03 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.2

"Anong naisip mo kuya at mag-e-enroll tayo dito?" usisa ni Andrei habang naglalakad na sila sa pathway ng Richmond.

"Normal life," sagot ni Warren.

"Kamusta sa kampo ni Iris? Sabi nila mahigpit daw yung babaitang yon..."

"Hindi ko pa siya nakikita."

Nagtaka si Andrei.
................................

Nakarating na rin ng Richmond si Lindsey, "Kuya Anton, umuwi ka na, hindi na ako magpapasundo," utos nito sa driver.

Agad siyang nakita ang pinsang si Allysa, "classmate!"

"Ngayong term lang, magshi-shift ako next term..."

"Alam ba yan ni Tito?"

"Wala naman na siyang magagawa..."

"Maiba ako... Ang saya kagabi sa Welcome Party mo ha... Kaso may kulang..."

Napataas ang kilay ni Lindsey.

"Wala si Kuya Arthur..." ungot ni Allysa na may halong pagnanasa.

Kinabig niya ang pinsan, "sira ka! Pinsan mo yon!"
................................

Sa Dean's Office,

"What?! Gusto niyong mag-aral dito?! Eh wala nga kayong Entrance exam, and worst, wala kayong kadala-dalang form!" sigaw ni Mr. Mercado.

Tinignan lang ni Warren ang kapatid at si Andrei na ang kumilos, naglabas siya ng papel sa kanyang bag at pumirma rito, "can a couple of million change your tone?"
................................

"Teka..." awat ni Lindsey sa pinsan, "Nagugutom na ako..."

"Ok, CR lang ako," paalam ni Allysa, "mag-pa-powder, mauna ka na sa cafeteria..." sabay takbo.

Naglalakad na rin sina Warren sa pathway matapos ang pakikipag-usap sa Dean, binigyan sila ng papel, i-present lang daw yon sa Registrar para makuha ang schedule nila.

"Anong course mo?" tanong ni Andrei.

"Business Ad, ikaw?" sagot ni Warren.

"Hmmmm... Hindi ko pa alam eh... Baka mag-Fine Arts muna ako, lilipat na lang ako kapag alam ko na ang gusto ko."

"Mag-Culinary ka na lang para matuto kang magluto!"

"Duh!" sagot naman ni Andrei.

Malapit na sa unang liko ng pathway nang makaramdam ng matinding hilo si Lindsey.

Napasandal kay Warren si Lindsey nang mawalan ito ng malay.

"Target locked," siring ni Andrei kay Warren.

"Miss OK ka lang?" tanong ni Warren kay Lindsey.

"Ay... Mukha siyang OK... Gusto niya lang sigurong matulog sa katawan mo... Type ka siguro..." pang-aasar ni Andrei.

Agad binuhat ni Warren si Lindsey.

Saglit ay idinilat ni Lindsey ang kanyang mga mata, katulad ng kanyang panaginip, buhat siya ng isang lalaki, pero maulap ang paningin niya kaya hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki.

Nagawa pa niyang magtanong, "sino ka?" pero nawalan siyang muli ng malay kaya kahit sumagot man si Warren, hindi niya rin ito maririnig.
................................

Sa Clinic,

"She's OK, nalipasan lang siya ng gutom, and kulang pa siya sa tulog. Pahinga lang ang kailangan niya," wika ng Campus Nurse.

"So... May I leave now?" paalam ni Warren.

"Hindi mo na sasamahan ang Girlfriend mo?" tukoy ng Nurse kay Lindsey.

"Hindi ko siya Girlfriend."

"Hmmmm... O sige, pa-log na lang dito," sabay abot ng logbook.

Pagkatapos magsulat ni Warren ay agad din siyang umalis.

Agad binasa ng Nurse ang logbook para malaman ang pangalan ng binata, "Warren Javier... Sayang walang contact number... Gwapo pa man din..." bulong niya.
................................

Naglalakad na si Warren patungo sa parking kung saan naghihintay si Andrei nang tumunog ang CP niya, "#0101" ang nakarehistrong number ng tumatawag, "Good morning."

"It's Iris, we need to talk," pakilala ng nasa kabilang linya.

No comments:

Post a Comment