15 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.4

Hapunan sa bahay ng mga Tan,

"Bakit ka nga pala umuwi?" tanong ni Lindsey sa kapatid.

"May deal lang ako dito sa Manila, by next week siguro babalik na ako ng Cebu, ikaw? How's school?"

Bigla namang pumasok sa usapan si Enrique, "she's taking Business Ad."

"Business Ad? Akala ko ba Fine Arts ang kukunin mo?" tanong ni Arthur.

"Yun yung gusto ni Daddy..." walang ganang sagot ni Lindsey.

"Pa?! Pati ba naman si Lindsey?!" angal ni Arthur sa ama.

Walang imik, nagpatuloy lamang sa kanyang pagkain si Mr. Tan.
................................

7:30pm

"Brix, andito na ako sa Canary Street..." wika ni Warren sa kausap sa CP.

Nagmadali namang bumaba ng kanyang kwarto si Brix, nang marating ang pinto, humarap muna ito sa salamin, tinignan ang kanyang sarili, ang kanyang suot, ang kanyang buhok. Nang siya ay lumabas, nakita niya kaagad ang minamanehong sasakyan ni Warren, "ang cool..." bulong nito sa sarili.

"Natagalan ako kasi bumili pa ako ng magnet, baka kasi wala ka..." depensa ni Warren sa sarili.

"Actually meron na sa loob, pero ok lang..." ngiti ni Brix.
................................

"So, ok ka lang sa course mo?" tanong ni Arthur sa kapatid habang nasa kwarto sila ni Lindsey.

"Actually, may balak akong mag-shift... Siguro kapag nag-out of the country si Daddy..."

"Kinontrol na nga ng Papa ang buhay ko, pati ba naman ikaw?"

"Maiba ako, hindi ako naniniwalang may deal ka dito, nag-away kayo ni ate Danica 'no?!"

Napangiti na lang si Arthur sa sinabi ng kapatid.

"How does it feel like?"

"Like?"

"Marrying someone you don't love."

"Ganito..." tawa ni Arthur, "lumalayo sa isa't-isa."

"Two years na kayo ni ate Danica... Hindi mo pa rin siya napag-aralang mahalin?"

Napahingang-malalim na lang si Arthur bago tumayo, "matulog ka na... Maaga pa pasok mo bukas..."

Tumango na lang si Lindsey, "good night."

"Good night," lumabas na ng kwarto ni Lindsey si Arthur.
................................

Mag-iisang oras nang pinagkakaabalahang paghiwa-hiwalayin nila Brix at Warren ang pinaghalo-halong items na pina-activity sa kanila ng Chem Prof nila.

Napahikab na si Warren, na naging dahilan ng mga ngiti sa labi ni Brix, "inaantok ka na?" tanong nito, "kukuha muna ako ng merienda, iwas antok."

"Sa wednesday pa naman ipapasa 'to di ba?"

"Yup..." tugon naman ni Brix bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Sampung minuto matapos maghanda ni Brix ng makakain, agad na siyang umakyat. Pagbukas pa lamang niya ng pinto, nakita niya na si Warren na nakatungo sa kanyang study table, tulog.

Lumapit si Brix kay Warren, ginawa lahat ng paraan upang walang ingay na magawa na maaring umistorbo sa pagtulog ni Warren. Nang makita na niya ang mukha nito, hindi mawaring saya ang nadarama niya.

Agad kinuha ni Brix ang kaniyang CP at itinutok ang camera nito sa maamong mukha ni Warren.

No comments:

Post a Comment