14 July, 2011

u2me! • 19

Chapter 19

Sa campus restroom,

"Happy birthday to me!" masayang bati ni Clang sa harap ng salamin nang biglang may magtext sa kanya, si Nene, "te, nxt tym n lng dw tau magnomnom, inuulcer si kuya froi eh..." biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Lingid sa kanyang kaalaman na kinuntsaba lang ni Brylle ang magpinsan.
•••

Magtatanghali na nang makauwi si Brylle dala-dala ang pagkarami-raming binili sa grocery at bookstore. Inilapag niya lang ang mga ito at agad na tinawagan si Clarisse, "Hello? Asan ka?"


> nasa school pa... Ikaw?

< ako? Ahm... Nandito sa Batangas...

> haaay... Mag-isa lang pala ako ngayon... Birthday ko pa man din...

< talaga?! Birthday mo?! *pagkukunwari ni Brylle*

> dapat mag-iinuman kami nila Froi ngayon eh kaso hindi na matutuloy...

< ganun ba? Anong plano mo ngayon?

> wala... Uuwi na lang ako ng maaga...

< kawawa ka naman... Tsk... Tsk... *pang-aasar ni Brylle*

> siraulo! Hindi mo man lang ba ako babatiin? Makapang-bwisit ka rin eh?!

< joke lang... Enjoy your birthday!

Binaba na ni Clarisse ang phone, naglalakad na siya palabas ng campus nang tawagan siya ni Terrence, "hello?"

"Busy ka?!" tanong ni Terre.

"Masaya ka ata... Bakit?"

"Lumabas na kasi yung result ng exams... Abogado na 'tong kausap mo!"

"Talaga?" walang ganang tanong ni Clang.

"Malungkot ka? Asan ka ngayon?"

Nauwi ang pag-uusap sa pagkikita ni Terrence at Clang. Kumain ang dalawa sa isang resto.

Tumayo na si Terre, "antayin mo ako ha... Saglit lang ako..." paalam nito bago umalis. Tinignan ni Clang ang kanyang relo, 1:00pm.
•••

Habang si Brylle, ilang beses nang pabalik-balik sa kanyang nilulutong spaghetti sauce, "neee... Ba't ang asim?" reklamo nito sa sariling luto, tinignan niya muli ang recipe, "wag daw puputulin... Paano mo lulutuin ang spaghetti noodles kung hindi naman kasya sa kaldero? Dapat nagpa-deliver na lang ako eh..."
•••

Pagkabalik ni Terrence may dala na itong maliit na birthday cake, ipinatong niya ito sa mesa at sinindihan ang kandila, "make a wish..." ngingiti-ngiting sabi nito.

Saglit ay pumikit si Clarisse, humiling at hinipan na ang kanyang birthday candle.

"Happy birthday!" bati ng binata.

"Salamat..."

"Si Brylle? Hindi yata kayo magkasama..."

'Yung impaktong yon?' bulong ni Clang, "nasa Batangas siya... Gagabihin pa ng uwi..."

"Sila Nene?"

"May inuman dapat kami kaso nagkasakit si Froila..."

"Ah... Kung wala ka rin gagawin eh di tayo na lang mag-celebrate."
•••

Alas onse na ng gabi nakauwi si Clarisse at Terrence galing sa isang bar, "salamat Terre ha..."

"Salamat din... Sige good night..." paalam nito at nauna nang pumasok sa kanyang unit.

Pinihit na ni Clang ang door knob, pagkapasok niya biglang may pumutok. Nagulat siya nang biglang umulan ng confetti sa loob ng bahay. Bukas na ang ilaw pero naka-dim lang ang mga ito.

Mula sa kanyang kinatatayuan nakikita niya ang mga lobo na nasa sahig. Lumapit siya sa salas at doon nakita niya si Brylle na natutulog sa sofa, hindi na siya nagtakang hindi nagising ito nang pumutok ang confetti dahil nakasuot sa tenga nito ang earphone.

Napansin rin ng dalaga ang mga lobo sa kusina, pumunta rin siya rito at nakita ang mga pagkain, spaghetti, napangiti si Clang ng makita ang sunog na noodles, isang ulam na hindi niya alam kung kaldereta ba o afritada at birthday cake na may mga stick na nakatusok. Nakita niya rin sa ref ang printed na recipe at doon niya nalamang kaldereta nga ang niluto ng binata.

Hinawi niyang muli ang mga lobo sa sahig, pumasok sa kwarto ng binata at binalikan si Brylle sa salas para kumutan.

Nagising na si Brylle, "uy... Kanina ka pa?" tanong nito sa kaharap, bumangon na siya, "kumain ka na?"

Agad niyakap ni Clarisse ang binata.

"Ui..." nagulat si Bry.
•••

Sinindihan na ni Brylle ang mga stick na nakatusok sa cake at bigla na itong nagkislapan.

"Paano ko hihipan yan?" tanong ni Clarisse sa binata.

"Hipan mo lang... Matatapos din yang within this week..."

"Siraulo..."

"Akala ko ba maaga kang uuwi?"

"Hindi mo naman kasi sinabi na maghahanda ka."

"Ay pasensya na ha... Kasi surprise ang tawag dito eh..."

Bago pa matapos ang gabi, inabot na ni Brylle ang kanyang regalo sa dalaga. Ang litrato nila sa MOA.

"Happy birthday..." bati ni Brylle kay Clarisse.

"Thank you," nakangiti nitong sabi sa binata.

No comments:

Post a Comment