"Walang ginagawa eh panay nga pagpapa-cute mo kapag pinapa-intro tayo isa-isa..."

No comments:

Post a Comment