Chapter 14
Sa yate, palubog na ang araw,
"I'll get some drinks," biglang pagtayo ni Terrence, "is there anything you want?" tanong niya kay Clang.
"Hindi... Kahit kape na lang... Malamig eh," hiling ni Clarisse.
"Ikaw pare?" tanong naman ni Terre kay Brylle na napilit niyang sumama, pero iling na lang ang sinagot sa kanya ng binata. Tumayo na si Terrence at agad na umalis.
Nakayuko si Clang nang dutdutin ni Brylle ang ilong niya, "oy! BALIW!" sabay tabig sa kamay ng binata.
•••
Sa Manila, St. Michael Hospital,
“Kuya! This girl is with your son!” buska ni Violeta sa kanyang kapatid.
Napatalikod na lang si fernando, “ni hindi ko nga alam kung nasaang lupalop ang anak ko ngayon.”
“He’s in New York with that opportunist !”
“Oh, anong gusto mong gawin ko? Lumipad ako papuntang New York para kaladkarin palayo sa anak ni Philip ang pamangkin mo? And please, stop harassing this girl with your vicious words,” sagot naman nito at biglang humarap sa kapatid na babae.
“Sino ba talagang kinakampihan mo?! Ako ang kapatid mo!”
“Yon… Lumabas din yung true intention mo kung bakit mo ako kinakausap ngayon, naghahanap ka ng kakampi.”
“So tino-tolerate mo pa yung panloloko sa akin ng asawa ko?!”
“Hindi, what I’m saying is, maybe nagkamali nga siya, which, nagkamali nga siya, but those were things from the past, mistakes from the past. Ayokong makisawsaw kasi alam kong wala ka namang balak siyang hiwalayan,” dagdag pa ng ama ni Brylle.
“I’m not talking about my marriage here, ang problema ko ay oportunistang babaeng yon!”
Napahingang-malalim muna si fernando bago nakasagot, “ok, kung ikaw ang nanay nung babeng sinasabi mo, what would…” naputol nitong sabi nang biglang sumabat si Violeta.
“Excuse me, never akong kakabit kahit kanino.”
“Let me finish, kung anak mo nga ‘tong babae na ‘to, wouldn’t you give her what she deserves? I mean, Siguro gusto lang bumawi ni philip sa mga bagay na sana ay naibigay niya sa anak niya…”
“In my face?! Harap-harapan?!”
“Di ba sinabi mo kanina na hindi niya ipinaalam sayo, it’s your fault na… Pinakealamanan mo eh… binusisi mo eh, you did even hire a private detective. Sino nang may problema doon?”
“Now you’re saying na ako ang may problema?!”
“Meron akong kaibigang doctor dito, maybe you should see her to calm you.”
“Ha?! Are you saying that I need medical attention?! Na nababaliw ako?!”
“No! What I’m advising you is to seek some guidance, don’t deal with everything alone.”
Napasandal na lang sa kinauupuan si Violeta.
•••
“Oh isa pa,” pang-uuto ni Brylle kay Clarisse, kinukunan nito ng litrato ang dalaga habang nakatayo ito sa dulong unahan ng yate.
“Pagkatapos ko ikaw naman ha… Siraulo ka!” sagot naman nito habang nahihirapan sa pagtayo sa hindi pantay na inaapakan, “Kunan mo ako sa dito,” sabay atras nito sa mas dulo nang parte ng maliit na barko, “tapos gagayahin ko si Rose… I’M THE QUEEN OF THE WORLD!!!” Nakatayo si Clang sa isang plaform kung saan ang tanging harang lamay ay ga-dangkal na taas ng railings.
“Sus… Feeling mo naman…” sagot muna ni Brylle bago i-click ang iPhone ng dalaga nang bigla namang tumunog ang CP ng binata, “ok na saglit…” paalam nito bago sinagot si Sophie na nasa kabilang linya, “hello?” sabay talikod nito.
Pababa na si Clarisse nang hindi sinasadyang sumabit ang suot na sandals sa isang turnilyo sa railings, “Brylle!!!” sigaw nito sa kasama.
“Teka saglit…” sagot naman ni Bry sabay harap muli at masaksihan kung paano mabilis na nawala ang dalaga sa kanyang paningin, “HOI!”
Mabilis na umusad ang mga pangyayari, pareho nang nasa tubig si Brylle at Clarisse.
“Hoi! Clarisse! Clarisse!” bahagyang pag-alog ni Brylle sa dalagang walang malay habang pilit niyang pinapalutang ang kanilang katawan sa lamig ng tubig dagat, “Hoi!” hahabol-habol nito ng hininga, “Clarisse!” Tumigil siya saglit, pinisil ang ilong ni Clang at huminga ng pagkalalim-lalim sabay inilapat ang kanyang labi sa labi ng dalagang kanyang hawak-hawak.
No comments:
Post a Comment