19 July, 2011

u2me2! • 2

Chapter 2

Anim na oras na silang nasa himpapawid, tulog si Brylle suot-suot ang kanyang headphone habang nakikinig ng music, si Clarisse naman nainip na sa kakamasid sa mga ulap na nakikita kaya naglaro na lang siya ng Angry Birds.

8th hour, naghain naman ang mga flight attendant ng merienda, at sinamantala naman ni Clarisse na tulog ang kanyang katabi at kinain rin ang pagkain nito, "diet naman siya eh..."

Onse oras, si Clang naman ang tulog samantalang nagising naman ang binata sa biglang pag-alog ng paligid, napansin niya ang naka-tungong ulo ni Clarisse. Itinulak niya itong pasandal sa backrest ng upuan at doon niya napansin ang isang bagay, "yaks... Tulo laway..." Pinagtripan niya ang dalaga't kinunan ng litrato.

12 hours, pagkain muli ang pinagkaabalahan ni Clarisse, habang si Brylle sandwich lang ang kinain, "gusto mo?" sabay subo ni Clang ng kanin at ulam na tila iniinggit ang binata, "sarap... Hmmm..."

"Baliw..." sagot naman ni Brylle sa katabi.
Labin-limang oras sa eroplano, tulog na ang dalawa at parehas nakasandal ang kanilang ulo sa isa't-isa.

"Uy... Basurera..." panggigising ni Brylle sa katabi, "tignan mo na ang New York, mamaya wala na yan..." tukoy nito sa magandang ilaw na bumabalot sa Big Apple.

Napasilip naman si Clang sa bintana, "wow..." yun na lang ang tanging nasabi ni Clarisse habang pinagmamasdan ang buong siyudad.

"Ladies and gentlemen, we've finally arrived at the Big Apple, New York City. In about 30 minutes, the plane would land at John F. Kennedy International Airport. May we request all passenger to please fasten your seatbelts and please refrain from standing until the red light..." mga sinabi ng FA.
•••

Sa airport habang nag-aabang sila ng susundo sa kanila.

"Akin na yung cellphone mo..." sabi ni Bry, agad namang inabot ni Clang ang CP niya, "ise-save ko na sa maps mo yung hotel na tutuluyan natin." Lumapit siya sa dalaga at itinuro kung paano gamitin ang GPS. "Makinig ka... Kapag ikaw naligaw dito... Bahala ka sa buhay mo..." pang-aasar pa ni Bry.
•••

Sa lobby ng hotel, "marunong ka naman mag-english di ba?" tanong ng binata.

"Op kors, yu now..."

"OK na yan... Basta marunong ka, wala naman silang pakealam sa grammar at pronunciation dito..." komento ni Brylle.

"Why? What the matter?" pagtuloy pa ni Clang sa kalokohan niyang ingles.

"Siraulo..." sambit ni Bry nang biglang may lumapit na sa kanilang personnel ng hotel.

"Excuse me Mr. Lopez? I'm very sorry but the room you booked last 2 days were cancelled due to unavailability. A letter were e-mailed to your account yesterday notifying you about the sudden issue."

"If that's the case, I'll take a three-bedroom-unit," sagot naman ni Brylle, agad namang umalis ang babae, "paano ko malalamang na-cancel eh buong araw tayong nasa eroplano?! Dapat the same day nagsabi na sila."

"Anong problema?" tanong ni Clang.

"Patay tayo d'yan... Hindi mo nasundan yung sinabi niya? Ipaalala mo na magdownload tayo ng translator sa iPhone mo ha. Baka mauto ka rito, uto-uto ka pa man din."

Bumalik nang muli ang babae, "Sir how about a single-bedroom?"

"Single?" tanong ni Brylle.

Bigla namang sumingit si Clang, "OK lang sa akin... Kahit sa sofa na lang ako..."
•••

"Grabe... Napaka-gentleman..." bulong ng dalaga habang nagpapahinga sa living room habang si Brylle naman, nag-aayos na ng gamit sa loob ng magiging kwarto niya.

No comments:

Post a Comment