10 August, 2011

u2me2! • 13

Chapter 13

Maagang natapos ang klase ni Clarisse kaya agad niyang tinext ang binatang susundo sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas habang hinihintay ng dalaga si Brylle nang, "Terre!" sigaw ni Clang pagkakita pa lang sa binata habang naglalakad ito papalapit sa kanya, "anong ginagawa mo dito?"

"Wala na kasi akong ginagawa sa bahay eh, tara..." yaya nito sa dalaga.

"Hindi pwede eh... Susunduin kasi ako ni Brylle," sabi naman ni Clarisse.

"Si Brylle?" pagtataka ni Terrence, "tapos na siya sa trabaho niya?"

"Hindi..." sagot naman ni Clarisse nang biglang dumating si Bry, "oh... Ayan na pala siya eh..."


"Siraulo ka ba?! Sana man lang nag-text ka atleast 15 minutes earlier, anong akala mo sa akin?! Lumilipad?!" sigaw ni Brylle sa dalaga ng makalapit siya rito, doon na lang niya napansin na ang taong nakaharap sa dalaga at nakatalikod naman sa kanya ay si Terrence, "Terrence..." bati nito sa binata.

"Bry... Akala ko next week pa ang balik mo..." tanong ni Terre.

"Hindi pa kami tapos, hindi lang pa ako kailangan ngayong araw..." sagot naman ng binata, "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Di ba kakagaling mo lang dito kahapon?" mapambarang tanong ni Brylle.

"Ah... I just thought wala pang makakasama si Clarisse the whole week," marahang sagot ni Terre.

"Teka... Kain na muna na tayo..." biglang yaya ni Clang na pumutol sa nagsisimulang tensyon sa pagitan ng dalawang binata. Agad namang umalis ang tatlo para kumain.

"Si Terre, dual citizen siya kasi doon na siya pinanganak sa New Jersey..." kwento ni Clarisse habang may nginunguya pang pagkain.

"Tinatanong?" pambabara ni Brylle sa katabi. Biglang nabaling ang tingin ni Terrence sa binata mula kay Clarisse, ngayon apat na mata na ang nakatitig sa kanya, "joke lang..." bigla niyang kabig sa katabi, "alam mo namang lab na lab kita bebe eh..." sabay ngiti nito with matching taas-baba ng kilay.

"Bebe?" sabay naman na tanong ni Terre at Clang.

"Di ba nga nag-'I love you' ka na sa akin bebe..." sabi pa ni Brylle na sadyang nilakasan para iparinig kay Terrence.

Naaligaga ang dalaga sa mga pinagsasasabi ni Bry, agad siyang napadampot ng dalawang slice ng garlic bread at isinubo sa katabi, "gutom ka di ba? Hindi ka pa nag-aalmusal eh..." sabi pa nito, "wag kang nagpapaniwala d'yan..." sabi naman niya kay Terrence, "baliw yan eh..."

Halos mangiyak-ngiyak namang nginunguya ni Brylle ang nasa bibig pero pilit pa rin siyang nagsalita, "totoo naman yun ha..." ngunit panlalaki lang ng mata ang natanggap niya mula sa dalaga.
•••

Sa Wellington Hotel,

Kinatok ni Sophie si Brylle sa kanyang kwarto pero hindi ang binata ang nadatnan niya sa loob nito, "Si Brylle?" tanong ni Sophie kay Efren.

"Si Sir po? Umalis po kagabi..."

"Huh?! Hindi pa siya bumabalik? Saan siya pumunta?" tanong pang muli ng aktres.

"Bumalik po sa unang hotel na tinuluyan niya..."
•••

Sa Battery Park,

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Clang kay Terrence na nagyaya sa kanila ni Brylle na pumunta sa mga yate.

"Mag-iikot tayo along the coast..." sagot naman ni Terre.

"Sasakay tayo ng barko?!" tanong muli ni Clarisse na may halong pananabik.

"Hindi, lalangoy ka lang... Marunong kang lumangoy?" pang-aasar ni Brylle pero inirapan lang siya ng dalaga.

Biglang tumungtong si Terre sa isang boardwalk, "you should experience the yatch ride... Parang magkru-cruise tayo pero until gabi lang... Mas makikita mo ang bright lights ng New York sa coast..." sabi pa nito sabay alok ng kamay sa dalaga para maalalayan niya ito.

Agad namang tinanggap ni Clang ang nakaambang kamay ng binata, "thank you..." sabay bulong ng, 'magsu-susyal-susyalan ako dito...'

Nang tuluyang makasakay si Clarisse, "tara pare, sama ka na sa amin..." yakad ni Terrence kay Brylle.

Agad namang tumugon si Bry, "hindi na... Kayo na lang..."

No comments:

Post a Comment