Naba-badtrip ka ba sa mga kaibigan mong pinapasahan ka ng kalokohang bagay na ito? Ako? Oo.
Chain message, meaning mensaheng pinagpasapasahan, in-edit kaunti, pinasa ulit, dinagdagan ng kaunting thrill, pinasa, natakot, pinasa, na-badtrip, pinasa, hanggang sa mapasakamay mo na nga ang finish product ng kanilang pinaghirapan. Natuwa ka ba? Natuwa ba sila? May natuwa ba? May yumaman ba? Gash… At nasisiguro ko, minsan sa buhay mo, pinatulan mo ang kagag*hang ‘to, kasi ako, oo.
Pero, saan ba talaga nagsimula ang chain messaging? Eh kung sabihin ko sayong linggo-linggo mo itong naririnig? “Humayo kayo’t ikalat ang mabuting balita ng Panginoon.” Enlightened?
Pwede ring kayang nag-umpisa ang ganitong uri ng pastaym sa simpleng tsismisan o hango talaga ang konsepto nito sa matatabil na dila ng lahat?
Quote:
Uhaw lang sa publicity si Claudine Barretto kaya pinapalabas niyang kaawa-awa siya't nilalalamangan siya ng kanyang asawang si Raymart Santiago. Pass this to 10 of your colleagues in tsismisan. |
Quote:
“Kumain ako sa Mang Inasal ng PM2, nang-i-serve na nila ang aking pagkain, double treat… Buy1Take1! Pass this to 10 of your friends to try it themselves.” |
Katulad ng Pulang Kandila (anlakas ko maka-promote), hango ito sa isang Urban Legend about calling this entity, alone in a dark room, with a single lightened candle on hand while whispering the chant 13 times (which you actually did if you read the whole story, yes, you call her 13 times) it’s just a prank, turned to be bloody. Anyway, in relation, chain messages ay made out of fiction. Kung kailangan seryosohin, hindi. Kung kailangan patulan, hindi. Kung dapat ika-badtrip, oo.
Naalala ko tuloy yung tweet ko about Chain Messages dati (promote na naman ng hindi sinasadya, follow me on twitter @heinriq)
Oo. Ako na ang naka-“Twitter for iPhone.” I mean, ganun na lang talaga ang galit ko sa mga Chain Messages. Lalo na kung pati pamilya ko sinusumpa ng mga kalokohang bagay na yun. Okay nang maghirap (wag naman sana) ako eh, o yung ako na yung mamamatay, pero yung isamay ang nanay at tatay ko, pati step-brother ko’t step-sister ko, aba, patayan na lang. I know alam mo yung ibig kong sabihin, may mga consequences daw whenever hindi mo ipagkalat pa ang kalokohan nila, porket they love their family so sorruy if I pass this to you. F*ck you ka! (redundancy, ‘you na ‘ka’ pa.)
Eh ngayon, nauso pa ang picture tagging, na kapag hindi mo daw iyon ipinagkalat ay may kalulugaran ka daw. Text ang naabutan kong Chain Messages eh, kayo? Naabutan niyo ba yung papel? Yung tunay na pasa-pasahan?
Buti sana kung ganito ang laman ng mga Chain Messages,
Quote:
Kailangan niyo itong panoorin, Kung hindi, makakatikim kayo nito... |
Quote:
“Nuknukan ng ka-gwapo-han ang may akda ng binabasa mo ngayon. Ipasa ito sa isangdaang kaibigan, kapag hindi mo ito ipinamahagi, magpapakita siya mamaya sa iyong pagtulog, kaso tulog ka nga kaya hindi mo naman siya makikita.” |
Ngayon, uso naman yung Black Propaganda DAW (black propaganda nga lang kaya?) tungkol sa mga Aquino. <link> na kumakalat ngayon sa social networking sites. Pero, saan ba base ang mga sinasabi sa video na yun?
Basta ako, may buhay akong inaasikaso at dapat kong payamanin. Kaya kung ako sa 'yo,
Quote:
Like heinriq on facebook @ facebook.com/heinriq, or follow on twitter @heinriq and pass it to all your friends. |
No comments:
Post a Comment