Chapter 5
Nagising si Brylle, mahigit dalawang oras din siyang nakatulog, ginising lamang siya ng gutom. Pagkalabas pa lang niya ng kwarto, bumungad na sa kanya ang isang Clarisse na nakasalampak sa sahig, abalang-abala sa pagkalikot ng isang bagay, nilingon naman siya ng dalaga at sinabing, “kain ka na… Hindi na kita naantay eh… Kumain na ako…”
“Bakit ka nakahiga sa sahig? Ano yang ginagawa mo dyan?” tanong ng binata.
“Naglalaro…”
“Naglalaro?” pagtataka ni Brylle, “May sofa naman ha…”
“Hindi ko mabalanse eh… nahuhulog parati yung bola…”
“Bola?”
“Naglalaro ako ng LABAYRINT…”
“LABAYRINT?” sinilip na niya kung ano talaga ang ginagawa ng dalaga, “ah… Labyrinth…” tumuloy na si Brylle sa kusina, huli na nang mapansin niyang hindi naman ganoon ang cellphone ni Clarisse kanina, agad niyang nilingon si Clang at, “saan ka nakakuha ng iPhone 4?!”
“Ha? Ito ba yung iPhone? Napulot ko kanina…” tumayo na ang dalaga mula sa pagkakahiga sa sahig at sinundan ang binata sa kusina.
“Napulot? Saan naman?” nakakunot na naman ang noo ni Brylle.
“Kanina… Sa baba… Tinapon ng may-ari…” sabay abot nito ng CP kay Brylle.
“Hindi mo naman sinabi sa akin na basurera ka pala…” pang-aasar ng binata, sabay nilapag ang cellphone sa lamesa.
“Grabe ka… Sinauli ko naman sa may-ari kanina, pero ibinigay na niya sa akin…”
Kumuha na ng plato, kutsara’t tinidor si Brylle.
“Ang ganda nga eh… May ibon na galit sa mga baboy…”
“Angry Birds…” binuksan na ni Brylle ang rice cooker, “bakit ganito yung kanin?”
“Bakit?”
“Bakit parang congee? Parang tuyong lugaw?” dagdag pa ni Brylle.
“Ang arte nito, eh di sana ikaw na nagsaing kanina…”
“Taga-karinderya ka di ba?”
“Oo na! Hindi ako nagsasaing sa amin!”
“Ah… Hindi ka marunong magsaing… Eh rice cooker na ginamit mo ha…”
“Ang yabang mo! TSE!” sabay alis ni Clarisse, sinundan lang siya ng tingin ni Brylle habang papalapit sa hagdan, nakailang hakbang na ang dalaga paakyat nang bigla siyang huminto, nilingon niya si Brylle at tinignan ng masama. Nagulat na lang ang binata ng maglakad pabalik sa kanya si Clarisse, nang makalapit nang muli ang dalaga, “naiwan ko yung IPHONE KO!” sabay dampot ng cellphone at deretso nang umakyat.
“Basurera!” sigaw ni Brylle, tawang-tawa siya sa inasal ng dilag, “paano ko kakainin ‘to?” tukoy nito sa malatang sinaing ni Clarisse.
•••
Alas-nuebe nang istorbong nagising si Terrence ng walang habas na pagpipipindot ng kanyang doorbell. Napahingang-malalim na lang siya’t bumangon sa pagkakahiga. Pagbukas niya ng pinto, isang babae, pamilyar pero hindi na niya maalala.
Pagkakita ni Clarisse kay Terrence bigla niyang iniwas ang kanyang mga tingin dahil walang tshirt ang binata, “Ah… Hello… Pinagluto kita ng almusal…” ngingiti-ngiti nitong sabi.
Tinatakpan pa ni Terrence ang mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag ng hallway, “pasok ka…” imbita nito.
“Nagluto ako ng champorado kanina… Eh naalala ko sabi mo 510 yung unit mo… Magkapitbahay lang tayo… dyan ako sa 511…” nagmasid si Clarisse sa loob, kakaiba sa tinutuluyan nila ni Brylle, studio type ang unit ni Terrence.
Pumunta saglit ang binata sa kanyang kama para kunin ang kanyang pang-itaas na damit, “ikaw yung kahapon sa baba di ba? Kayo pala yung nakatira dyan sa kabila, kaya naman pala kahapon lang kita nakita…” pumasok naman siya sa CR, “upo ka muna dyan, maghihilamos lang ako…”
“Clarisse pala pangalan ko… Ikaw? Ano uli yung pangalan mo?”
“Tehenz…” nagsisipilyo kasi si Terrence kaya hindi malinaw ang pagsasalita niya.
‘Ano daw?’ bulong ni Clarisse sa sarili. Ilang minuto lang, lumabas na rin mula sa CR ang binata.
“Nag-abala ka pang dalhan ako ng almusal…”
“Wala yun… Isasauli ko kasi ‘tong cellphone mo… Baka kasi nabigla ka lang nung tinapon mo ‘to…” sabay labas nito ng CP mula sa kanyang bulsa.
Napangiti na lang si Terrence habang kumukuha ng bowl para sa dala ng bisita, “ibinigay ko na sayo yon eh… Bakit ko naman babawiin?”
“Kasi… Sa totoo lang… Hindi ko siya alam gamitin eh…”
“Ah… Sige ipapakita ko sayo kung paano mamaya… Uubusin ko lang ‘tong dala mo,” sabay subo ng pagkain.
Ngiti na lang din ang isinagot ni clarisse sa binata. “Wala kang kasama dito?”
“Well, obviously studio type ‘to… Wala… Ikaw? Dalawang unit na pinagsama yung tinutuluyan mo, sabi nga nila apat yun eh… May second floor ba yun sa loob?”
Tumango naman si Clarrise, “Meron…”
“Ah… Apat nga… May kasama ka doon?”
“Meron… Isa, si Brylle…” sagot naman ni Clang na dinugtungan niya ng bulong, ‘na ubod ng yabang…’
“Boyfriend mo?”
“Hindi ha!” sigaw ni Clarisse.
Tahimik na natawa si Terrence sa sinagot ni Clarisse, “Clarisse, right?”
“Oo, ako si Clarisse, Clang na lang, ikaw ulit? Nagtu-toothbrush ka kasi kanina…”
“Terrence.”

No comments:
Post a Comment