23 July, 2011

u2me2! • 4

Chapter 4

Nagpatuloy pa ang usapan nila Alma at Brylle.

> co-company nila yung nakakita ng VTR mo, actually the role was vacant since yung artista na papalitan mo eh nababalita na nakabuntis, the company won’t settle for this actor, si Chris Rosalde…

< di ba Ma’am…

> *pinutol ni Alma ang sinasabi ni Bry* Brylle audition pa lang ‘to, kesa naman magpadala pa sila ng ibang talent d’yan eh andyan ka naman… The role was not that hard, magiging anak ka lang dyan sa movie and to be partnered with Sophie Del Rosario… Kung makuha ka man and you’ll do the movie, nasa sayo na yon kung gusto mo ituloy… Are we clear?

< yes Ma’am…

> Director Leo Cruz will be waiting for you at Wellington Hotel by 10am, oras d'yan, together with the whole cast for script rehearsals…

< akala ko po ba may audition pa?


> for formality na lang yung audition. 10 days lang naman ang shoot d'yan, you'll still have 2 days to enjoy after ng shoot. I'll send Efren para may assistant ka d'yan... By the way, you'll also stay at Wellington together with the whole cast and crew starting tomorrow, kaya maghanda ka na rin ng damit ngayon d'yan...

Matapos ang ilan pang usapan, natapos rin sila sa kanilang diskusyunan, "audition pa kunware..."

"May pelikula ka na?" masayang tanong ni Clarisse.

"Kaya mo na bang maiwan dito?" tanong naman ni Brylle.

"Yes... Artista na siya..." pang-aalaska ni Clang.
•••

Kinabukasan,

"I-text mo lang ako kapag may kailangan ka," paalam ni Brylle sa dalaga bago ito pumasok at bago rin sila maghiwalay ng ilang araw.

"Hay... Malaki na ako..."

"Oo... Malaki ka nang uto-uto..."

"Wag mo 'kong isipin, baka maputol pa dila ko... Atupagin mo na lang yang acting mo... Dapat talaga ni-workshop kita eh..."

"Sige na, pumasok ka na..." ngiti nito kay Clang.

Dumating si Brylle sa sinabing lugar at naroon nga and Direktor, ilang crew at ang buong cast, "Good morning po..."

"Brylle Lopez," banggit ng isang babae sabay pakikipagkamay nito sa binata, "I'm Lea, I'm the producer."

"Nice to meet you po."

Niyakad ng babae si Brylle at iniharap sa mga kasama, "this kid would replace Chris. Fred, give him his copy of script, read your lines in about an hour we'll start the rehearsal. Leo, paki-assist mo na muna itong bata..." Lumapit na si Leo at itinuro ang mga gagawin ng binata.
•••

Saglit lang nagtagal ang klase ni Clarisse, 'puro drawing lang ang pinapagawa...' usap nito sa sarili. Papalapit na ang dalaga sa mga taxi ng biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran.

"Hold-up," bulong nito kay Clang.

"Ay! Kunin niyo na lahat, cellphone ko, pitaka, wag niyo lang po akong sasaktan... Please..." pakiusap ng dalaga.

"Maiintindihan ka kaya ng amerikanong manghoholdap sayo?" tatawa-tawang tanong ng lalaki.

Agad namang lumingon si Clang at nang makita ang binata, walang tigil niya itong pinaghahampas, "siraulo ka Terre!"
•••

"I'm expecting you to give me a good shot in this scene," utos ni Direk Leo kay Brylle, "full emotions... Isipin mo na lahat ng malungkot na bagay na makakapagpaiyak sayo..."

"Yes po..." sagot na lang ng binata, nang makatalikod, 'ano ba 'tong pinasok ko?'

"New kid!" sigaw ng isang staff, "this is Sophie, I'm sure kilala mo naman siya..." pakilala nito sa makakapareha ni Bry sa pelikula, "Sophie, this is Brylle, siguro medyo familiar ka na sa mukha niya, image model rin kasi si Bry."

"Nice to meet you..." pakikipagkamay ng magandang dalaga kay Brylle.

"Nice to meet you too," ngiti naman ng binata.

"I think it's better kung makakapag-usap kayo nang mabawasan ang ilangan sa set tomorrow..." payo pa ng staff bago tuluyang umalis at iwan ang dalawa.

"Do you want to have coffee?" paunang alok ng batang aktres.

No comments:

Post a Comment