Chapter 8
Habang kumakain ang dalawa,
"Gusto mong mag-artista?" tanong ni Clang. Umiling lang ang binata, "ayaw mo?"
"Wala akong talent..." sagot nito sabay subo ng pagkain.
"Sabihin mo nga ulit yung 'KFC tayo!'" sabi ng dalaga.
"Baliw..." sabay titig kay Clarisse.
"Hay... Susubukan nga natin eh..." reklamo nito, "OK... Magbibigay ako ng eksena, ganito," alok ni Clarisse, mukha namang game si Brylle, "OK Bry ganito, kunwari girlfriend mo ako..." nagsimula ng mamilog ang mga mata ng binata, "nakikipag-break ako sayo..."
"Ang lakas mo namang mag-ilusyon..." pang-aasar ng binata.
"Siraulo... Iba na nga lang!" sigaw ni Clang at sandaling nag-isip, "ay alam ko na..."
Nagpatuloy na lang sa pagkain si Brylle, wala na sana siyang pakealam ng,
"OK ganito, kunwari ako ang nanay mo, kasi ayaw mo akong girlfriend, tapos nasa ospital tayo, tapos... Nanghihina na ako... Kailangan umiiyak ka ha... Nanghihina tapos mamamatay na ako..."
Biglang ibinagsak ni Brylle ang kutsara't tinidor niya sa kanyang plato, "ewan ko sayo," sabay tayo, uminom ng tubig at pumasok na sa kanyang kwarto.
Pinanood na lang ni Clarisse ang binata hanggang pabalibag nitong isinara ang pinto ng kanyang kwarto, "anong nangyari don? Hoy, baka gusto mo namang maghugas ng pinagkainan!" sigaw ni Clang, "ako na naman maglilinis nito? Katulong ba ako dito?" reklamo ng dalaga.
•••
Kinabukasan,
"Hoy basurera! Eight o'clock tayo pupunta ng school," paalala ni Brylle kay Clarisse bago ito pumasok sa CR para maligo.
"Ang aga-agang mang-asar... Kainis..." bulong ni Clarisse.
Maagang dumating ang dalawa sa eskwelahang pag-aaralan ni Clarisse, na nangyaring dati ring school ng binata. "Iiwan na kita dito..." paalam ni Brylle.
"Ha?! Samahan mo naman ako, wala akong alam sa pag-e-enroll..." pakiusap ng dalaga.
Ayaw na sanang magtagal ni Brylle sa school, iwas na kasi siya sa mga iniwang kaklase.
Biglang may napansin si Clarisse na lalaki na nakangiting papalapit sa kanila, "Brylle! Long time no see ha..."
"Si John, ka-batch ko," bulong ni Brylle sa kasama, "Uy... Kamusta?" sagot nito sa dating kakilala.
"Eto, madugong 2 years pa," sagot naman nito, "ikaw kamusta? Mag-aaral ka na ulit?"
"Oo..." biglang sagot ni Clang.
Napatingin sa kanya ang dalawa, si John dahil sa gulat, si Bry dahil rin sa gulat pero dahil talaga sa gulat na ipinahamak siya. Pinandilatan niya ng mata si Clarisse.
"Bakit? Yun naman yung sabi mo di ba? Mag-aaral ka ulit," sagot muli ng dalaga.
"Sino siya Brylle? GF mo?" tanong ni John.
Nabigla si Bry sa tanong ng kaibigan, "hindi ha..."
"Ah..." tugon naman ni John, "it's nice to know na mag-aaral ka ulit... Sige ha, hinahanap ko pa kasi si Santiago eh, alam mo naman yun kung saan nagsususuot..." tukoy nito sa propesor. Umalis rin kaagad si John.
"Problema ka..." sabi ni Brylle kay Clang, "anong sinabi mong mag-aaral ako?"
"Eh di wag kang mag-enroll... Anong problema don?"
"Yung tatay ni John, close friend ng dad ko!"
"Tapos?"
"Hay... Buti na lang talaga crash course lang ite-take mo... Hindi mato-torture yang utak mo sa kung ano-anong subjects!" pang-aasar nito sabay lakad palayo.
"Ang yabang..." bulong ni Clarisse.
Natapos ring mag-enroll ang dalawa bago magtanghalian, ipinahawak ni Brylle ang mga papel niya kay Clang, bago sila sumakay ng kotse matapos nilang kumain.
"Tatlong beses lang ang pasok ko sa isang linggo... Puro half day pa..." tuwang-tuwang pagmamalaki ni Clarisse.
"Kasi nga, hindi nga kakayanin ng utak mo kapag Degree ang kinuha mo..." pang-aasar ni Bry.
"Baliw..." binasa ni Clang ang papel ng binata, "andami mo namang subjects... Ano bang kurso mo?"
"Medicine," sagot ni Brylle, "doktor... Pero wag ka sa akin magpapagamot ha... Psychiatrist ang kailangan mo..." tawa ni Brylle.
"Ikaw ang may kailangan ng sayko..." pikon na sagot ni Clang.
"Paano? Iuuwi na kita?"
"May pupuntahan ka pa ba? Pwede akong sumama?"
"Baka mainip ka lang dun... Magdamagan yun..."
"Hindi... OK lang yun..."
•••
"Huy... Ok ka pa?" panggigising ni Brylle sa nakayukong natutulog na Clarisse, 2:00am na hindi pa rin sila umuuwi mula sa pictorial.
"Tapos ka na?" tanong ni Clang habang nagpupunas ng tumulong laway.
"Dalawang change na lang ng damit," sagot naman ng binata, "sabi ko sayo magdamagan 'to eh... Gusto mong kumain?" alok nito sa kasama.
"Nagugutom ka ba?" tanong ni Clang.
"Hindi... Coffee? Bili ka muna ng coffee sa baba."
"Ok," bumaba kaagad ng building si Clarisse para ibili ng kape ang kasama. "Miss dalawa ngang kape," order ng dalaga.
"Maam, anong kape po?" tanong ng taga-shop sabay turo sa mga mapagpipilian.
'Grabe... Ang daming kaartehan ng mga kape dito, may mga ice cream pa sa ibabaw...' isip-isip ni Clang. "Isang black coffee, saka... Mo... Cha... Fra... Frap... Mo..."
"Yes ma'am?"
"Dalawang black coffee."
"Ma'am baka gusto niyo ng donuts..."
"Sige dalawa..."
"Ano pong flavor?"
Tinignan ni Clang ang estante ng mga tinapay, kahit ang mga ito, hirap siyang basahin, "kahit alin na lang dyan," sagot ni Clarisse, 'pahihirapan mo pa ako...'
Agad rin namang umakyat ang dalaga dala ang pagkain, "dapat pala hindi na ako sumama," sabi nito sa sarili sabay hikab. Nasa loob na ng elevator si Clarisse nang bigla itong huminto't namatayan ng ilaw, trip mang sumigaw ng dalaga sa takot hindi na niya ito pinagkaabalahan dahil sa antok.

No comments:
Post a Comment