12 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.1

Episode 2 - Disguise

“Ikaw si Warren?” tanong ni Lindsey. Nang biglang mawalan ng ilaw, maging ang pagkanta ni Andrei ay natitigil.

Ilang saglit lang may napuna si Lindsey sa ulunan ng kasayaw. Isang maliit na pulang ilaw, laser.

Kung anong bagal ng mga pangyayari kanina, kabaligtaran naman ito ng sa ngayon.

May liwanag na nanggaling sa entablado, tila isang putok ng baril, ngunit walng ingay na narinig mula rito, kasabay nito ang pagkawala ng pulang ilaw sa sentido ni Warren.

Bumalik ang liwanag sa paligid. Makabasag tenga ang ingay mula sa feedback ng mga speakers. Panay ang pagmamasid ni Warren sa paligid.

“Kuya!” tawag ni Andrei mula sa likuran.

“Saglit lang,” paalam ni Warren kay Lindsey.

................................

“Nagawa ko na ang inutos mo,” banggit ng nasa kabilang linya na may numerong #0101.

“Hihintayin ko na lang ang tawag ni Uno,” sagot naman ng Supremo.
................................

“Anong nangyayari?!” tanong ni Warren sa kausap sa kabilang linya.

“Wala…”

“Anong wala?! Target ako kanina!”

“Uno… Wala kang dapat ipag-alala… Buhay ka pa…”

“Pinapapatay mo ako?!” sigaw ni Warren na kakapasok pa lamang sa CR.

“Makikipagkita si Iris sayo bukas.”

“Si Iris?’ tanong ni Warren, ngunit nawala na ang kanyang kausap, ‘anong palabas ito?’
................................

Walang alam ang lahat sa insidenteng naganap kanina lamang, patuloy pa rin ang kasiyahang idinaraos sa Acquaintance Party.

“Dim the lights…” utos ng MC, “and our Ms. Freshmen for tonight is…”

Matagal na naglaro kakaikot ang spotligt bago ito huminto kay Lindsey.

Kinabig ni Allysa ang pinsan at siya ang tumayo sa liwanag, “ako ba?!” nang sinundan ng liwanag si Lindsey, “ikaw na nga…” sambit muli ni Allysa.

Inimbitahan ng MC si Lindsey na umakyat ng stage.
................................

“Buti may dala akong baril…” wika ni Andrei.

‘Pumayag si Supremo na tumiwalag ako sa kanya, pero ipinasa niya ako kay Iris. Bakit? Tapos heto, may balak ba siyang ipapatay ako? Kami?’ napatingin siya kay Andrei, ‘Kung si Supemo nga hindi ko pa nakikita, si Iris? Kung magpapakita si Iris sa akin, ibigsabihin tauhan lang din siya ng Supremo?’

“And our Mr. Freshman for tonight, to be paired with this lovely lady with us here is…” wika ng MC.

Kinabig ni Andrei ang kapatid, napalingon naman ito sa kanya, saka lang napansin ni Warren ang liwanag sa kanila ng kapatid.

“Tawag ka nung MC…” wika ni Andrei.

Nang makarating si Warren sa entablado, agad naman siyang itinabi kay Lindseyna kasalukuyang nakatitig sa kanya.

“Kaasar na blackout yun oh… Ako dapat ang Lady of this Evening…” sambit ni Andrei habang pinapanood ang kapatid sa stage.
................................

“Excited na ba kayong makita ang mga mukha ng bago niyong kakilala ngayong gabi?!” pambibitin ng MC, “bibilang ako ng tatlo, sabay-sabay tayong magtatanggal ng ating mga maskara! 1… 2… 3!!!”

Agad tumungo si Warren para tanggalin ang kanyang maskara, habang si gayon rin si Lindsey.

“IKAW?!” sigaw ni Lindsey.

*flashback, Friday, 6:00pm, GD State Tower

Napatingin si Lindsey sa mga mata ng binata, at noon din, lumakas ang tibok ng puso niya. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Warren. Matagal. Ayaw na niyang matapos.

Naputol lang ang titig ng dalaga nang magsalita si Warren, "I... Have to go." sabay halik nito sa noo ni Lindsey at umalis.

Natameme si Lindsey at pinanood na lumayo ang estrangherong lalaki.

“LINDSEY!!! Sino ang lalaking yon?!” sigaw ng ama ng dalaga.
*end of flashback

“IKAW?!” sigaw ni Lindsey sabay sampal nito sa binata.

Napatahimik na lang ang lahat sa kanilang nasaksihan.

No comments:

Post a Comment