Episode 4 - Frienemy
“Hi… Warren…” mahinhing bati ng isang dalaga na biglang sumulpot sa likod ng pinto ng locker ng binata nang isara na niya ito.
“Gwen…” tugon naman ni Warren, “anong ginagawa mo dito?”
Inayos saglit ni Gwen ang malaking eyeglass na suot-suot niya, habang ang isang kamay niya’y nanatiling nasa kanyang likuran, “ahm… dito rin ako nag-aaral… Di ba, classmate tayo…” walang kabuhay-buhay niya pa ring tono.
“No… I mean anong ginagawa mo dito? It’s the Men’s Locker Room…” marahang sagot naman ni Warren.
“Nagpaalam naman ako sa coach niyo…” sabay tingin nilang dalawa sa coach ng Archery Team ng Richmond na kasalukuyang kumakain ng icing filled cupcakes, “I just came here to give you these,” nang ilabas na niya ang kahong ikinubli sa kanyang likod at binuksan.
“Cupcakes… Nonetheless…” patay malisyang ngiti ni Warren na nagpalambot naman ng tuhod ng babaeng kaharap at biglang inabot sa kanya ang buong kahon na naglalaman ng anim na piraso, “but, what are these for?” marahang tanong muli ng binata.
“Ahm…” napaisip saglit si Gwen, inaalala ang kinabisadong mga dialogues bago makaharap ang binata, “ah… Sobra kasi yan sa mga na-bake ng mother ko, I just thought magugustuhan mo…” hinawakan niyang muli ang kahon at ambang babawiin na ito, “pero kung ayaw mo ok lang…” nagpakawala naman ng biglang pagbaba ng kasiyahan niya.
Hinawakan muli ni Warren ang kahon at hindi sinasadyang mahawakan ang kamay ni Gwen, “no… Ah… Salamat…” effortless na ngiting muli ng binata.
Ginantihan din naman ni Gwen ng ngiti ang binata bago magpaalam. Papalabas na ng kwarto si Gwen nang tawagin siyang muli ni Warren para magpasalamat. Nang tuluyang makalabas, “ang haba ng hair ko…”
................................
................................
Sa Registrar’s Office,
“Wala ka ba man lang balak na tapusin muna ‘tong term bago ka mag-shift ng course?” tanong kay Andrei ng Registrar.
“Hindi po ba, hindi magandang nag-aaksya po tayo ng oras? Time is gold…” tugon naman ni Andrei.
Gusto nang magsungit ng kausap ni Andrei kung wala lang ang mismong Dean sa opisina niya, ‘VIP ito ni Mr. Mercado…’ bulong nito sa sarili. “Okay Miss Javier, just wait for me here and I’ll transfer you to Culinary Arts,” plastic nitong ngiti.
“Culinary… Here I come Lee-Baby… I’ll cook something delicious for you…”
................................
Richmond Pathway
“Balita ko nag-date kayo ni Warren ha…” tanong ni Allysa sa pinsan.
“Sa bahay?! Date ba ang tawag don?!”
“Improving atleast… Kasi the last time I know, galit ka sa kanya… Anong nangyari?”
Tahimik lang si Lindsey habang inaalala ang maraming bagay na nangyari…
<Flashback>
“Pa,” pagtawag ng dalaga sa kanyang ama katabi si Warren, “si Warren po, partner ko po sa Theatre Arts…”
Napatayo sa kanyang kinauupuan si Mr. Tan, “Mr. Javier…” sabay alok nito ng upuan.
Nagulat na lang si Lindsey sa ginawa ng kanyang ama, “magkakilala kayo?” bulong nito sa kasama.
Nagulat na lang si Lindsey sa ginawa ng kanyang ama, “magkakilala kayo?” bulong nito sa kasama.
“So, you’re attending school at Richmond pala… I’m afraid it’s our first conversation, kahit kasi sa close meetings hindi tayo nagkakausap…” marahang tawa ni Enrique.
“Since, hindi pa ako accountable to speak on those meetings…” tugon na lang ni Warren.
“I think it’s a good idea if I leave you two here,” paalam ni Enrique at utusan ang mga maid na asikasuhin ang sobrang importanteng bisita.
Nang matapos ang araw at magpaalam na si Warren, noon niya lamang naitanong sa kanyang ama ang kadahilanan sa sobrang pag-asikasong ibinigay niya sa kanyang panauhin.
<End of flashback>
“Thirty percent?” gulat na gulat na tanong ni Allysa na halos tunggain na niya ang kapeng iniinom habang nakaupo na silang dalawa sa cafeteria, “30% of shares?! Kay Warren?!”
“Oo, kaya nga hindi ko na alam kung paano pa ako makikipag-usap niyan kay Warren… Sobrang big-time nung tao…”
“Ano daw? Equal lang sila ng tatay mo, meaning, levelling lang kayo pareho… You’re of the same feather…” dagdag pa ni Allysa.
No comments:
Post a Comment