Inakyat ni Warren ang attic, at katulad ng sinabi sa kanya ni Iris, naroon ang mga bagay na magagamit ni Warren, 'magagamit saan? Tapos na ang serbisyo ko sa Supremo, wala namang pinapagawa sa akin si Iris. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.' Naputol ang iniisip ni Warren ng biglang tumunog ang CP niya, "Hello?"
"Hello, Warren?" tanong ng babae sa kabilang linya.
"Oo, si Warren nga ito, sino 'to?"
"Ah... Lindsey..."
"Tan?"
"Yes, ah... Gusto ko lang malaman kung ok lang sayong..."
"Alam mo number ko?"
"Ah... Hiningi ko kay Vince..."
"About sa play ba 'to?"
"Oo eh... Kasi... Hindi talaga ako marunong..."
"Dialogues? Ako rin naman eh..." patawang sabi nito.
"Alam ko, ako nagpasok sa ating dalawa sa gulo na 'to, but maybe, can we be friends?" marahang tanong ni Lindsey.
Natawa na lang si Warren, "sure... Sure... Pasensya na rin at hindi kita masyado ina-approach these days... Umiiwas lang akong masampal ulit."
Matagal na nag-usap pa ang dalawa sa CP, at nagkayayaang magkaroon ng pribadong dayalogo para sa i-practice ang kanilang linya sa Theatro.
................................
Kinabukasan,
"Asan na pala yung kotse mo't inihahatid ka pa ng driver?" tanong ni Arthur nang makitang pasakay sa Family Vehicle si Lindsey.
"Tanungin mo si Papa!" masungit nitong sagot.
Napailing na lang si Arthur at niyakad ang kapatid na siya na lang ang maghahatid sa kanya sa Richmond.
Pagkarating naman nila Warren sa University, agad nagpaalam si Andrei at may kakausapin pa raw siya, na malamang ay yung Lee na kakakilala pa lang niya. Paglingon ni Warren nakita siya ni Lindsey at kinawayan.
"Warren, kuya ko, Arthur," pakilala ni Lindsey sa kapatid, "kuya, si Warren, kasama ko sa Theatre Arts."
"So ikaw pala yung Warren... Ingatan mo 'to ha..." biro ni Arthur.
Kinabig ni Lindsey ang kapatid, "umalis ka na nga!"
Napangiti na lang si Warren sa magkapatid. Nang makaalis na si Arthur, "close kayo ng kuya mo?"
"Siya lang kakampi ko sa bahay. Kayo ni Andrei?"
"Hmmm... Kami lang naman magkasama, ang hirap naman kung hindi kami magkakasundo?"
Marami pang itinanong si Lindsey habang patungo sila ng auditorium, at doon niya nalaman na wala nang magulang sila Warren.
................................
Lunch,
"Warren!" tawag ni Brix habang kumakain ang magkapatid na Warren at Andrei. "Male-late ako sa Chem ha... Naiwan ko kasi sa bahay yung Activity natin..."
"Tara, wag ka na mag-commute, para mas mabilis," nagpaalam lang si Warren sa kapatid at agad na silang umalis.
Nang makarating na sila sa bahay ni Brix, iniwan na ni Brix si Warren sa salas.
Nilibot ni Warren ang paningin sa buong salas, nang may makita siyang isang payat na cabinet na may salamin na pinto, lumapit ang binata rito at nakita ang nilalaman ng cabinet. Litrato ng isang lalaki at dalawang babae, sa tabi nito ay isang Krus, isang imahe ni Mama Mary at plaque na may nakasulat na, "Please guide me from heaven, Brix."
Binuksan ni Warren ang Cabinet at nakita nito sa ibaba lamang ng mga litrato ang tatlong Urn. Iniluhod ni Warren ang isang tuhod upang makita ng lubusan ang mga ito, nabasa niya mula sa isa sa mga ito ang July 21, 1960 - December 12, 2007. Sinilip niya rin ang dalawa pa at magkakatulad ito ng petsa ng kamatayan.
Pagkalingon ni Warren, nasa ibaba na ng hagdan si Brix.
No comments:
Post a Comment