14 July, 2011

u2me! • 18

Chapter 18

Nagising si Brylle dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto, tinignan niya ang orasan sa tabi ng kama niya, "3:18? Istorbo naman talaga oh..." sabay taklob ng ulo gamit ang isang unan at natulog uli.

Muli nagising siya, tumingin sa orasan, "3:20. Sh*t!" bumangon na siya at lumabas na ng kwarto.

Agad naman siyang nakita ni Clang, "nagising ba kita?" tanong nito habang naghahalo ng pinagiling na bigas.

Tinignan lang ng masama ni Brylle si Clarisse at pumasok naman sa CR.


"Matulog ka na ulit," sabi ni Clang pagkalabas ni Brylle ng CR.

Lumapit si Brylle kay Clang at sinilip ang kanyang ginagawa, "sa tingin mo makakatulog pa ako?" galit nitong sabi.

Napaatras si Clang, "ang baho ha..." pang-aasar nito.

"Siraulo... Nag-toothbrush na ako!"

Nagsasalin na si Clang ng malagkit sa mga hulmahan.

"Mahirap ba yan? Pasubok nga..." sabay agaw nito sa ginagawa ng dalaga.

"Wag mo lang pupunuin," hawak nito sa kamay ni Bry.

"Tsansing..."

"Ang kapal... Akin na nga yan!" agaw nitong pabalik sa kanya.

"May luto na?" tanong ni Bry. Itinuro naman ni Clarisse ang lalagyan ng mga luto na, agad namang kumuha si Brylle ng isa at kinain, "magkano ba kinikita mo dyan?"

"Mga 300..."

"300?! Nagpapakahirap ka dyan tapos 300 lang?!" sabay kuha muli ng isa pang puto.

"Oo! Pinaghihirapan ko yan kaya wag mong ubusin!" tinakpan na niya ang lalagyan ng mga luto na.
•••

"Hindi na kita hihintayin, may mga bibilhin pa kasi ako," paalam ni Clang kinatanghalian.

Tumango na lang ang binata, "i-text mo lang ako kung gagabihin ka."

"Oh sige... Babu!" sabay tayo ni Clarisse at umalis na.

Nag-iikot na ang dalaga nang biglang may mag-text sa kanya, "hoy bruha! Mamam tau bukas!" natawa si Clang sa text sa kanya ni Froila kaya agad niya itong tinawagan, "hello?"

< wow! Ang yaman ng lola may pangtawag!

> baliw! Anong meron bukas?

< loka-loka! Birthday mo kaya!

> anong araw ba ngayon? *nilayo ang CP sa tenga't tinignan ang petsa* Nakalimutan ko birthday ko eh...

< masyado mong ineenjoy ang company ni papa Brylle my loves ko, bakit? Kabit ka ba niya?

> loka-loka! Kami na!

< ilusyunada... Wit ka n'ya papatusin! Akin lang siya!

> tse! Basta pupunta ako dyan bukas, wala akong klase... Goodbye na!

'Birthday ko...' tuwang-tuwa nitong sabi sa kanyang credit card.
•••

Habang kumakain ng hapunan.

"May lakad ka bukas?" tanong ni Clang kay Bry.

"Bukas? May trabaho ako, bakit?"

"Matagal yon?"

"More likely... Oo, Batangas ang location eh, maaga akong aalis, mga 6am," mabilis na sagot ng binata. Napansin niya kaagad na sumimangot ang dalaga, "bakit ba? Ano bang meron bukas? May klase ka bukas di ba?"

"Meron..." walang ganang sagot ni Clang.

"Hay... Nakainom ka na ba ng gamot mo? Sabi ko naman sayo eh... Masamang nade-depress ka... Baka mamaya bigla ka na lang magwala..." pang-aasar ni Bry.

Tinignan lang siya ng masama ni Clarisse sabay bulong ng, 'siraulo...'
•••

Kinabukasan, maagang umalis si Brylle para sa shoot ng isang TVC. Nakalabas na siya ng pinto nang may mapansing basket ng bulaklak sa tapat ng unit nila, agad naman niya itong dinampot at binasa ang card na nakalakip dito.

"Clarisse,

Happy 17th birthday! I wish you happiness. I love you.

Come tomorrow to our house for dinner, I'll introduce you to my family.

-Dad Phil"

"Birthday niya?" bulong ng binata, "hindi man lang nagsasabi..." Ipinasok na niya sa loob ang mga bulaklak at ipinatong sa center table sa salas.

Nakarating na sa meeting place si Brylle, hinihintay sa kanyang sasakyan si Efren na makakasama niyang pumunta ng Batangas. Ilang saglit lang tumunog ang kanyang CP, tumatawag si Efren.

"Hindi na daw po muna matutuloy yung shoot ngayon, signal number 1 po kasi sa Batangas, malakas daw ang ulan," balita ni Efren kay Brylle. Napangiti si Brylle sa narinig.

No comments:

Post a Comment