23 June, 2011

u2me! • 3

Chapter 3

Magkatabing nakaupo ang dalawa sa sofa,

Magkahalong saya at kaba ang nadarama ni Clarisse. Saya dahil makakasama niya parati sa bahay si Brylle, at kaba dahil bukod kay Froila na kalahating lalaki lang, hindi niya pa nararanasang tumira sa loob ng isang bubong kasama ang isang lalaki simula ng mamatay ang tiyuhin niya na asawa ni Tita Rose.

"So, ano? Anong kwarto ang gagamitin mo?" tanong ni Brylle sa dalaga.

"Sa akin na lang sana yung may sariling banyo..." pakiusap ni Clarisse.

Tumayo na si Brylle, "yung sa taas... Ok..." ngiti nito, "yung refrigerator na lang naman yung mabigat na kailangan pang tanggalin sa box, ako nang bahala dito sa baba, mag-ayos ka na lang ng gamit mo sa kwarto..."

May isang oras mahigit ring nag-aayos ng kani-kanilang gamit ang dalawa ng biglang may mag-doorbell. "Kakarating lang namin may bisita na kaagad?" nagtaka si Clarisse kayalumabas siya ng kwarto para bumaba.


Mabuti na lamang si Brylle ang nagbukas ng pinto, "Tita..." bungad nito sa bisita.

"Wow... Paboritong-paborito ka talaga ng Ninong Philip mo..." sabi naman ni Violeta, ang asawa ni Philip, step-mother ni Clarisse.

Bakas ang kaba sa mga ngiti ni Brylle, "napadaan po kayo? Kakalipat ko lang po eh..."

"I know, that's why I bought you a house-warming gift," sabay abot nito ng isang may kalakihang paperbag.

Saktong kabababa lang ni Clarisse ng hagdan, si Brylle lang ang tanaw ng dalaga dahil nasa labas pa ng pinto si Violeta, "may bisita?" sabay tingin naman sa labas ng pinto mula sa likuran ni Brylle.

"Oh... Who is she?" tanong ni Violeta.

Nagkatinginan muna ang dalawa bago sumagot ang binata, "schoolmate ko po..."

"Ah... Come... I invite you for lunch..." alok naman ni Violeta.

"Ahm... Tita busog pa po ako eh..." sagot naman ni Brylle.

"Ako gutom na ako..." sabat ni Clang, tinignan siya ng masama ni Brylle, "bakit? Ala-una na kaya... Hindi pa tayo kumakain..."
•••

Pumunta ang tatlo sa isang mall para kumain,

"I was actually surprised nang malaman kong hindi studio type ang ibinigay sayo ni Philip, anong gagawin mo sa extra room?" usisa ni Violeta

May katagalan bago nakasagot si Brylle, "gagawin ko pong study room..."

"Study room? Bakit? Mag-aaral ka na ba ulit?" tanong pang muli ng tiyahin ni Brylle.

"Po? Ahm... Opo eh..." ngingiti-ngiting sagot ni Brylle.

"Ah... So kaklase mo siya?" tukoy ni Violeta kay Clarisse na kasalukuyang abala sa kanyang kinakain.

"Hindi po eh... Nagpatulong lang po akong mag-ayos ng gamit sa bahay... Nagte-take po siya ng crash course sa fashion design..." sagot naman ni Brylle.

Napatigil si Clang sa pagkain, "ako?" agad namang sinipa ni Brylle ang paa ng dalaga at sarkastiko itong tinignan, "ako nga... Nag-aaral din po ako..." dagdag naman nito habang may nginunguya pang pagkain.

"Ah... Masayang-masaya siguro ang Dad mo ngayong mag-aaral ka na ulit..."

"Hindi pa po niya alam..." seryosong sagot ni Brylle

"Hindi pa ba kayo nagkakausap ng kapatid ko?" Tahimik lang si Brylle, at napansin naman ito ni Violeta, "Ok... Sige... Maiwan ko na kayo... Enjoy the house Brylle..." paalam nito bago umalis.

Nang makaalis na ng tuluyan si Violeta, "muntik na!"

"Muntik ng alin?" tanong ni Clarisse.

"Siraulo ka! Muntik na tayong mabuko!"

"Ano bang pinagsasasabi mo?" napansin ng dalaga ang pagkain ni Brylle, "Kakain ka ba? Kung hindi mo kakainin yang porkchop mo, akin na lang..." tukoy ni Clarisse sa steak na nasa plato ng binata.

Tinulak na lang papalapit ni Brylle ang kanyang plato kay Clarisse, “andito na rin tayo, bumili na tayo ng mga gamit mo sa pagpasok mo sa lunes.”

“Seryoso ka ba nun? Mag-aaral talaga ako?”

“Oo, yun yung sabi ni Ninong…”

“Mag-aaral ka rin?”

Napahingang-malalim na lang si Brylle, “Mag-CR lang ako…”

“Hoy bumalik ka kagad ha… Wala akong pambayad dito…”

‘Wala man lang siyang kaide-ideya kung saang pamilya siya kabilang? Ni hindi man lang niya ma-realize na sila nga ang may-ari nitong mall…’ isip-isip ni Brylle.
•••

“Ano bang kailangan sa Designing?” tanong ni Brylle kay Clarisse habang nasa isang bookstore na sila.

“Lapis?”

“Hindi mo rin alam ‘no?” pang-aasar ni Brylle.

Napailing lang si Clarisse na nagpangiti naman kay Brylle. Lumapit na sila sa isang staff ng bookstore para magpa-assist.

No comments:

Post a Comment