29 June, 2011

u2me! • 9

Chapter 9

3:28am na sa CP ni Brylle, wala pa rin ang dalaga, kanina pa niya tinatawagan si Clang pero 'unattended' parati, "laro kasi ng laro kanina eh," mainis-inis na bulong ni Brylle.

Alas kwatro pasado natapos ang trabaho ng binata, at hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin bumabalik si Clarisse, "ano ng nangyari doon?" Pagkatapos magbihis agad bumaba si Brylle mula sa 22nd floor, dalawa ang elevator ngunit hindi na gumagalaw ang isa na nasa 14th floor kaya't ang kabilang elevator na lang ang ginamit nito.

Pagkababa, lumapit ang binata sa guard na nakatayo sa entrance, tinanong niya rito kung may napansin ba siyang babae. Ipinaliwanag ni Brylle sa guard ang itsura, taas at suot ni Clarisse.

"Ah... Yung may dalang kape?" pagkaalala ng sekyu.

"Siya nga po. Pumasok na po ba siya ulit?"

"Kanina pa..." binuklat ng guard ang kanyang logbook, "2:20 pa siya bumalik..."



"2:20?" bulong ni Brylle sa sarili. "Anong oras po siya lumabas?"

"Ay... Hindi pa siya lumalabas..."

Bumalik si Brylle sa loob, nasa 27th floor pa ang elevator na ginamit niya kanina at paakyat pa ito, samantalang nasa 14th pa rin ang isa. Pinagpipipindot ni Brylle ang elevator nang lapitan siya ng utility, "Sir, huminto yan. Nasira kanina."

"Ah..." tinigilan na ni Brylle ang pagpindot dito.

"Kung sakali kawawa yung nakasakay sa loob non... Absent kasi yung night shift na technician, alas otso pa papasok yung susunod," dagdag pa ng madaldal na utility, "magda-dalawang oras nang stranded sa loob yun... Nag-shutdown, walang ilaw sa loob yun..."

"Dalawang oras?" pagtataka ni Brylle sabay tingin sa relo, 4:48am na pala.

"Mag-a-alas tres na nang huminto yang elevator..."

"Alas tres?" natakot na ang binata, agad niyang tinakbo ang hagdan, nag-aalalang baka nasa loob pa ng elevator si Clarisse. 'May hangin ba sa loob nun? Baka ma-soffucate siya... Umiiyak na kaya siya? Dalawang oras... Walang ilaw... Baka natatakot na siya..." mga bagay na paikot-ikot sa isip ng binata habang tinatakbo paakyat ang 14th floor magmula ground.

Pawis na pawis na si Brylle nang marating niya ang 14th floor, hihingal-hingal inihawak niya ang kanyang mga kamay sa pinto ng elevator at sinubukan itong ii-slide ngunit dumulas lamang ang kamay niya gawa ng kanyang pawis. Kinalampag ni Brylle ang pinto na narinig naman ni Clarisse, mula sa kanyang pagkakaupo agad tumayo ang dalaga't tinugunan ng pagkalampag ng pinto.

Walang naririnig ang binata pero hindi siya huminto, ipinunas muna niya ang mga kamay sa kanyang pantalon at pilit na ibinubuka ang pinto ng elevator, saglit ay naghiwalay ang dalawang pinto, agad namang sinuksok ni Brylle ang mga kamay at buong pwersa na itong pinaghihiwalay.

Bumukas na ang pinto ng elevator, muli ay nakatanaw ng liwanag si Clarisse ngunit dahil sa silaw hindi niya agad nakilala ang lalaking nasa harapan na siyang nagbukas ng pinto. Nagulat na lang ang dalaga ng bigla siyang akapin ng lalaki.

"Mabuti na lang..." sambit ni Brylle.

Nakilala naman agad ni Clang si Bry dahil sa boses nito, "tapos ka na?" tukoy nito sa photoshoot ng binata.

Humawak sa balikat ni Clang si Brylle nang umalis ito sa pagkakaakap, napahingang-malalim, "Oo..." ngiti nito.

"Bakit pawis na pawis ka? Ako nga dapat ang pagpawisan dahil nawalan ng aircon sa loob nitong elevator." Parang walang nangyari, normal pa ring umasal ang dalaga.

Ngiti na lang ang isinagot ni Brylle, "tara na..."

Bago lumabas ang dalawa sa elevator dinampot ni Clang ang kape't tinapay na kanyang binili, "malamig na yung kape mo..."

Nakatulog na sa kahabaan ng biyahe pauwi si Clarisse, susubukan sanang gisingin ni Bry ang dalaga ng magdalawang isip ito.

Buhat-buhat ang dalaga, isinakay ng elevator, pumasok sa kanilang tinutuluyan at iniakyat na ni Brylle si Clarisse sa kanyang kwarto. Ito ang unang beses na nakapasok si Brylle sa kwarto ng kasama, at ang tanging napansin nito, napa-hingang malalim muna ito bago, "makalat..." bulong nito sa sarili.

Pagkatapos maihiga si Clang sa kanyang kama, pumasok na sa kanyang kwarto ang binata at agad na ring natulog.

No comments:

Post a Comment