25 June, 2011

u2me! • 6

Chapter 6

"Saan ka galing? Nagkalkal ka ulit ng basura?" pang-aasar ni Brylle sa bagong dating na si Clarisse habang abala siyang naglalaro sa laptop niya sa sala.

"Baliw..." mahinang banggit ni Clang, "anong ginagawa mo?"

"Nagdo-dota," sagot naman ni Brylle, lumapit sa kanya ang dalaga.

"May ganyan din si Terrence..."

"Terrence?"

"Yung nakatira dyan sa kabila..."

"WOW! Ang aga mo mangapit-bahay ha!"

Tinignan niya lang ng masama si Brylle.

"Ang sama mo makatingin ha!"

"ANG LIIT NG SAYO!" sigaw ni Clarisse sabay tayo nito't pumunta na sa kusina.

Nabigla si Brylle sa sinabi ni Clarisse, "ano yon?!"

"Mabuti pa yung kay Terrence MALAKI!"



Tumayo na si Brylle at sinundan si Clang sa kusina, "anong sabi mo?"

"Maliit yung sayo..."

Kumunot nang muli ang noo ni Brylle, "HA?!"

"Yung laptop kasi ni Terrence mas malaki, tapos may apple sa likod..."

Nakuha na ni Brylle, nawala na ang kababalaghang iniisip niya.

"Ang yayaman siguro talaga ng mga nakatira dito, 'no? May nagtatapon ng cellphone, namimigay pala actually. May magtatapon rin kaya sa kanila ng ref?" tanong nito habang hinuhugasan ang mga pinagkainan.

Nakita ni Brylle ang maliit na plastic container na dala ni Clarisse, "champorado kinain natin ngayong umaga... Kagabi lugaw," tinignan siya ng masama ni Clang, ngiti na lang ang pinangbawi niya, "anong kakainin natin ngayon?"

"Wala na akong pera, baka gusto mo namang mag-ambag sa pagkain?!"

"Hindi ko ba binigay sayo kahapon yung card mo?"

"Card?"

"Ah... Hindi nga... Binigay kasi sa akin ng father mo yung credit card mo... Tara... Sa labas na tayo kumain, saka kailangan mo rin ng laptop para naa-update mo yang bago mong cellphone..." tataas-taas ng kilay ni Brylle sabay ngiti.
•••

Habang kumakain ang dalawa,

"Brylle," tawag ni Clang sa kaharap, "paano ba? Kuya? Kuya Brylle?"

"Dalawang araw na tayong magkasama ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko..." tawa ni Brylle.

"Oo nga 'no? Anong itatawag ko sayo? Bry? Kuya Bry?"

"Pinagkaabalahan mo talagang tanggalin yun L..." tawa ng binata, "ikaw ang itatawag ko sayo... Basurera..."

Tinignan ng masama ni Clarisse si Brylle, "salamat ha..." sarkastiko nitong sabi.

"Joke lang... Anong nickname mo?"

"Clang."

"Clang? Clang... Walang kakwenta-kwenta naman yun..."

"Si Terrence nga Clang na ang tawag sa akin eh."

"Mas nauna pa talaga kayong naging close eh 'no?" reklamo ni Brylle, "basta BASURERA ang tawag ko sayo!"

"Siraulo..." asar na asar na bulong ni Clarisse.

"So, may boyfriend ka na? You're 17 right?"

"Wala... Ewan ko ba... Maganda naman ako... Pero walang nanliligaw sa akin..."

"Maganda?! Saan?"

"Makikita mo rin yun kapag minulat mo ng maigi yang maliit mpng mata..." bawi ni Clang, "ikaw? Ilang taon ka na? May girlfriend ka na?"

"Twen'y... Wala rin, mas masaya kapag wala..." nakangiti nitong sabi, napangiti naman si Clang sa narinig at napansin ito kaagad ni Brylle, "Uncle ko ang father mo, therefore... Pinsan mo ako..."

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Clarisse, "feeling mo naman... Wit kita tipis-tipis..."

"Ano?"

"Hindi kita type..."

Natawa naman sa si Brylle sa sagot ng dalaga, "talaga lang ha... Eh natulala ka nga sa akin nung una tayong nagkita..."

"Feeling ka 'no?! Tsura nito!" sagot muli ng dalaga.

Pagkatapos kumain, namili ang dalawa ng kanilang mga personal na gamit at nag-grocery para sa kanilang mga kakainin.

"Uy teka..." sigaw ni Clang sabay hinto sa tapat ng mga Biscuit, may kinuha ang dalaga mula rito.

Lumapit naman sa kanya ang binata, "Bakit? Ano yun?"

"Ikaw pala 'to..." sabay turo nito sa hawak. Napatingin rin sa Brylle sa hawak ng dalaga, Voice Combo Sandwich - Chocolate. "Antagal-tagal ko ng kumakain ng ganito ngayon ko lang nalaman na ikaw pala 'to... Mukha ka talagang pandak 'no?"

Napakunot noo muli si Brylle.

"Yung mukha mo kasi, medyo mabait tignan... Parang hindi gagawa ng masama... Pero heto ka... Mapanglait..."

"Grabe ka..."

"Siraulo... Mareklamo... Arogante... Impakto..."

Sumama na ang tingin ni Brylle kay Clarisse.

"Buti na lang talaga gwapo ka 'no? Kasi kung hindi at ganyan kasama ang ugali mo, ewan ko na lang kung may papansin sayo..."

Nagalit na ang binata, "SOBRA KA NA HA!" sigaw nito.

"Yan pa... Naninigaw ka pa... Bingi ba ako?!"

No comments:

Post a Comment