Chapter 1
"New York?! Sa America?!" gulat na gulat na tanong ni Froila at Nene kay Clarisse nang mabasa nila ang ticket ng dalaga.
"Hindi... Sa Cubao... New York Cubao... Kailangan kasi naka-eroplano ka kapag pumunta ka ng Cubao."
"Baliw!" sigaw ni Froi, "kelan kayo aalis? Gaano kayo katagal dun?"
"Uy mag-uwi ka ng chocolates ha..." hirit naman ni Nene.
"Mga sira! Magpapalamig lang kami doon dahil mainit ang mata sa akin nung step-madir ko..."
•••
Sa office ni Ms. Alma, ang handler ni Brylle, "gaano ka katagal doon?"
"Two weeks lang po Ma'am," sagot naman ni Bry.
"Paano yung mga na-oo-han mo nang commitments?"
"Eh di ba po next month pa naman yon?"
"Oo nga, but the client needs you in shape by next month." Tumango na lang ang binata. "There's a TV network that shows interest in you, napanood nila yung VTR mo, do you think it's about time for me to accept some acting project for you?" Pero ngiti lang ang sinagot ng binata, "I see. Sige na, no extensions ha... Two weeks lang," paalalang muli ni Alma.
•••
Alas sais pa lang ng umaga nasa airport na ang dalawa, "dala mo cellphone mo?" tanong ni Bry.
"Oo, bakit?" sagot naman ni Clang.
"20 hours kasi yung byahe, baka mainip ka."
"Bente oras?! Akala ko ba eroplano 'tong sasakyan natin?! Bakit parang doon na tayo titira sa sobrang tagal?!"
"Kalahating araw ang diperensya ng Manila sa New York..." sagot naman ni Brylle, "bakit ba kasi sinasagot pa kita? Eh alam ko namang hindi mo rin yun maiintindihan?"
'Hambog...' bulong ni Clarisse.
•••
Paupo na si Brylle sa loob ng eroplano nang hilahin siya ng dalaga, "oh, bakit?"
"Ako d'yan," sabay upo ni Clang sa tabi ng bintana.
"Siraulo... Oo na... Magsawa kang dumungaw d'yan sa bintana!" sigaw ni Brylle, 'insolente...'
"Saan ka nga ba huling pumunta?"
"Las Vegas, Nevada," sagot naman Bry in full American accent.
"Hay... Arte... Lash Veygash Nevedah..." pang-aasar na paggaya ni Clarisse.
“Siraulo… I-offline mo na yung phone mo.” Sinuot na ni Brylle ang kanyang headphone at pumikit na, hinayaan na ang dalagang mag-enjoy mag-isa kakasilip sa bintana kahit hindi pa sila lumulipad.
Inilabas na ni Clang ang kanyang CP at inilagay ito sa Airplane mode. Ibubulsa na sana niya itong muli nang maisipang mag-picture. Nag-picture siya ng sarili habang katabi ang bintana. Matapos ang ilang shot nakita naman niya si Brylle na nakapikit, tumabi siya rito't kumuha rin ng litrato nilang dalawa, isang shot pa lang, tumalikod na ang binata kay Clarisse. "Ang sungit..." bulong nito, pero patuloy pa rin siyang nagpi-picture sa loob ng eroplano.
Ilang saglit lang nagsalita na ang FA na magsisimula na silang mag-take-off, "please fasten your seatbelt," lumapit ang isang Flight Attendant kay Brylle at sinabihan itong magsuot na ng seatbelt.
"OK..." nakapagsuot na si Bry samantalang si Clang, hindi makita ang sinabing metal na kakabitan ng seatbelt, "umusog ka," utos ng binata't siya na ang nagkabit nito.
"Thank you..." sarkastikong pasasalamat ng dalaga.
"Okay lang, kahit naman sa kotse ko hindi ka nagsi-seatbelt... Alam ko kasing hindi ka marunong gumamit," ngingiti-ngiting pang-aalaska ni Brylle sa katabi.
'Ang yabang...' sabi ni Clang sarili.
Isang oras ang nakalipas, nag-serve na ng pagkain ang mga Stewardess.
“Ui... Ang mahal ng binayad natin dito, salad lang kakainin mo?" tukoy ni Clang sa nasa table ng binata.
"Sa dami kasi ng in-order mo, akala nila pang-dalawa na yan..."
"Ganun ba? Sige hati na tayo..."
"Joke lang. Nagda-diet ako."
"Diet? Hindi ka naman mataba ha..." sabay subo nito ng pagkain.
"Para sa trabaho ko, mataba na ako..."
Nagpatuloy na lang ang dalaga sa pagkain. Nakailang subo na si Clang ng pagkain nang mapansin si Brylle na pinaiikot-ikot lang ang mga gulay sa kanyang bowl. Naalala niyang parating natitira ang gulay na sahog sa mga niluluto niya kapag kumakain sila sa bahay. Humiwa siya ng karne at inilagay sa bowl ng binata.
Napatingin si Brylle sa ginawa ni Clang, "bakit?"
"Alam ko namang hindi ka kumakaen ng gulay... Wag mong pilitin sarili mo..."

No comments:
Post a Comment