15 July, 2011

u2me! • 20

Chapter 20

"5pm tau pu2nta kyla ninong Philip," text ni Brylle kay Clang. Alas dos pa lang ng hapon, naghanda na ng masusuot ang dalaga nang biglang may pumindot ng doorbell, agad naman siyang bumaba mula sa kanyang kwarto't pinagbuksan ng pinto ang bisita, si Violeta.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Violeta at pumasok na sa loob kahit hindi pa siya iniimbitahan.
•••


4 o'clock na nakauwi si Brylle mula sa kanyang klase, "saan na naman nagpunta yung basurerang yon?" bulong nito sa sarili nang malamang walang tao sa unit nila. Kinuha na niya ang kanyang CP at tinawagan si Clarisse, nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot, inilayo niya sa kanyang tenga ang CP dahil may iba pa siyang naririnig, umakyat siya ng hagdan at sinundan ang tunog sa kwarto ng dalaga, naiwan ni Clarisse ang cellphone niya.
"Umalis siya nang walang dalang phone?" pagtataka ni Bry.

Dala-dala ang CP ni Clang bumaba siya sa sala at doon tinawagan naman si Nene, "Hello, good afternoon, tanong ko lang sana kung kasama niyo si Clarisse?"

"Hindi eh, bakit?" sagot naman ni Nene.

"Wala kasi siya dito sa bahay, naiwan niya nga 'tong CP niya eh... Pwede kapag nakita niyo siya paki-text ako kaagad?... Salamat." ibinaba na niya. 'Hindi kaya na kay Terrence lang yon?' isip-isip ng binata.

Lumabas siya ng pinto at kinatok naman si Terre sa kabila, nakailang doorbell at katok na si Bry nang biglang bumukas ang elevator, at naroon ang kanyang sadya pero hindi nito kasama si Clarisse.

"O Brylle, bakit?" tanong ni Terrence pagkalapit nito sa binata.

"Nakita mo ba si Clarisse?" tanong naman ni Bry.

"Kanina mga quarter to three lumabas siya, bakit di mo tawagan?"

"Naiwan niya yung phone niya eh," sabay pakita nito sa CP ni Clarisse.

"Nakita ko may kasama siyang babae nung umalis siya..."

"Babae?" tanong nito na may halong pagtataka, "mga kaedaran niya?"

"Hindi... Parang tiyahin niya..."

"Si Tita Rose?" hula ni Brylle.

Pero agad naman itong sinagot ni Terrence, "hindi... Kilala ko na si Tita Rose eh... Nakakilala na kami noon sa karinderya eh... Pero mga ganong edad..."

Pagkarinig palang noon ni Brylle sa sinabi ni Terre agad niyang tinakbo ang guard house, 'si Tita Violeta kaya yon?' Nang marating na niya ang mga guard doon niya nalaman na tama ang kanyang hula, pumasok nga ng building si Violeta ng 2:10pm.

"Hello Terrence?" tinawagan ni Brylle si Terre gamit ang CP ng dalaga, "nawawala si Clarisse, kung makita mo siya uli tawagan mo ako kaagad."

Agad siyang sumakay sa kanyang kotse at mabilis itong pinaandar.
•••

Nakaupo ang dalaga kung saan sila magkatabi noon ni Brylle sa MOA. Alas kwatro pa lang pero walang sikat ng araw na dumadampi sa buong paligid gawa ng makapal na ulap sa langit. Malamig ang hangin na nagmumula sa Seaside. Hawak-hawak ang isang bagong Voice Chocolate Sandwich kung saan wala na sa pambalot ang larawan ni Brylle, napaisip ng malalim si Clarisse, inalala ang mga sinabi sa kanya, "oportunistang anak sa labas..." “Get out of this family! Get out of our lives!” “Umalis ka na sa bahay na ’to, at wag mo nang guguluhin kahit ang pamangkin ko!”
•••

Walang ibang lugar na maisip si Brylle na pwedeng puntahan ng dalaga kundi ang MOA kung saan madalas silang maggala. Natatanaw na ng binata ang malaking globo ng mall nang biglang huminto ang sasakyan niya, "not now... Please..." pakiusap nito habang ilang ulit na sinubukang i-start muli ang makina.

Wala nang pag-asa, "Sh*t!" hampas nito sa manibela. Akala niya doon na natatapos ang kamalasan, papalabas na ng sasakyan ang binata ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hinalingkat niya lahat ng gamit sa backseat, naghahanap ng payong pero jacket lang ang nadampot ni Brylle. 'No choice...' bulong nito sabay suot ng jacket at biglang tumakbo patungong Mall of Asia't iniwan na lamang ang kanyang kotse.

Hingal na hingal nang dumating si Brylle sa Seaside, at biglang nawala ang malakas na ulan na kanina lang ay pumaligo sa kanya. Agad siyang tumakbo patungo sa mga bench. "Clarisse!" sigaw nito.

Agad namang narinig ni Clang na may tumawag sa pangalan niya, tumayo siya at lumingon.

"Clarisse..." tawag ng binata.

"Terrence..." bigkas ni Clang sa kaharap.

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita sa simbahan eh, hinahanap ka na ng lahat..."
•••

Nakaupo na si Brylle sa bench kung saan sila magkatabi noon ni Clang nang biglang tumunog ang CP ng dalaga sa bulsa ng kanyang jacket, "hello?"

"Kasama ko na si Clarisse, ihahatid ko na siya sa inyo..." sabi ni Terrence. Pagkababa nito sa CP kinausap na niya ang dalaga, "anak ka lang sa labas, pero hindi ka oportunista..." ngunit tahimik lang ang dalaga, “sa susunod na araw I’ll fly back to New Jersey, one month ako doon, tawagan mo lang ako whenever you needed me…”
•••

Matapos ipa-tow ang kanyang sasakyan, umuwi na rin kaagad si Brylle. Tumutulo pa ang naghalong tubig ulan at pawis mula sa kanyang buhok inakyat ng binata si Clang sa kanyang kwarto at doon niya nadatnang nag-eempake na ang dalaga.

"Hindi naman dapat na nandito ako," sabi ni Clang sa binatang kanina pa nakatayo sa pintuan ng kanyang kwarto. Natapos na siyang iligpit ang mga damit at ilagay sa mga bag, tumungo na siya sa cabinet sa tabi ng kanyang kama at doon niya nakita ang regalo sa kanya ni Brylle kagabi, "bahay mo 'to eh..." sabay lapag nito ng larawan sa kama.

Binuhat na ni Clarisse ang mga bag at lumabas na ng kwarto't bahay, nilagpasan niya lang ang binatang kanina pang nakatingin lang sa kanya.

Pabukas na ang pinto ng elevator ng harangin ni Brylle si Clang, "hindi naman kita pinapaalis ha..." sumara nang muli ang elevator.

No comments:

Post a Comment