21 September, 2011

u2me2! • 16

Chapter 16

Katulad ng sinabi ni Bry, isinama niya si Clang sa set, ngunit hindi katulad ng mga magagarang lugar na ginamit nila para sa pelikula noong mga nakaraang araw, nasa tapat lamang sila ng isang grocery. Dinala ng binata si Clarisse sa naka-assign sa kanyang van, “behave ka lang dito ha…”

“Anong tingin mo sa akin, aso?” asar na sagot ng dalaga. Natawa na lang si Brylle sa sinabi ni Clang, pero kapansin-pansin ang mahinang pag-ubo ng binata na tila ba kinukubli pa ito sa dalaga, magsasalita na sanang muli si Clang nang biglang may tumawag sa binata, si Sophie.


“Brylle… Coffee?” alok nito sa hawak-hawak na kape, tinanggap naman nito kaagad ng binata. Napatingin si Sophie sa loob ng van at doon nakita ang isang di katangkarang babae, “who’s the girl?”

“Ha?” gulat na tugon ni Brylle, saglit na napatigil sa paghigop ng kape at napalingon sa kasama, “ah, si Clarisse, siya yung kasama kong pumunta dito…” sagot ng binata, “Clang si Sophie,” pakilala nito.

Agad napatayo si Clarisse na naging dahilan ng kanyang tatanga-tangang stunt na pagkakaumpog sa pintuan ng van. At nang dahil doon, naiubo na ng malakas ni Brylle ang kanyang kinikimkim na sama ng lalamunan.

“Ok ka lang?” pag-aalalang tanong ng aktres.

“Woooh… Ok lang po…” sabay himas ng nabukulang ulo, “Bry… Kunan… Kunan mo kami ng picture…” sabay abot nito ng CP sa binata. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na kasama mo dito si Ms. Sophie…” sabi nito kay Bry sabay harap muli kay Sophie, “Idol… Idol na idol mo ‘ko… Ay, kita… Idol… Idol kita…” sabay bulong ng ‘ansakit…’
•••

“Sir Philip, your wife is now on the elevator…” banggit ng sekretarya ng ama ni Clarisse nang putulin niya ito sa pagsasalita.

“Bring us coffee…”
•••

Sa loob ng van.

“Disgrasyada ka ‘no?” pang-aasar ni Brylle kay Clarisse, “parang kagabi lang no’ng malunod ka…”

Tinignan lang siya ng masama ng dalaga.

“Masakit pa?” tanong ito sabay himas sa bandang noo ni Clang, nang biglang hawakan nito ang kamay ng binata.

“Mainit ka ha…” pansin nito sa temperaturang nadarama sa kamay ng binata, siya naman ang humawak sa noo ni Brylle, “ok ka lang ba? Nilalagnat ka ata…”

“Antanda ko na para lagnatin ‘no…” buong pagmamalaki nito nang biglang sumablay nang halos paulanan niya ng ubo ang dalaga.

“Sakitin ka ‘no?” ganting pang-aasar ni Clang.

“Sir,” biglang pagsulpot ni Efren sa bintana, “change clothing na daw…”

“Ok sige,” sagot nito, “Clang, pasara na lang ng pinto…” utos nito sa kasama.

‘Utusero pa… Pasalamat ka may sakit ka…’ bulong nito sa sarili sabay labag sa loob na sinara ang pinto.

“Oh… Bakit hindi ka lumabas?”

“Ako?”

“Malamang, di ba sabi magpalit na daw ako ng damit? Alangan namang sa labas ako magbihis ‘no?”

“Hay… Ang yabang…” asar na nitong sabi sabay hawak muli sa pinto.

“Wag na… Tumalikod ka na lang…” sabi ni Bry sabay punta sa likurang upuan, “wag kang maninilip ha!”

“As if naman! Wit kita tipis-tipis ‘no! Hindi ako pumapatol sa bading…”

“Sus… Gusto mo lang sabihin kong ‘halikan kita dyan eh…’”

“Ang kapal nito… Tubuan ka naman ng kahihiyan…”

“Weh…?!” sabay pangungulit nito sa dalaga na nagiging dahilan ng pag-alog ng van.

“Brylle! Masakit pa yung bukol ko ha! Kukutusan kita!” biglang tayo ni Clang sa upuan.

“Doblehin natin yan…” tawa ng binata

Habang sa labas,

“Anong nangyayari doon?” tanong ni Direk Leo kay Efren tungkol sa nakikitang umaalog na nakasaradong van. Napalingon naman si Efren at sumagot na nagbibihis lang ang binata.

Nang biglang dumating at magtanong si Sophie, “si Clarisse?” habang hawak ang isang icebag.

Bigla rin namang sumagot si Efren, “andoon po silang dalawa sa van…” pahinang sagot nito nang matunugang parang ipinahamak niya ang alaga.

Napatingin ang lahat ng nakarinig sa set sa umaalog na van at sabay-sabay ring nagkatinginan sa isa’t-isa.

No comments:

Post a Comment