13 February, 2012

u2me2!♡ • 20

Chapter 20

Papasok na si Clarisse sa kanyang course nang kausapin pa siya ni Terre, "hihintayin na kita ha, ako na maghahatid sayo pabalik ng hotel niyo."

Agad namang napalingon si Clang nang marinig niya ang binata, "ahm... Kasi, ipapasundo daw ako ni Bry kay Efren eh..."

"Efren... Sinong Efren?" pagtataka ni Terrence.

"Ah... P.A. siya ni Brylle, siya yung kasama ko nung tumawag ka sa akin kahapon," sagot naman nito, "thank you, pero pasensya na ha..."

Ngumiti si Terre kahit hindi naman niya gusto, "hindi, OK lang..."

"Papasok na ako... Bye..." paalam ni Clarisse. Tumalikod na siya at nakailang hakbang na nang magsalitang muli si Terrence, pero sa pagkakataong ito, hindi na malaman ng dalaga kung lilingunin pa ba niya ang binata o hindi na.

"Clarisse... I like you... I, actually, I love you."

•••

Sa isang jewelry store ang location ng shoot ng pelikula nila Brylle.

"$1799.99?" usisa ni Efren sa isang gold watch, "magkano yun sa pera natin?" tanong naman nito kay Brylle.

"$1799? Multiply mo sa 40, around 70,000 pesos," sagot ni Bry sabay lingon sa relong tinitignan ni Efren, "Astig ha... Bibilhin mo?" pang-aasar nito.

"Grabe! Halos kalahating taong sahod ko na yun ha..." tugon ni Efren habang tinatawanan lang siya ni Bry. "Ikaw? Hindi ka ba bibili ng kahit ano dito?"

"Hindi ko naman kailangan ng relo..." agarang sagot naman ni Brylle.

"Hindi naman para sayo, para kay Clarisse..." mabilis namang sagot ni Efren.

"Huh? Bakit naman, para saan? Hindi ko naman girlfriend yun..." biglang reaksyon ng binata.

"Kaya mas dapat mo nga siyang bigyan ng regalo, tignan mo hindi naman pala 'kayo' pero alalang-alala siya sayo... Ibinili ka pa nga niya ng gamot mo eh," sagot ni Efren, "teka, ininom mo na ba yung binigay niyang gamot sayo?"

'Oo nga...' bulong ni Brylle sa sarili, napatingin siya sa paligid para maghanap ng kahit anong magugustuhan ng dalaga, paglingon niya, nakita na niya ang isang regalong gusto niyang ibigay sa dalaga at alam niyang magugustuhan naman ng kanyang pagbibigyan.
•••

"Just think about it, hindi naman kita pine-pressure eh. I can wait," mga katagang kanina pa paikot-ikot sa utak ni Clarisse habang nakaupo sa klase nang bigla siyang mapahikab ng may sound. Matapos no'n, lahat ng mata'y nakatutok na sa kanya.

Agad siyang lumabas gawa na rin ng kahihiyang nagawa, pumasok siya CR at tinawagan si Froila, "Bakla!" sigaw ng dalaga pagkasagot pa lang ng pinsan ng CP.

< Hello? *bagong gising

> Froi!!! May problema ako!

< Bukas na yan...

> Kailangan ko ng tulong mo!

< Bruha ka! Ala una pa lang ng madaling araw nambubulahaw ka na...

> Nililigawan ako ni Terrence!

< Ligaw lang pala eh... *mga ilang sandali* Ano?!

> Oh di ba? Worth it ang panggigising ko?

< Bruha, da-dalawang oras na itutulog ko pa sana bago kami mamalengke ni Mamang inistorbo mo pa! Anong sabi mo sa kanya?

> Wala...

< Wala? Anong wala?

> Hindi na ako nakapagsalita, anong sasabihin ko bigla na lang siyang nag-I love you?

< Ganda mo ha! *bumangon na si Froi

> Ano nang gagawin ko?

< O, sayo na si Terrence akin na si Papa Brylle...

> Nice talking... Ano ngang gagawin ko? Bruha ka! Wala ka pang sinasagot! *inilayo sa tenga ang CP para tignan ang oras* Tatawag na lang ako ulit mamaya!

< Loka-lokang 'to! Matapos mong mang-istorbo sa beauty rest ko! BABU!

Pagkababa niya ng telepono para siyang lantang gulay na napa-"hay..." sa harap ng salamin.

Pagkatapos ng klase ng dalaga nadatnan niyang hinihintay na siya ni Efren.

"Tara na?" tanong ni Efren kay Clarisse pagkalapit pa lamang niya sa dalaga.

Sumama naman kaagad si Clang pero hindi pa sila nakalalayo ay nagyaya muna itong pumasok sa isang mall para lang bumili ng mapaglalagyan para sa kanyang mga sketch.

No comments:

Post a Comment