Cafeteria, 12:30pm
"Ayoko nang mag-aral..." reklamo ni Andrei.
"Kumain ka na lang dyan," sagot naman nito matapos kumagat sa sandwich na kinakain.
Nang makita ni Lindsey si Warren, agad niya itong nilapitan, "4pm daw tayo kailangan ni Mrs. Sarmiento sa auditorium."
"OK..." sagot naman ni Warren, "Kain?" alok naman nito sa dalaga.
"No thanks, busog pa ako," sagot ni Lindsey nang bigla namang dumating si Allysa.
"Girl! Tara kain na tayo! Baka himatayin ka na naman sa gutom!" sigaw ni Allysa.
Bahagyang natawa naman si Warren kaya mabilis na umalis si Lindsey sa harap nito.
"Type ka nun," sambit naman ni Andrei.
"Andito tayo kasi nag-aaral tayo..." sagot naman ni Warren.
"Eh panay nga porma mo... Ano kuya? Gusto mo mag-shift ng Business Ad?"
"Ikaw ang mag-shift ng Business Ad! Anong mapapala mo sa Fine Arts? Maghihirap ka lang dyan!" sigaw naman ni Warren.
................................
Auditorium, 4:00pm
"Oh Brix? Ba't ka nandito?" tanong ni Warren sa bagong kakilalang kaibigan.
Nangiti si Brix, "nag-sign-up ako, di ba, stage actor din kasi ako nung high school, saka marami na tayong oras na magkasama... Para... Sa chemistry?"
"Ah..."
Nagsiupuan na ang mga miyembro ng theatro nang dumating na si Mrs. Sarmiento, "Good afternoon actors! As you've noticed, meron tayong bagong members, pero meron din tayong special participants since ito ang sunction sa kanila ng Guidance... Javier and Tan please? Introduce yourselves..."
Matapos magpakilala ng dalawa, tinanong sila ng ibang miyembro kung mananatili ba sila pagkatapos ng isang linggo.
"Ahm... Ang gagawin ko lang naman is... Ako ang bahala sa make-ups niyo," sagot ni Lindsey.
"I can provide costumes and props..." alok naman ni Warren.
Nagtinginan ang lahat sa isa't-isa nang tumayo si Mrs. Sarmiento, "the campus finance for Theatre Arts, may itsura kayo, Vince?"
Tumayo naman si Vince, ang Head Writer ng Theatro, "yes Ma'am?"
"Sila ang lead, i-adjust mo ang ilang details sa scripts for the next play, i-revise kung kailangan."
"Po?!" sabay na tanong ni Warren at Lindsey.
................................
May kinse minutos nang bumabiyahe ang magkapatid nang mapansin ni Andrei na ibang kalye ang dinaraanan nila, "may pupuntahan pa tayo?"
"Uuwi..." sagot naman ni Warren.
"Uuwi? Eh bakit iba 'tong daan natin?"
"Bagong bahay."
"Wow ha... Bumili ka ng bago?"
"Binigay ni Iris."
................................
Dasmarinas Village, 6:00pm
Tan Residence.
"Bakit ginabi ka?" tanong ni Ivy sa anak.
"Theatre Arts."
"Hmmm... Darating pala ang kuya mo..."
Nabuhayan ng dugo si Lindsey, "TALAGA?! Kelan?!"
"Siguro mga limang segundo na lang..." boses na nagmula sa likuran ni Lindsey.
Agad lumingon si Lindsey, "KUYA!!!" agad niyang niyakap ang kapatid na si Arthur.
................................
Nakarating na rin ang magkapatid sa bago nilang bahay, dalawang bahay na pagitan mula sa bahay nila Lindsey.
"Wow Dasma..." wika ni Andrei.
Inabot lang ni Warren ang susi ng bahay, "aalis rin ako, may activity akong gagawin ngayon, maglinis ka na muna dyan."
"Katulong ako?!" reklamo ni Andrei.
No comments:
Post a Comment