30 July, 2011

u2me2! • 8

Chapter 8

"Kalma Clarisse, kalma!" sabi ni Clang sa sarili habang nakaupo sa kanyang kama matapos mahimasmasan sa kalandiang nagawa, "wala kang sinabi, wala... Bingi yon... Hindi niya yun naintindihan... Wooh... Kalma!"
•••

2:00am, Liberty Island,

"Dadalhin ko yung basurerang yon dito," ngingiti-ngiting sabi ni Brylle sa sarili, "magpakasaya ka na Terrence, pagkatapos rin ng shoot babalik na sa akin si Clarisse..."

"Ready?" biglang tanong ni Sophie na hindi napansin ni Brylle na lumapit pala sa kanya.

"For what?" balik na tanong naman ni Brylle.

"Hindi ka ba nasabihan na yung scene for Empire State is na-revise na dito?"

"Aling scene?" pagtataka ni Bry.

"Yung hahalikan ni Sammy Boy si Bianca?" tukoy ni Sophie sa character nilang dalawa, "surprised?"

•••

"I love you ka d'yan," pang-aasar ni Brylle kay Clang, "grabe ka... Pinagnanasahan mo ako... Aalis na ako dito..." sabi pa ng binata habang nasa condo silang dalawa.

"Wag! Wag mo kong iwan..." hagulgol ni Clarisse. Nalunod na sa sariling luha ang dalaga, pero panaginip lang ito't buti ay naalimpungatan siya.

"Clarisse..." sambit ni Brylle na tila inaakit ang dalaga habang nakahiga sa kama, "halika rito... At hayaan mong ipadama ko sayo ang init ng aking pagmamahal..."

'Yuck!' sabi ni Clang sa sarili nang muling magising.

Nakatayo si Clang sa harap ng binata at marahang sinabi ang, "I love you..."

"I love you too," sagot ni Brylle kay Clarisse.

Halos matunaw ang dalaga dahil sa init ng titig sa kanya ni Bry. Unti-unting lumapit ang maamong mukha ng binata hanggang sa lumapat na ang labi nito sa pisngi ni Clang.

Nagising na si Clarisse, "kunsensya... Patulugin mo na ako..." ungot nito.
•••

6:00am, Liberty Island

"Cut!" sigaw ni Direk Leo, paubos na ang pasensya nito, "Brylle! Yung linya mo! Mahirap bang i-deliver ang 'I love you?!' Hindi ka pa ba nagsasabi no'n?!"

"Sorry po..." depensa ng binata.

"I need more emotions, yung may buhay..."
•••

Adventure Aquarium, New Jersey, hihikab-hikab ang dalaga habang nakapila sa entrance.

"Hindi ka ba nakatulog? Namahay ka ba?" puna ni Terre.

Nilingon naman siya ni Clang, "ha?! Hindi, kahit nga sa bangketa nakakatulog ako eh..."

"Ah... Baka hinahanap pa ng katawan mo yung oras sa Pilipinas," dagdag pa ni Terrence, "don't worry, I'm sure magigising ka once you swim with the sharks..."

Namilog ang mga mata ni Clang, "SHARKS? Pating?!"
•••

"Hindi na kita aalukin ng coffee, baka ma-tense ka pa lalo," biro ni Sophie kay Bry.

Napailing na lang si Brylle, "kaya ayokong mag-artista eh..."

Umupo na sa tabi ng binata si Sophie, "don't give-up... Kaya mo yan... I'm sure, pagbalik mo ng Pilipinas, stardom na ang sasalubong sayo..."

Napatingin naman si Brylle sa katabi, "I think I can't handle that," tatawa-tawang sabi nito.
•••

"Sigurado kang ayaw mo?" tanong ni Terrence.

"Hindi na 'no! Baka papakin pa ako ng mga pating! Magpapakain na lang ako ng pagong," sagot naman ni Clarisse.

Buong araw na in-enjoy ng dalawa ang Adventure Aquarium, nanood ng show ng musical fountain, lumangoy kasama ang mga isda at magpakain ng mga ito.

Bago pa umuwi, dinala ni Terre ang kasama sa isang museum na lubos namang kinabagot ni Clang.
•••

Pagkababa nila ng yate na nagdala sa kanila sa Liberty Island pabalik ng Battery Park.

"Sir, cancelled po yung taping tomorrow," sambit ni Abet kay Brylle.

Agad binitbit ni Brylle ang kanyang gamit sabay lingon kay Efren, "Fren, ikaw na muna umuwi ha..." sabay takbo.

"May date ka Sir?" pahabol nitong tanong sa tumatakbo nang amo, "Sir, pasalubong!"

No comments:

Post a Comment