Chapter 6
“Kung bibili ka ng mga pasalubong, dito ka na bumili, mahal kasi ang mga bilihin sa New York,” payo ni Terrence sa kasama habang namimili sila sa isang grocery.
"Talaga?"
"Yup, mataas kasi ang cost of living sa New York compared dito. Siguro cheaper ng 10% ang mga bilihin dito..."
“Sige, next week babalik ako dito,” tugon naman ni Clang.
“Bakit? Wala pa ba si Brylle by next week?”
“Sampung araw siya mawawala, bale dalawang araw na lang kaming magkakasama bago kami umuwi…”
•••
Lagare na kung magtrabaho ang lahat sa set, “Sir, fitting po tayo by 9pm mamaya,” paalala ni Obet na isa sa mga staff kay Brylle.
Agad namang tumingin sa kanyang relo ang binata, 5:20pm, “sige.” Nilingon niya si Efren at sinabihan nang uuwi na sila’t pack-up na sila sa set.
“Sir,” tawag muli ni Obet sa bagong aktor, “and 1am na po ang scheduled shoot niyo tomorrow, hindi na po 4am..."
•••
"Ma, Pa, this is Clarisse, Clang the most beautiful Mom ever, Sandra, and my Dad Raul," pakilala ni Terre sa dalaga.
"Good evening po," bati ni Clarisse na nanay ni Terrence.
"Good evening, come, have a seat," paanyaya naman nito, "Terrence told us a lot of story about you..."
Napatingin naman kaagad si Clang sa binata.
"No wonder ayaw umuwi ni Renz dito, you're very beautiful iha," papuri naman ng ama ni Terrence.
"Sapat lang po..." kapalmuks na sagot ng dalaga bago umupo.
"Dalhin ko lang tong mga pinamili sa kitchen," paalam ni Terrence. Agad namang sumunod si Sandra sa kusina at naiwan si Raul na kasama si Clarisse.
•••
Sa van na sinasakyan nila Bry at Efren pauwi,
Hawak-hawak ng binata ang kanyang CP habang pinagmamasdan nito ang larawan nila ni Clarisse sa Battery Park. Dalawang araw nang hindi nakikita ni Brylle si Clang, sabi nga nila it would take you a week before it becomes a habit, pero halos dalawang buwan nang magkasama ang dalawa kaya parang naging lifestyle na para kay Bry na parating nakikita si Clarisse.
Ini-slide pa ni Bry ang screen ng kanyang CP at lumabas naman na ang litrato ng dalaga habang natutulog sa eroplano, bahagyang napangiti ang binata sabay bulong ng, "tulo-laway..."
Hindi sinasadyang napansin ni Efren ang kasiyahan ng binata at sinilip ang tinitignan nito sa kanyang cellphone, "girlfriend mo Sir?"
"Hindi ha..." defensive nitong sagot.
"Hmmm... Baka naman 'hindi pa...' Ganda ha..." tukoy nito kay Clarisse.
"Maganda? Saan?" sagot muli ni Brylle sabay bulong ng, 'saka hindi ako pumapatol sa basurera...'
"Siya ba yung kasama niyong umalis? Tawagan niyo na... Miss mo na eh..." pang-aasar pa ni Efren.
"Alam mo, matulog ka na lang d'yan, maaga ang alis natin bukas."
•••
Matapos ipagmalaki ni Raul ang anak kay Clarisse bigla itong nagtanong, "gaano na kayo katagal magkarelasyon ni Terrence?"
"Po?!" gulat na gulat na sagot ni Clang, "hindi po kami..."
"Talaga? I'm sorry... It's actually the first time na may ipinakilalang babae sa amin si Renz..." paumanhin naman ni Raul.
"If it's ok for you, you can call me Dad or Daddy, whatever fits you..."
Nang bigla namang sumingit sa usapan si Sandra, "iha... Let's share some ideas in the kitchen, I've heard you're a good cook..." yaya nito na pumunta ng kusina. Tumayo naman kaagad si Clang at nagpaalam na kay Daddy Raul.
•••
Hindi na nakatiis si Brylle at tinawagan na si Clarisse, "hello?"
Nagpaalam naman saglit si Clarisse kay Sandra bago sinagot ang CP.
> oh... Kamusta na ang next big star?
< baliw... Ok lang ako, ikaw?
> andito ako ngayon kayla Terre kasama ko parents niya, ite-text sana kita eh kaso nag-grocery pa kasi kami, nakalimutan ko na tuloy...
< ah... Kamusta d'yan?
> ok naman, dito pala ako matutulog ngayon...
< ha?!
No comments:
Post a Comment