31 July, 2011

u2me2! • 9

Chapter 9

Hinatid nang pauwi ni Terrence si Clarisse pabalik ng hotel nito sa New York,

"Napagod ka?" tanong ni Terre sa dalaga habang nasa tapat na sila ng hotel nito.

"Hindi, ang saya nga eh, tara, tuloy ka muna, baka gusto mong magkape?"

"Hindi na... Para makapagpahinga ka na, may pasok ka pa bukas," paalam nito, "sige, mauna na ako ha... Bye!"

Papasok na ng hotel si Clarisse ng saktong dumating si Brylle, "BASURERA!"


"Impakto..." bulong nito pagkalingon niya sa binata, "akala ko ba next week pa matatapos yung trabaho mo?"

"Grabe ka... Ni hindi ka man lang ba masayang makita ako? Hindi mo ako na-miss? I love you too!" tawa ng binata.

Halos manliit ang dalaga sa kahihiyan, 'easy lang Clang... Easy... Kalma! Kailangan mo ng alibi...' usap nito sa sarili.

"Ano? I love you too na nga..." pang-aasar pa ng binata.

"Si Terre ang sinabihan ko no'n no!" biglang sagot ni Clarisse.

"Ha?!" gulat naman na reaksyon ng binata.

"Bakit?... Selos ka 'no?..." pangbawing pang-aasar naman ni Clang, 'panalo ako neto...'

Nawala na ang ngiti sa labi ni Brylle, may gusto pa man siyang itanong hindi na niya magawa. Umakyat na lang siya papasok ng hotel.

"Yes!" sigaw ni Clarisse nang makapasok na ang binata sa building, "I'm such a winner..."
•••

Sa Pilipinas,

"I'm sure na-shock kayo nang i-balitang na-pull-out sa casting ng kanyang latest movie si Chris Resalde nang dahil sa issue of his early daddy-state, hindi man siya natuloy for the role opposite Sophie Del Rosario sigurado akong kikiligin kayo sa bagong ka-loveteam ng young actress," sabi ng host sa TV na pinapanood nila Froila at Nene.

"Totoo pala na nakabuntis si Chris..." tsismis ni Nene sa kapatid.

Ipinakita sa TV ang ilang larawan ni Brylle at pati na rin ang mga nagawang TV commercials, "si Brylle yan di ba?" sabi naman ni Froi.

"Hmmm... Clueless ba kayo kung sino siya? He is Brylle Lopez, he's personally chosen for the role by Direk Leo himself, more updates to come after a short break," dagdag pa ng host sa TV.

"Oh... Si Brylle," turo ni Tita Rose na kapapasok lang galing sa kusina, "bakit nasa balita siya? Di ba nasa America sila ni Clang?"

"Yes mama..." sagot naman ni Froila, "artista na ang boyfriend ko..."

Agad naman siyang binatukan ng kapatid, "ilusyunada..."
•••

"Kumain ka na?" tanong ni Clarisse kay Bry habang kumakain siya ng cup noodles. Pero snob lang ang isinagot sa kanya ng binata at lumabas na ng hotel room, "ay... Grabe magselos..." tawa ni Clang.

Naglalakad si Brylle, naghahanap ng makakainan habang kinakausap ang sarili, "Ano ngayon? Hindi naman pala ikaw... Ano naman?! Tsaka hindi ko siya gusto 'no! Mataas ang standards ko... I love you? Kalokohan..." sabay sipa nito sa isang maliit na bato, tumama ito sa isang mailbox. Nabaling ang tingin niya rito nang may malilit na puting bagay na paunti-unting nahuhulog sa paligid nito. Tumingala siya at napagtantong kanina pa pala umuulan ng nyebe.

Tumakbo siyang pabalik sa hotel at doon niya naabutan si Clarisse na tuwang-tuwang sinasalo ang nyebe na parang bata.

Biglang napalingon si Clang sa lalaking lumalapit sa kanya at nalamang kinukanan siya nito ng litrato.

"First snow mo di ba?" sambit ni Bry.

No comments:

Post a Comment