20 June, 2012

next to you • 5




Chapter 5

"Si Kris ma?" tanong ni Natalie sa kanyang nanay na kasalukuyang nanonood lang ng TV.

"Aba... Pumasok na... Kumain ka na, nagluto na ng agahan ang kapatid mo bago umalis..." sagot naman ni Nelia habang nakataas pa ang paa sa lamesita.

"Wala pang allowance yun ha..." Kauuwi lang ni Natalie galing trabaho, bilang nakatatandang kapatid kay Kristofer pilit niyang sinusuportahan ito, hindi na siya nagkolehiyo at maagang nagtrabaho pagkatapos nito ng High School.

"May pera naman yun na nakatago, kahit ako nga hindi ko makita eh. May pera ka na ata eh, wala na tayong bigas..." sahod nito sa sweldo ng anak.

16 June, 2012

next to you • 4



Chapter 4

Awkward, ngayon lang nagkaroon muli ng kasabay kumain ang magkapatid sa pagkakataong ito, hindi pa nila kakilala. Magkatabing nakaupo sila Cholo at Yanie habang nasa harap naman nila ang estranghero.

Patuloy pa rin ang nadaramang hindi maganda si No. 37, may kakaibang nangyayari sa loob niya na hindi niya mawari, pero kahit kaunti, nabawasan ito simula nang maamoy niya ang kung anong nakapatong sa mesa.

“Kain ka na...” paanyaya ni Cholo sa binata.

Inangat na ni No. 37 ang kamay at tila sinasapo ang hangin at dinadala ito sa kanyang mukha para tuluyang maamoy ang mga bagay sa mesa, nilalanghap ang bawat amoy na pumapawi sa sensasyong nadarama. Saglit ay tumigil siya nang mapansin niyang pinapanood siya ng dalawang nasa harap.

Bumulong si Julianne sa kapatid, “anong ginagawa niya?”

“Inaamoy niya yung pagkain...” sagot naman nito.

14 June, 2012

next to you • 3




Chapter 3

Basang-basa na ng likidong nahuhulog mula sa itaas si No. 37 pero patuloy pa rin ito sa pagsunod sa Aphrodite. Wala nang sinasabi ang tracker, 'malamang ay sinira ito ng likido,' bulong nito sa sarili.

Isang liko na lamang ay mararating na ni Julianne ang kanilang bahay, binalak niya sanang isumbong ito sa mga gwardya ng subdivision kung may tao sa guardhouse, pero kahit ilaw wala siyang natanaw rito, kaya binilisan niya pa ang pagsuong sa ulan lalo't hindi na niya nagawang damputin pa kanina ang kaniyang payong..

Pagkarating na pagkarating ni Yanie sa tapat ng bahay nila ay agad itong pumasok ng gate at ni-lock ito, pumasok ng pinto at dalawang beses din itong kinandado. Agad siyang sumilip sa bintana, tinatanaw ang gate kung nakasunod pa rin sa kanya ang lalaki, "wala na siya..."

13 June, 2012

next to you • 2




Chapter 2

"Here's your Special Hot Choco Non-Fat Cream plus Coffee Mix Punch," pag-serve ni Kristoff sa kanyang unang customer ngayong gabi.

"Huh? Kaka-start lang ng rainy season hot beverage na kaagad ang ibinibigay mo sa akin?" ngingiti-ngiting sabi ni Joyce.

Pabirong binawi ni Kris ang tasa at, "eh di akin na lang 'to..."

"Kaltas yan sa sahod mo..." biglang sagot ng dalaga tapos sabay na silang nagtawanan.

08 June, 2012

next to you • 1



Chapter 1

Gusgusing bata... Hala sige, iduldol mo pa sa mukha mo yang ice cream... Ice cream sa kamay, sa pisngi, sa ilong, sa baba, grabe... Ngayon ka lang ba nakakain ng ganyan? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, baka pwedeng umayos ka naman?’ napangiti na lamang si Julianne habang pinapanood ang kasama na abalang kumakain ng ice cream, saglit ay biglang huminto ang binata, inalis na ang apa sa kanyang mga labi.

Tahimik lang na nakikipagtitigan ang binata sa kasa-kasamang dalaga, hawak pa rin ang cone na kanina lang ay punong-puno ng malamig at masarap na bagay na tinatawag nilang ‘ice cream.’

Nag-aalala si Julianne sa biglang inaasal ng binata, masayang masaya ito kanina nang kainin niya ang ice cream ng ibang tao, mas lalo na nang ibili na siya nito ng sariling makakaing sorbetes.

 Seryoso siyang nakatingin kay Julianne nang sa wakas ay magsalita na siya, “Yanie...” tawag nito sa dalaga nang alisin na niya ang titig nito at ibinaling sa apa na kanyang hawak, “ubos na...” malungkot nitong sabi.

‘Seriously? Ano ka isip-bata?’ bulong nito sa kanyang sarili, “nakakain rin ‘yang hawak mong apa...”

Gumuhit muli ang inosenteng ngiti sa labi ng binata, “talaga?!”

07 June, 2012

next to you • cover


Unang araw ng tag-ulan nang unang beses na makita ni Julianne ang binata at pagkatapos noon hindi na siya nilubayan ng lalaking ito. Walang pamilya, walang kakilala at walang matitirhan, tila bigla na lang sumulpot ang binata sa kasalukuyan. Walang ibang sinasabi kundi ka-weirdo-han, tanging si Cholo, nakababatang kapatid ni Julianne, ang umiintindi rito. Hindi hanggang mapatunayan ng binata ang kanyang mga sinasabi at totoo na ang pangalan niya ay No. 37...

30 May, 2012

u2me2!♡ • 25 (Finale)


Chapter 25 

Kung paanong nanginig ang tuhod ni Clang nung una niyang makita ang binata, doble pa ang nadarama niya ngayon. Ang anghel na nasa kanyang harapan, maamong mga mata, matangos na ilong, magandang labi, makinis na mukha, maayos na buhok at ngiting nakatutunaw, parehas nang una niya itong makaharap.

"Clarisse..." banggit ni Bry habang patuloy pa ring nakatitig sa dalaga.

Halos hindi na makahinga ang dalaga sa kabang nadarama.

Inilabas na ni Brylle ang regalong binili sa set noong isang araw, nakakubli ito sa isang asul na kahon na mas maliit pa sa palad ng binata.

'Hindi pa yata ako ready...' isip ng dalaga sa mga nangyayari

Binuksan na ni Brylle ang box at doon nakita ni Clarisse ang isang singsing, hindi ito kulay ginto, pero alam niyang hindi ito silver. bilugan ang singsing, wala itong disenyo bukod sa maliit na bato na sa tingin niya ay diamante sa gitna ng singsing.

"Hindi pa ako handang pakasalan ka... 17 pa lang ako..." biglang nasabi ni Clang.

u2me2!♡ • 24


Chapter 24 

Naglalakad na patungo sa elevator ang binata nang saktong bumukas ito at lumabas ang pattisier na kanina lang ay kausap niya, personal nitong dinala ang dessert na pinili ni Brylle nang salubungin siya nito. Agad na tinanggal ni Brylle ang half sphere na metal na kumukubli sa sorpresa na para sa dalagang kanina lang ay kanyang kaharap, ditto tumambad sa kanya ang putting ice cream na nakapatong sa isang square na brownie na lubos na pinaganda ng chocolate syrup nan aka-zigzag sa buong masterpiece, kita mula rito ang isang makintab na bagay na ang kalahati ay nakabaon sa puting sorbetes, agad na kinuha, iniwan ang kaharap matapos magpatong ng ilang pirasong dolyar, at sumakay sa elevator.

24 May, 2012

u2me2!♡ • 23


Chapter 23 

"Hay!" sigaw ni Brylle pagkapasok pa lang nila ni Clarisse sa hotel room nila, "PAHINGA!" sigaw pa nito at dumiretso sa kanyang kama. Silang dalawa lang ni Clang ang umuwi sa hotel nila't iniwan si Efren sa Wellington kasama ang buong production.

"Kakain ka pa ba?" tanong ni Clarisse sa binata habang nakasilip lang mula sa pinto nito.

"Syempre... Ikaw? Hindi ka ba kumakain?!" sagot naman ng binata.

'Bwisit... Mabuti pa nung wala siya eh...' bulong ng dalaga sa kanyang sarili, "lalabas pa tayo?"

Napatayo si Bry mula sa kanyang pagkakahiga, "hindi ka ba nagugutom?"

"Nagugutom... Kaso pagod na ako para lumabas eh..." umalis na siya sa pinto ng kwarto ni Bry.

Lumabas na ng kwarto ang binata at nakita na nakahiga na si Clang sa sofa, "mag-order na lang tayo..."

19 February, 2012

u2me2!♡ • 22

Chapter 22 

"SIRAULO KA!" sigaw ni Brylle. Mabilis siyang napatakbo pagkabukas pa lang niya ng kahon na bigla niya ring naibato kasama ang laman nito, "ilayo mo sa akin yan!"

Dinampot naman ni Clarisse ang kanyang sorpresa para sa binata, "baliw ka! Ikaw na nga nireregaluhan eh!" sagot naman nito habang hinahabol si Brylle.

"Siraulo ka ha! Lumayo ka sa akin!" sigaw pa ng binata, habang pinapanood lang sila ng mga tao sa buong set na pinagtatawanan sila.

"Friendly naman siya eh..." pang-uuto ng dalaga, "kita mo hindi nga siya gumagalaw..." hawak nito ang regalo sa kanyang palad.

"Tigilan mo ako ha!" sagot pa ni Brylle, "huy! Tama na! Ayoko sa IPIS!"

14 February, 2012

u2me2!♡ • 21

Chapter 21

"I just want to confirm if our reservation is still available?" tanong ni Brylle sa kausap sa CP at ibigay ang Reservation Number ng hawak niyang ticket.

"Yes Sir, ticket for two, the yacht will be at Battery Park by 4 in the afternoon, New York time. Is there anything I can help you?"

"No, I'm just checking the availability of our tickets, thank you," pinatay na niya ang kanyang CP. Hawak-hawak ang regalong binili kanina, 'ano na bang nangyayari sa akin? May gusto na ba ako sa kanya? Brylle! Hay...'

Sa likod lang ni Bry, kanina pang nakatayo si Sophie.

13 February, 2012

u2me2!♡ • 20

Chapter 20

Papasok na si Clarisse sa kanyang course nang kausapin pa siya ni Terre, "hihintayin na kita ha, ako na maghahatid sayo pabalik ng hotel niyo."

Agad namang napalingon si Clang nang marinig niya ang binata, "ahm... Kasi, ipapasundo daw ako ni Bry kay Efren eh..."

"Efren... Sinong Efren?" pagtataka ni Terrence.

"Ah... P.A. siya ni Brylle, siya yung kasama ko nung tumawag ka sa akin kahapon," sagot naman nito, "thank you, pero pasensya na ha..."

Ngumiti si Terre kahit hindi naman niya gusto, "hindi, OK lang..."

"Papasok na ako... Bye..." paalam ni Clarisse. Tumalikod na siya at nakailang hakbang na nang magsalitang muli si Terrence, pero sa pagkakataong ito, hindi na malaman ng dalaga kung lilingunin pa ba niya ang binata o hindi na.

"Clarisse... I like you... I, actually, I love you."

12 February, 2012

u2me2!♡ • 19

Chapter 19 

Hindi malaman ni Efren kung anong sasabihin sa kaharap niyang bossing ngayon, "Sir..." ungot nito.

"Magsasalita ka na ba o gusto mong kalimutan ko na lang ang mahigit isang taon nating pagkakakilanlan?" seryosong tanong ni Brylle.

Tahimik pa rin si Efren.

"Isumbong kaya kita kay Ma'am Alma, marami pa man din akong alam na kalokohan mo..."

"Si Ma'am Alma!" pasigaw na sagot ni Efren.

Agad na nagtaka ang binata, "Si Ma'am Alma? Anong 'Si Ma'am Alma?'" dagdag pang tanong ni Bry.

u2me2!♡ • 18

Chapter 18 

"Hoy Efren! Asan si Clang?!" pasigaw nang tanong ni Bry kay Efren, ilang beses nang nakaligtas si Efren sa tanong na ito ng alaga salamat sa take nito ng ilang eksena.

"Kasi..." hindi na malamang pagtugon ni Efren, nang bigla na lang niyang inilabas mula sa kanyang bulsa ang gamot na pinabili sa kanya ni Clarisse, "ayun, sabi nga pala niya inumin mo daw ito. Para yan sa ubo at sinat mo," pilit na pag-iiba ni Efren sa kanina pang tinatanong ni Bry.

Tinanggap naman ni Brylle ang gamot na ipinaaabot ni Clarisse at saglit na nanahimik. Hawak-hawak ang mga ito at napa-ngiti na tila isang batang pinagkalooban ng kendi.

u2me2!♡ • 17


Chapter 17

“Ilayo mo yang babaeng yan d'yan!” sigaw ng handler ni Brylle na si Alma kay Efren nang ibalita niya dito ang pinagku-kwentuhang naganap sa van kani-kanina lang.
•••

Sa opisina ni Philip,

“I’m going to New York for a vacation,” bungad ni Violeta sa kanyang asawa pagkabukas pa lang nito ng pinto.

Nakaupo lang si Philip, “hindi ba pwedeng sa bahay na natin pag-usapan yan? Mamaya?”