26 June, 2011

u2me! • 7

Chapter 7

"Uy... Sorry na..." panunuyo ni Clarisse sa kasama, "uy... Hindi mo pa ako tinuturuan gamitin 'to..." tukoy nito sa hawak na credit card. Naghahabol ang dalaga habang tulak niya ang kanilang cart.

Huminto naman si Brylle mula sa mabilis nitong lakad.

"Wag ka nang magtampo... Dalawang plastic naman na Voice yung binili ko eh..."

'Eh ano ngayon?' bulong ni Brylle sa sarili.

Sa kabutihang-palad, itinuro naman ni Brylle kay Clang kung paano ipangbayad at ang PIN ng credit card. Pagkatapos agad silang bumaba kung saan naka-park ang sasakyan ng binata.

"Teka... Di ba ibibili mo pa ako ng laptop..." paalala ni Clarisse.

"Bakit naman kita ibibili? Syempre ikaw na bijili para sa sarili mo..." sagot ni Brylle, 'skies the limit na nga yang credit card mo kuripot ka pa rin...' bulong nito sa sarili.

Dahil sa sinabi ni Brylle, sumimangot ang dalaga.



"Oo na... Baka pwedeng isakay muna natin sa oto ko 'tong mga grocery 'no? Nakakahiya namang dala-dala natin 'tong mga plastic na 'to habang namimili..." agad namang bumalik ang saya sa mukha ni Clang.

Bumalik rin sa loob ang dalawa matapos iwan ang mga pinamili, "Uy!" sigaw muli ni Clarisse kay Brylle.

"Ano na naman?"

"Nakita ko kasi yung picture ng cellphone ko," sagot ni Clang habang nasa tapat ng Globe Telecom.

"Ano ngayon?" pambabara ni Brylle.

"Eh di dapat dito tayo pumasok..." sabay silip nito sa loob, may nakita siyang lalaking kumaway mula sa loob, "si Terrence..."

"Sino?"

Lumabas saglit si Terrence, "Clang... It's good to see you here..."

"Andito ka rin pala... Anong ginagawa mo dito?" tanong ng dalaga.

"Bibili kasi ako ng cellphone" ngingiti-ngiting sagot ni Terre.

"Sabi ko sayo isasauli ko na lang yung cellphone mo eh..." dumukot sa bulsa si Clarisse.

Umiling ang binata, "ibinigay ko na nga sayo eh..."

"Ehem..." biglang umubo ang nasasantabing binata.

Napatingin naman kaagad sa kanya ang dalaga. "Ay nga pala... Terre, si Brylle," pakilala ni Clang sa katabi, "siya yung kasama ko sa bahay. Bry, siya si Terrence yung nakatira sa kabilang unit..."

"Terrence pare..." alok ng pakikipagkamay ni Terre.

"Brylle..." sapo naman nito sa kamay ng bagong kakilala, "Oh sige Terrence, may bibilhin pa kasi kami eh..." biglang yakad ni Brylle.

"Ngayon na?" tanong ni Clarisse sa kasama.

"Oo!" pasigaw na sagot ni Bry.

Napatingin ang dalawa kay Brylle, "sige, kailangan ko na ring bumalik sa loob eh," paalam ni Terrence kay Clang.

"Ok... Bye..." paalam ni Clarisse bago sila umalis.
•••

Patapos ng magluto si Clarisse nang tanungin niya si Brylle na nakaupo naman sa dining, "bakit wala kang gf?"

"Wala lang..." sagot naman ni Brylle, "hindi ko lang gusto, parang yung sinabi mo kanina, ipis-ipis..."

"Tipis-tipis... Wit kita tipis-tipis... Ipis-ipis ka dyan," tawa ni Clarisse sabay lingon kay Brylle, "yan sa balikat mo ipis..."

"Uy!" Napatayo sa gulat si Brylle at agad na nagpagpag, walang tigil siyang nagtatalon hanggang sa hubarin na niya ang suot na t-shirt at ipagpag ito.

Tawa lang ng tawa si Clarisse sa ginawa ng binata, dinala na niya sa hapag ang niluto niya, "joke lang... Hahahahahaha..."

Wala nang nagawa si Brylle kundi isuot muli ang damit habang masama ang tingin sa dalaga.

"Ayos ba?" ngiti ni Clarisse, "takot ka pala sa ipis..."

"Siraulo kang basurera ka!"

"May isang tanong pa ako sayo," sabi muli ni Clang matapos kumuha ng pinggan at utensils, "bading ka ba?"

"Ano?!" gulat na sagot ni Bry.

"Kasi karamihan ng mga gwapo ngayon, gwapo rin ang hanap... Baka kaya wala kang gf kasi boyfriend ang hanap mo..."

"Siraulo ka... Halikan kita dyan eh!" dare ni Brylle.

"Sige nga..." patol naman ni Clang.

"Ah... Gusto mo lang ako mahalikan... Anlakas talaga ng tama mo sa akin..." ngumuso si Brylle na tila gustong halikan si Clarisse, "Oh... Eto na baby..."

"Ang kapaaal..." sagot naman ni Clarisse habang marahang itinulak pakanan ang mukha ng binata gamit ang kanyang palad tila ba isang sampal.

No comments:

Post a Comment