10 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.5

Sa isang mall,

"Sigurado ka ba na Mask Party ang theme ng Acquaintance?" usisa ni Warren.

"Yup..." sagot naman nito habang inaayos nito ang Americana na suot ng kapatid

"Eh ang point nga ng Acquaintance ay para magkakilala-kilala ang isa't-isa, tapos magma-mask?"

"Dun ka magreklamo wag sa akin," kinuha ni Andrei ang isang maskara na kahalintulad ng sa Phantom of the Opera at isinuot sa kapatid, "o ha... Astig di ba?"

Pumasok din sina Lindsey at Allysa sa shop kung saan naroon ang magkapatid.

"Taga-Richmond din siguro yung mag-jowa," turo ni Allysa kayla Andrei, "ang sweet..."

Kinabig ni Lindsey ang pinsan, lumapit sila, "Sa Richmond din kayo nag-aaral?" tanong nito kay Andrei.

"Oo eh... Di ba Mask Party ang theme ng Acquaintance? Hindi kasi naniniwala 'tong kapatid ko..."

"Brother-sister pala..." singit ni Allysa sa nagtitinginang Lindsey at Warren na kasalukuyang naka-maskara.
................................

"Kamusta?" bungad ni Ivy sa parating na asawa.

"Walang makitang lead... Sobrang linis ng pagkakagawa..."

"Grabe... Samantalang masayang-masaya siya kagabi... Paano yung shares niya?"

"Malamang pag-usapan lahat yan sa lunes," sagot naman ni Enrique. Ito na ang pinakahihintay niya, wala nang sagabal sa kumpanya. Madali na niyang mabibili ang stock ni Clemoro ngayong wala ni isa sa pamilya nito ang magiging interesante dito.
................................

Richmond University, 7:30pm,

"Welcome Freshmens!" bati ng MC sa crowd kung saan lahat ay naka-maskara.

"School activity 'to ha... Baka magpakalango ka..." bilin ni Warren sa kapatid na nakasuot ng maskara ni Hawk Girl, walang ka-effort-effort.

"Anong tingin mo sa akin? Lasinggera?!"

"TOMADORA."

"Later this evening, mamimili ang secret panel of judges ng Mr. & Ms. of the night. Sila ang best dressed at best in arrive... Kaya hala... Magsaya ang lahat... Pero reminder lang ha... Pwede kayong magpakilala, pero hindi niyo pwedeng hubarin ang inyong maskara..." dagdag pa ng maingay na MC.

Naroon na rin sila Lindsey na nakasuot ng dilaw na gown kahalintulad ng kay Belle ng Beauty and the Beast, at dilaw rin na maskarang tumatakip sa kanyang mga mata.

Si Allysa naman ay nakasuot ng mala-Lady Gaga na costume, ang mismong suot nito sa isa sa mga music video nito, at malaking shades lang ang ginamit niyang maskara.

"So... Party out!" sigaw ni Allysa kay Lindsey.

"Ha?!"

"Mag-ikot-ikot ka d'yan... Kasi ako... Iikot-ikot na... Malay mo... Andito yung Warren baby mo..."

Napaisip si Lindsey, naalala niya ang lalaking nakita sa mall kanina, "Phantom..." bulong niya sa sarili habang hinahanap ang binata.

Iniwan na ni Warren ang kapatid ngayong may kasama na itong ka-course, naglalakad si Warren ng may kumalabit sa likod niya, isang babae na nakadilaw na gown, si Lindsey.

"Ako yung... Ako yung nakakita sa inyo sa mall kanina..." pakilala ni Lindsey.

"Oh... Lindsey... Bakit?"

"Kilala mo ako?" pagtataka ni Lindsey gayong hindi naman sila nagpakilala kanina.

Napatungo ang binata, "we've met nung first day..."

Biglang dumating si Andrei sa eksena, "kung magsasayaw kayo, dun kayo sa gitna," hinawi ni Andrei ang mga tao sa sayawan habang hila-hila ang dalawa.

"Siraulo ka!" sigaw ni Warren.

"D'yan lang kayo ha... Kailangan ako ang maging Lady of the Night..." paalam ni Andrei sa dalawa, umakyat ito ng entablado, nagbigay ng music sheet sa banda, at kumanta kasama ang isang lalaki (I Want to Spend My Lifetime Loving You.)

Dahan-dahan, sumayaw sila Warren at Lindsey.

"So... Singer pala siya..." sambit muli ni Lindsey.

"I actually don't have any idea na marunong kumanta ang kapatid ko..."

"Ah... Kapatid mo pala siya..."

"Oo... Siya pala si Andrei, bunso kong kapatid. I'm Warren..."

Napatigil saglit ang dalaga, "Warren?"

"Warren Javier."

"Ikaw..."

"Hmmm... Ako yung nagdala sayo sa Clinic nung mawalan ka ng malay... Bakit?"

Napatitig na lang ang dalaga.

No comments:

Post a Comment