12 February, 2012

u2me2!♡ • 18

Chapter 18 

"Hoy Efren! Asan si Clang?!" pasigaw nang tanong ni Bry kay Efren, ilang beses nang nakaligtas si Efren sa tanong na ito ng alaga salamat sa take nito ng ilang eksena.

"Kasi..." hindi na malamang pagtugon ni Efren, nang bigla na lang niyang inilabas mula sa kanyang bulsa ang gamot na pinabili sa kanya ni Clarisse, "ayun, sabi nga pala niya inumin mo daw ito. Para yan sa ubo at sinat mo," pilit na pag-iiba ni Efren sa kanina pang tinatanong ni Bry.

Tinanggap naman ni Brylle ang gamot na ipinaaabot ni Clarisse at saglit na nanahimik. Hawak-hawak ang mga ito at napa-ngiti na tila isang batang pinagkalooban ng kendi.
•••

Pagkarating pa lang nila Clarisse at Terrence sa bahay ng binata agad siyang inasikaso ni Sandra at hinainan ng kanyang nilutong porridge.

Katabi lang ni Terre ang dalaga, "sabi ko sayo eh, alalang-alala si Mama," bulong nito.

"Bakit kasi sinabi mo pa sa kanila?"
•••

"Where's Mariel?" tanong ni Fernando.

Nang bigla namang dumating si Violeta dala ang pagkaing pagsasaluhan nilang tatlo kasama ang kanyang asawa, "she'll be late," at umupo sa tabi ni Philip, 'surely, she will be late.'
•••

Nasa kalaliman na ng kanyang pag-idlip si Brylle nang gisingin siya ng isang natanggap na mensahe, "D2 ako ult m22log kyla tere.." mensaheng alam niyang hindi na magpapatulog pa sa kanya. Pagkabasa pa lang niya kusa nang humiwalay ay kanyang likod sa sinasandalang upuan, walang pag-aatubili niyang tinawagan si Clarisse. "Bakit nandyan ka?!" sigaw nito pagkasagot pa lang ng dalaga.

< Ha?

> Hindi ka na ba nadala na nahulog at nalunod ka na kakasama d'yan sa Terrence na yan?!

< Sabi ni Efren... *bigla siyang pinutol ni Bry

> Anong sinabi ni Efren?! Bakit?! Siya ba ang kasama mo na pumunta rito?!

< Sabi niya... *nagsalitang muli si Brylle

> Akala mo ba kung sinong mananagot kapag may nangyaring masama sayo?! Sigurado ako magagalit sa akin si Ninong Philip kapag nalaman niyang nalunod ka dito!

< TEKA NGA... Bakit ba exagerated ang mga tao ngayon?! Okay... Nalunod ako, pero hello... Heto kausap mo pa rin ako! Alive na alive ako! Tsaka bakit mo ba ako sinisigawan?! Sabi ni Efren siya na magsasabi sayo na babalik ako dito eh, mas excited pa nga siyang umalis ako eh!

> Si Efren?! *pagtataka ni Brylle

< Ayan... Kapag sinasagot ka nagbibingi-bingihan ka... *mapang-asar na sagot ni Clang

> Bumalik ka na dito ngayon!

< Ano?!

> Bakit?! Ayaw mo pang bumalik?! Mas gusto mo talagang napapahamak ka?!

< Hindi... *as usual, binitin ni Bry

> Kapag may nangyaring masama sayo d'yan, wala ako sa tabi mo! Walang sasagip sayo!

< Feeling superhero?! Dito lang ako matutulog, malamang bukas babalik na rin ako d'yan.

> HINDI! Isang oras! Kapag wala ka pa rito nang isang oras... *binaba na ni Clarisse* Hello?!

"Baliw na ba yon?" tanong ni Clarisse sa sarili.
•••

Pinlano ang dinner, pero higit pa sa biglaan ang nangyayari sa sobrang katahimikan sa mesa habang kumakain sila Philip at Violeta kasama ang kapatid niya.

"The Paella's good," biglang sambit ni Fernando sa kapatid, "niluto mo?"

Agad namang napailing si Violeta, "kelan pa ba ako nahilig sa kusina? It's the ONLY job of our KUSINERA dito sa bahay, RIGHT?" sarkastikong sagot nito habang idinidiin ang mga salita sa kanyang asawa.

Napatigil ang lahat.

Nagsalita na si Philip, "Okay let's talk about Clarisse."

No comments:

Post a Comment