02 July, 2011

u2me! • 10

Chapter 10

Nagising si Clarisse nang may tumawag sa kanyang CP, si Terrence, "hello?"

"Hello... Busy ka?" tanong ni Terrence.

"Kakagising ko lang..."

"Ay... Nakaistorbo ata ako..."

"Hindi ok lang... Tanghali na rin naman eh... Anong oras na ba?" saglit ay sinilip ang oras sa phone, 1:30pm.

"Kumain ka na ba? I'll treat you lunch."

"Kaso si Bry..."

“Kakasalubong ko lang kay Brylle, he left the building already… Come on… I-invite din sana kita somewhere eh…”


•••

“So… which food do you prefer?” tanong ni Terrence habang nagmamaneho.

Saglit na nag-isip si Clang, “kahit ano naman kaya kong i-prefer… Nilaga, sinigang, gulay… Kung anong mga nakikita mo sa mga karinderya…”

Pigil na pigil ang tawa ni Terre, hindi niya gustong maka-offend, lalo na kung si Clarisse, huminga muna ang binata para ibsan ang nakakatawang sitwasyon, “saan mo gustong kumain? Italian, japanese resto?”

“Ikaw na bahala…” sagot nito sa katabi, “ikaw manlilibre eh…”

Tumanggi man ang dalaga na sumagot kung saan sila kakain, siya pa rin ang nasunod, sa Jollibee.

“You know what, ang huli kong kain dito sa Jollibee nasa New York pa ako, last month…” tawa ni Terrence.

"Talaga? Meron palang Jollibee sa Amerika... Kelan ka lang umuwi?"

"Last week... Yun nga yung pinag-aawayan namin ng Dad ko nung isang araw, gusto niya kasi after ng exams ko bumalik na ako kaagad ng New Jersey..."

"New York kanina di ba? New Jersey naman ngayon?"

"Taga New Jersey kasi talaga kami. Magkalapit lang kasi yun. One train ride nasa New York ka na." Humaba pa ang usapan ng dalawa.

Samantalang sa condo, kababalik lang ni Brylle bitbit ang isang Junior Breakfast Meal na binili sa KFC, "nasan ka?" text nito sa dalaga nang malamang wala ito sa kwarto niya.

>ksma ko si tere

hnggang sa txt ba nmn bngi k p rn?!

ay sus... Cno kyang unang maagang umalis aber?!

ktkot ka! Wla ako s kpitbhay umalis kmi ni tere

hay ewn ko sau! Kumakaen kmi ngaun. Ikw n bhala sa kakainin mu! Maraming voice jan

"Si Brylle?" tanong ni Terrence kay Clarisse.

"Hay nako... Hayaan mo siya... Magluto siya ng sariling pagkain niya..." reklamo ng dalaga sabay pasok ng CP sa bulsa.

Matapos kumain tumuloy na ang dalawa, sa simbahan sa Baclaran.

"Ano palang ginagawa natin dito?" tanong ni Clang.

Kumuha ng kandila si Terrence at iniabot kay Clarisse, "may hihilingin kasi ako."

"Ano naman yun?"

Kumuhang muli ng isa pang kandila ang binata at sinindihan ito gamit ang mga katabi pang kandila, "na sana makapasa ako sa exams ko simula bukas..." nakangiting sabi ni Terre kay Clang bago ito pumikit at tahimik na nagdasal.

Sinindihan na rin ni Clang ang kanyang kandila gamit ang kandila ni Terrence at nagdasal din ngunit hindi katulad ng kasama, pasalita itong nagdasal, "Papa Jesus... Tutulungan ko lang pong humiling sa inyo si Terre ha... I-guide niyo po siya sa mga tamang sagot sa mga test niya... Amen."

Nagkatinginan na lang ang dalawa at tahimik na nagtawanan. Sa pangatlong pagkakataon, kumuha muli ng kandila ang binata at kaagad na sinindihan.

"Para saan naman yan?"

"May isa pa kasi akong hihilingin..."

"Hay... Andami mo namang gusto... Isa lang daw..." biro ni Clang.

"Kahit wag na niyang i-grant yung una..." sabay ngiti nito kay Clarisse.

Matapos magdasal, umupo ang dalawa sa loob ng simbahan, "parati kang andito?" tanong ni Clang.

"Hindi naman parati, kapag may time, kapag may problema," sagot ni Terrence, "kapag may hihilingin," sabay tingin kay Clang, "so pa'no? 5 o’clock na, shall we go?"

“May mas maganda akong naiiisip…” ngingiti-ngiting sabi ni Clang.

No comments:

Post a Comment