23 July, 2011

u2me2! • 5

Chapter 5

Central Park, Manhattan,

"Cleopatra's needle," turo ni Terrence sa isang kulay pulang granite na straktura.

"Talaga?" biglang lumapit si Clang at tinignan maigi ang mahabang estatwa, "asan siya d'yan?"

"Sino? Si Cleopatra? Wala siya d'yan... 'The Crowned Horus Bull of Victory Arisen in Thebes,'" basa ni Terre sa translation ng banner, "parang naging tawag na lang ng mga tao ang Cleopatra's needle kahit wala naman talagang kinalaman si Queen Cleopatra d'yan sa sculpture.
•••

Habang nagkakape ang bagong magkapareha,

"Matagal na kitang nakikita as commercial model, I'm sure you're the one who did the Coke TVC," sambit ni Sophie.

"Oo, twice," Sagot naman ni Bry matapos humigop ng kape.

"Sabi ko na eh, siguro we should practice some lines na para ok na tayo tomorrow," payo naman ng dalaga at agad namang pumayag si Brylle.

•••

Matapos ang halos walang hanggang pagpipi-picture nila Terrence at Clarisse sa buong Central Park, tinapos nila ang paggagala sa pagkain sa isa sa mga resto na nakapaligid sa Central Park,

"Kelan ka walang klase?" tanong ni Terre.

"Ahm, sa susunod na araw, bakit?"

"Gusto ka kasing makita nila mommy, if you won't mind I'll pick you up tomorrow afternoon, sa bahay ka na matulog since wala ka namang kasama sa hotel mo..."

"Ha?!" gulat na gulat na tugon ni Clang.

"Hindi, kung ayaw mo naman, ok lang..."

"Hindi naman..." marahang sagot ni Clarisse.

"Good, so I'll pick you up by 2pm tomorrow, ok?"

Napatango na lang ang dalaga.
•••

Kinabukasan, dumating na si Efren sa Wellington,

"Buti nakahabol ka... Tara na..." yakad ni Brylle pagkakita pa lang kay Efren.

"Jetlag pa ko sir... Pahinga naman kahit saglit..." request ni Efren.

"8am ang call time natin... Hindi ka ba nakapagpahinga sa eroplano?"

"Feeling ko nga jeep yung sinakyan ko, nasa buntot na ata ako ng eroplano pinasakay eh..."

"Hahaha... Tinipid ka ni Ma'am Alma?!" tatawa-tawang tanong ni Bry, "akong bahala sayo pag-uwi..."

"Kasama na ako sa First Class?!" agarang tanong ng pobreng si Efren.

"Hindi... Sa pakpak ka naman sasakay!" tawa pa ni Bry.
•••

Nakasakay na ng tren sila Clang papuntang New Jersey kung saan nakatira ang mga magulang at isa pang kapatid na babae ni Terre.

"My mom knew na marunong kang magluto, so she requested na mag-share kayo ng thoughts about cooking. Dadaan muna tayo ng grocery para mamili ng ilang lulutuin," banggit ni Terrence.

"Ok," ngiting sagot naman ni Clarisse.
•••

Nakarating naman na ng Wall Street sila Brylle at Efren para sa unang araw ng shoot,

"Obet!" tawag ni Leo sa isang staff, "paki-assist naman itong bata para makapagpalit na ng damit at ma-make-up-an na," tukoy nito kay Brylle, "ok, and tell Sophie that be ready, kukunan ko na sila after this shot with Anton ang Eunice," banggit naman nito sa ilan pang kasama sa proyekto.

Hindi inaasahan ni Brylle na malaki ang pagkakaiba ng Commercial shoot sa isang Movie shoot, ilang oras na paghihintay, eksenang putol-putol at malalayo ang distansya sa isa't-isa. Ang emosyon mo sa isang eksena ay kabaligtaran na sa susunod na harap mo sa camera, suot ang ibang damit na gamit mo sa naunang pag-arte. Andyan pa ang init ng ulo ng bawat isa kahit may kalamigan ang klima ngayon sa siyudad.

Nasa tent si Brylle para magpahinga saglit at magbasa saglit ng script ng tawagin siyang muli para kunan muli ang isang eksena, paulit-ulit, iba-ibang anggulo ng camera, masakit sa matang liwanag, mga taong nakikiusyoso na nagiging dahilan ng ilang ulit na pag-'cut' sa romorolyo nang eksena.

"Sir, kain na muna kayo habang hindi pa kayo tinatawag," alok ni Efren sa alaga.

Napatingin naman si Brylle sa kanyang relo, 3:40pm na at hindi pa siya nagtatanghalian, "sige, mauna ka na, May mga kakabisaduhin pa ako eh," sagot naman nito sabay inom ng tubig.

No comments:

Post a Comment