05 July, 2011

u2me! • 12

Chapter 12

"May gusto ba sayo yun?" tanong ni Brylle matapos maghugas.

"Imposible..." sagot ni Clang.

"Imposible? Bakit naman?"

"Matalino kasi siya..."

"Matalino? Sukatan ba yun?"

"Sino ba naman ako? Kung lait-laitin mo nga ako eh... Syempre malamang mataas ang standards niya..."

"Ano yun? Ibigsabihin walang matalinong magkakagusto sayo?"

"Wala... Bobo lang ang magkakagusto sa katulad ko..." sabay talikod nito't umupo sa sofa para manood ng TV.

Naiwan si Brylle sa kusina, 'bobo?' matagal niya 'tong pinag-isipan, "ano naman? Hindi ko naman gusto yang basurerang yan..." sumunod na rin siya sa salas.

“Kawawa naman ako…” paawa-effect na sabi ni Clang, tinignan muna siya ni Brylle ng may halong pagtataka bago siya nagsalitang muli, “seventeen na ako hindi pa ko nakakaranas maligawan… “

“Desperada ka na?” tawa ng binata, ngunit nang makita nito ang nakabusangot na pagmumukha ni Clarisse, “gusto mo…” sabi nito habang unti-unting lumalapit.



Sa harap ni Clang ngayon, tila bumalik ang anghel na kanyang nakita nang unang beses silang magkaharap ni Brylle. Ang anghel na may maamong mga mata, matangos na ilong, magandang labi, makinis na mukha, maayos na buhok at tinging nakatutunaw. Lumiliwanag sa kanyang paningin ang paligid ni Brylle.

Dahan-dahan, hinawakan ni Brylle ang chin ni Clarisse, hindi pa rin humihinto ang kanyang mukha sa paglapit sa dalaga. Hindi na napigilan pang mapapikit ni Clang habang palapit ng palapit ang labi ni Brylle, ‘this is it…’ ang huling naglarong mga salita sa isip ng dalaga.

*TOK!

“ARAAAY!” sigaw ni Clang habang walang tigil na tumatawa si Brylle sa kanyang ginawa, “SIRAULO KA TALAGA!”

“Hahahahaha… Hindi mo nakita kung gaano mo ka-feel ang pagpikit mo! Hahahahaha…” pang-aasar pa nito matapos pitikin ng malakas sa noo ang dalaga.

“BALIIIW!” galit nitong sabi.

“Biro lang… ‘to naman…” agad na bawi ni Bry sa kanyang nagawa, pero hindi pa rin siya tumutigil sa kanyang pagtawa. Wala ng imik ang dalaga, napansin naman ito ni Brylle, “uy sorry na… Joke lang naman yun…”

Bigla nang umiyak si Clarisse. Wala na ring halakhak na lumalabas sa binata.

"Huy... Sorry na..."

Umiiyak si Clang sa harap ni Brylle, at malamang hindi niya maitatangging siya ang may kasalanan kung bakit walang tigil na humihikbi ang dalaga. Kailangang makaisip ni Bry ng paraan kung paano mapapatahan si Clarisse.

"Gusto mong maglaro ng Wii?"
•••

Hampas, "ganito lang..." turo ni Bry kung paano laruin ang golf sa Wii.

Tumayo na si Clang at hinawakan na ang console, "saan ako pupwesto?"

Hinila naman ni Bry sa tamang lugar si Clarisse. Mula sa likod ng dalaga, inihawak nito ang mga kamay sa kamay ng dalaga. Sa kanilang pwesto, tila ba nakayakap na si Brylle kay Clang, "ang focus mo yung screen, kita naman doon kung saan hahataw yung club mo," sabay turo, "yun yung bola di ba? Eto, tutulungan muna kita," sabay nilang hinataw ang bola, "ganon... Ok na?" Bumitaw na si Brylle, "ulitin mo ha..."

"Lalakasan ko ba?" tanong ni Clang.

Tumayo sa bandang likuran ng dalaga si Brylle, "ikaw ang bahala... O yan na... Tatamaan mo na yung bola, ihataw mo na..."

"Ngayon na?"

"Oo... Lakasan mo..."

*PAK!

"Ok ka lang?" tanong ni Clarisse sa binata na kasalukuyang nakahiga sa sahig.
•••

Habang dinadampian ng icepack ang kanyang ilong at cheekbone, "sabihin mo nga sa akin anong tumama sa akin?! Yung controller o yung kamay mo?!" tanong ni Brylle kay Clang.

"Parehas ata..." sagot nito matapos kumuha ng salamin at iniharap sa binata.

"Ansakit grabe... Pakiramdam ko lumubog yung buto ko sa cheeks..." sabay tingin nito sa salamin.

"Magpapasa yan..."

"Ha?! Mag-a-update ako bukas ng VTR... Makaganti ka kasi eh 'no?!"

"Grabe ka... Hindi ko nga sinadya! Ikaw lang naman mapanakit sa atin eh..."

Tinignan na lang ng masama ni Bry si Clang bago ito tumayo't bigla na lang pumasok sa kwarto niya.

"Hay... Ako pa may kasalanan? Haaay!"

No comments:

Post a Comment