08 July, 2011

u2me! • 15

Chapter 15

“Imposible namang hindi alam ni Brylle na hindi talaga kayo magkadugo… Baka he’s doing it in purpose, para hindi ka mailang na may kasama kang lalaki sa bahay,” ito ang mga sinabi ni Terrence kay Clarisse na magpasahanggang ngayong nagluluto na ang dalaga ng hapunan ay paikot-ikot pa rin sa kanyang isip.

Tahimik lang din ang dalaga habang sabay silang kumakain, paminsan-minsa’y pasimpleng sinisilip ang binata.

“Ang tahimik mo ata ngayon,” puna ni Brylle sa kasama, “nahihirapan ka sa pinag-aaralan mo?” pang-aasar nito.

“Hindi…” walang ganang sagot ni Clang.


“Ang tamlay mo ata, may sakit ka ba?” sabay hipo nito sa noo ng dalaga, “wala naman… May problema ka ba? Hindi na nga ako nagrereklamo dito sa pagkalambot-lambot mong sinaing eh…”

Napa-hingang malalim muna si Clang bago muling nagsalita, “bakit ba ako nandito?”

"Ha?"

"Bakit ako nandito, bakit ako dito nakatira?"

“Ha?” gulat na reaksyon ni Bry, “kasi… kasi… Your dad want this for you…?”

“Ano eksakto ang gusto niya?”

“To… To… Give you a better life…?”

“Ikaw, bakit ka nandito?”

“Ako? Bakit ako andito? Kasi… Kasi… Kasi kailangan mo ng makakasama dito?”

“Eh bakit hindi na lang ako tumira kung saan nakatira ang tatay ko?”

Wala nang nagawa si Brylle kundi ipaliwanag kay Clarisse na ang pagkatao niya ay lingid pa sa kaalaman ng pamilya ni Philip, "naalala mo yung Tita ko na pumunta dito nung first day natin? Siya si Tita Violeta, siya yung legal na asawa."

"Kinahihiya pala nila ako, bakit kinuha pa ako?"

"Hindi naman sa kinakahiya ka... It's more of, nire-ready ka ni Ninong Philip... Andami mo namang tanong eh..."

"Dapat nga umpisa pa lang na pagtira ko dito tinanong ko na yung mga yun eh! May isa pa akong tanong, magpinsan ba talaga tayo?"

"Kumain ka na lang dyan..." asar nang sagot ng binata.

Nanahimik saglit si Clang, nang tignan niyang muli si Brylle, abala na itong inuubos ang kanyang kinakain, "tanggalin na natin yang plaster sa mukha mo," sabay hawak nito sa dulong parte ng plaster at hila.

"Dahan-dahan, masakit pa..."

"Ang arte... Apat na araw na yan 'no! Dapat hindi na masakit yan, first time mo sigurong masapak..." pang-aasar ng dalaga, nang matanggal na niya ito, "pawala na yan, siguro dalawang araw wala nang kulay yan."

"Thanks to you na-delay ang trabaho ko..." ngiting sabi ni Brylle.

"Sinadya ko?" sagot nito sa reklamo ni Bry, "ang ganda ng mata mo..." puri nito sa binata, "medyo singkit tapos bitin, smile ka nga ulit." Ngumiti naman ang binata, "UTO-UTO!" tawa ni Clarisse.

"Siraulo kang basurera ka..."

"Hahaha... Pero hindi... Seryoso... Ang ganda nga ng mata mo, tapos yung ngiti mo, imposibleng hindi mo mapapansin yung ganda ng ngipin mo... Siguro gwapo rin tatay mo..."

"I got my eyes from my mom," sagot ng binata.

"Ah... Maganda siguro siya..."

"Yes... She's the most beautiful woman for me..."

"Asan siya? Nasaan sila ng tatay mo? Bakit pakawala ka, wala ba kayong bahay?"

"Siraulo... May bahay kami!"

"Makasigaw ka... Nasa harapan mo lang ako! Mamaya matalsikan pa ako ng kinakain mo eh!"

"I left the house two years ago..."

"Uy... Wala sa itsura mong layasin ka ha... Anong nangyari? Bakit ka umalis?" maintrigang tanong ni Clang.

"My mom died two years ago. After the burial, umalis na ako ng bahay," seryosong sagot ni Brylle, natahimik si Clang sa narinig, "satisfied?" sarkastiko nitong sabi sabay tayo nito't pumasok na sa kanyang kwarto.

Ilang minuto habang nakaupo pa si Brylle sa kanyang kama nang biglang tumunog ang CP niya, "sorry :'(" text ni Clarisse.

< il be fine.. Sori din.

> smyl k n lng ult... :D

< :)

No comments:

Post a Comment