24 June, 2011

u2me! • 4

Chapter 4

Habang nasa loob ng elevator pabalik na ng kanilang unit,

"Sa monday pala mag-eenroll ka, sasamahan lang kita papunta pero hindi na kita maihahatid pauwi," wika ni Brylle.

"OK... Ikaw? Mag-aaral ka rin?" tanong ni Clarisse, ngunit tahimik lang ang binata, "ano bang kurso mo dati?" tanong niyang muli ng biglang bumukas na ang elevator.

Kung tahimik lang ang binata kanina, nakakunot na ang noo niya ngayon, tinignan niya muna si Clarisse ng masama bago mabilis na lumabas.

"Ang sungit nito..." bulong ng dalaga.


Pagkabukas pa lang ng pinto nakita kaagad ni Brylle ang paperbag na ibinigay sa kanya ni Violeta. Nakita niya sa loob nito ang isang unit ng Nintendo Wii, ipinatong niya lang ito sa lamesa at pumasok na kaagad sa kanyang kwarto.

"Anong problema nun?" bulong muli ni Clang, dumeretso siya sa kusina at doon nalaman na alas singko na ng hapon, binuksan niya ang ref pero wala itong laman, "hindi pala kami nag-grocery... Iistorbohin ko pa ba yon? Mababawasan pera ko nito ha..." ungot ni Clarisse.
•••

Alas sais y media na nakabalik si Clarisse galing sa Supermarket, bumili ng lulutuin para sa gabing iyon at aalmusin rin kinabukasan. Papasok na ng building ang dalaga ng may mapansing lalaki na nakikipagsigawan sa kausap nito sa cellphone.

"EWAN KO SAYO DAD!" sigaw ng lalaki, binaba na niya, naglakad papalapit sa basurahan at tinapon ang cellphone.

Nanlaki ang mga mata ni Clarisse, ngunit hindi siya pinansin ng lalaki kundi nilagpasan niya lang ito't lumabas na ng gusali.

Lumapit sa latang basurahan ang dalaga at mula sa loob nito naririnig niyang tumutunog ang cellphone, gamit ang kanang kamay, binitiwan niya ang mga pinamili at ipinasok ang kamay sa loob ng basurahan. Nakuha naman niya kaagad ang CP, pinunasan niya muna ito bago i-swipe ang screen para sagutin ang tumatawag.

"Hello?! Terrence?!" sigaw ng isang matandang boses lalaki.

"Po?!" sagot ni Clarisse.

"Sino 'to?!"

"Tinapon po ng may-ari itong cellphone... Saglit lang po hahabulin ko..." tumayo na si Clarisse, binitbit muli ang mga pinamili at biglang tumakbo para habulin ang lalaki.

Pagkalabas niya nakita naman niya kaagad ang lalaking may-ari ng CP, "KUYA! Saglit!!!" pagkalingon ng binata iwinagayway ni Clarisse ang Cellphone sa ere kaya napahinto ito.

"May tumatawag sayo..." hingal na hingal sa sabi ni Clarisse ng makalapit sa binata.

Kinuha naman ni Terrence ang phone at ibinaba muli ang tumatawag, "tinapon ko na 'to ha... Dinampot mo? Kapag tumawag siya ulit sabihin mo binigay ko na sayo 'tong cellphone," sabay abot nito kay Clarisse.

"Akin na 'to?!" masayang tanong ng dalaga.

"Bago ka ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita. Unit 510 ako nakatira, katukin mo lang ako kung kailangan mo yung mga data cable," ngiti nito, "sige ha... Mauna na ako." paalam nito sa dalaga.

"510?... 511-512 ung unit namin... Magkatabi lang ba yun? Ang bait niya infairness ha... Mapagbigay siya... Kukunin ko bukas yung charger sa kanya..." nakangiti nitong sabi sa sarili habang pasakay na ng elevator.

No comments:

Post a Comment