05 July, 2011

u2me! • 13

Chapter 13

Kinaumagahan,

"Kain na..." alok ni Clarisse kay Brylle pagkalabas pa lang ng binata sa kanyang kwarto, ngunit dere-deretso lang itong naglakad patungong CR, sinundan na lang niya ito ng tingin, "badtrip pa kaya yun sa akin?"

Pagkalabas ng CR matapos maligo, muli ay inalok ng makakain ni Clang ang binata, pero hindi pa rin siya nito pinansin, umupo ito sa salas.

"Efren?" kausap ng binata sa CP, "pakisabi kay Ma'am Alma hindi ako makakapunta dyan ngayon... May pasa kasi ako eh... Hindi ako napaaway... Nadulas lang ako... Sige na... Ikaw na bahala... Bye."

Lumapit na ang dalaga, "lagyan natin ng ointment yang pasa mo..." alok ni Clang.



Bubuksan na ni Clarisse ang ointment para siya na ang maglagay nang agawin ito ni Brylle.

"Uy... Sorry na..." depensa ni Clang.

Ngunit hindi pa rin siya pinapansin ng binata, binuksan na ni Brylle ang ointment at naglagay na sa daliri.

"Ako na maglalagay," kinuha ng dalaga ang ointment na nasa daliri ni Brylle at siya na nga ang naglagay. "Uy sorry na..."

"Saan galing yan?" tanong ni Bry.

"Itong pamahid? Hiniram ko kay Terrence..."

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng binata at biglang umatras sa pagpapahid ni Clarisse ng ointment sa mukha niya.

"Wag kang magalaw!" sigaw ni Clang sabay diin ng daliri.

"Aray!" reklamo ni Bry.

'Ang arte naman nito,' bulong ni Clarisse, "mawawala si Terre ng tatlong araw... Simula na ng test niya..."

'Mabuti naman...' bulong naman ni Brylle.

"Saan ka ba dapat pupunta?"

"Ah... Mag-a-update ng VTR, ginagawa yung every 4 months..."

"Ano yun?"

"Yun yung pinapakita ng mga scouts sa mga naghahanap ng talent..."

"Para sa mga teleserye?"

"Sa akin para sa TV Commercials lang," sagot ng binata, "may lakad ka ba? Tara gala na lang tayo, hindi na ko makakapagliwaliw next week, simula na ng klase."

Sa kabutihang palad walang naging pasa si Brylle sa ilong, ngunit hindi sa kanyang pisngi, kaya tinapalan na lang ito ni Clarisse ng plaster.

Matapos mag-agahan, agad nang naligo si Clang at umalis.
•••

Sa SM Mall of Asia,

"Ano? Matapang ka?" tanong ni Bry sa kasama. Magkasama silang nag-zip line sa may Seaside, kung saan may isang oras na namutla ang dalaga.

"Sana man lang sinabi mong maggaganito tayo, nakapagdala man lang sana ako ng jacket," reklamo ni Clang bago sila pumasok sa Ice Skating Rink, kung saan parehas silang nagkabale-balentong dahil parehas rin silang hindi marunong.

"Ano ba yan, kalalaki mong tao mas magaling pa akong magbasketball sayo," pagmamayabang ni Clarisse sa binata sa 24 na lamang nito sa free throwing, "sayang yang height mo."

Hampas, tili at yakap naman ang naranasan ni Brylle sa kamay ng dalaga matapos nilang manood ng horror, "maka-tsansing ka eh 'no?" pang-aasar ng binata.

"Ang kapal mo rin eh 'no?" sagot naman ni Clarisse.

"Wala naman palang pinagkaiba 'tong yougurt ice cream sa mga ice cream eh," puna ni Clang sa pagkaing pinagsasaluhan nila ni Brylle.

"Less in calories kasi 'to... Bakit ko nga ba sinasabi sayo 'yon? Eh alam ko namang hindi mo alam yung calorie..." sagot nito sabay agaw at solong kinain ang ice cream habang naglalakad.

'Ang yabang...' bulong ng dalaga na kasalukuyang naiwan sa likuran, 'ano naman kung hindi ko alam yon...' dagdag pa nito, "HOY! Wag kang madamot!" sigaw nito sabay habol sa binata.
•••

Magkatabi ang dalawa sa isang upuan sa may Seaside, parehong napagod sa maghapong pag-iikot. Nababalot na ang buong paligid ng kulay kahel na gawa ng papalapit na paglubog ng araw.

Ilang saglit lang napasandal na ang ulo ni Clarisse sa may balikat ni Brylle, agad naman itong inalalayan ng binata't bahagyang iniayos ang pagkakaupo para sa natutulog na kasama.

Mula sa di kalayuan, lumapit ang isang lalaki sa dalawa, isa siyang photographer na nag-aalok ng kanyang serbisyo. Dahan-dahang tumango si Brylle, senyas na payag siya. Unti-unti ay ipinaling niya rin ang kanyang ulo sa dalaga. Sa kanilang pwesto ay tila ba natutulog silang parehas. Matapos ang ilang shot, iniabot ng lalaki kay Brylle ang calling card nito bago tuluyang umalis.

Maya-maya pa, mabilis na lumubog ang araw. Ang araw na nagbigay saya sa maghapon ni Brylle.

No comments:

Post a Comment