Nakauwi si Warren na panaginip niya lamang ang kanyang iniisip.
"Kuya... Andaming baril sa attic..." salubong sa kanya ni Andrei.
Walang pakealam si Warren, umakyat siya sa isang kwarto na tila kabisadong-kabisado ang buong bahay.
................................
Kinabukasan, Richmond Auditorium, 2:00pm.
"Hindi ko kayang mawala ka..." bigkas ni Warren sa harap ni Lindsey.
"I don't think this is a good script," reklamo ni Lindsey.
"Should I call the Guidance?" pananakot naman ni Mrs. Sarmiento.
Napairap na lang si Lindsey.
"From the top!" sigaw ni Mrs. Sarmiento.
................................
4:00pm matapos ang Rehearsal,
"Nag-merienda ka na? Tara kain tayo," yaya ni Brix kay Warren.
"Sige, dito na rin natin tapusin yung Chemistry..."
................................
"Excuse me," kalabit ng isang lalaki kay Andrei.
"Yes?" lingon naman ni Andrei, pero natigilan na lang siya ng makita ang lalaki.
"Alam mo ba kung saan yung Office ni Mr. Serranno?"
Nakatitig lang si Andrei, matagal.
"Excuse me?!" tanong muli ng binata.
"Ha?"
"Mali ata ako ng tinanungan, freshmen ka ba?"
Tumango lang si Andrei.
"Ako pala si Lee," pagpapakilala nito.
"Ako pala si Lee..."
"Magkapangalan tayo?"
"Ha? Ata..."
Nakita ni Lee ang nakakwintas na ID ni Andrei, agad niya itong binasa, "Andrei..."
"Oo... Ako si Andrei... Ikaw?"
"Lee," at nag-alok na siya ng shake hands.
Agad namang sinunggaban ni Andrei ang mga kamay ni Lee, "Lee..."
................................
"Kahapon pala, wala kang kasama sa bahay?" tanong ni Warren.
"Ah... Nasa Canada parents ko... Ako lang mag-isa sa bahay..."
"Hmmm... Wala kang kapatid?"
"Nasa Canada na din si Ate, nurse siya doon..."
"Ikaw na lang andito mag-isa?"
"Four years na..." ngiti ni Brix na nagkukubli sa kalungkutan niya, "ikaw? Sino yung parati mong kasama kumain?"
"Si Andrei, kapatid ko," nakikita ni Warren ang kalungkutan sa mga mata ni Brix, "malungkot?"
Ngumiti muna si Brix bago sumagot, "malungkot... Sanay na..."
"Hindi pa."
Napatingin si Brix kay Warren.
"Wala na akong mga magulang, pero may kapatid ako," napahingang-malalim si Warren, "pero malungkot pa rin, hindi ko lang pwede ipakita dahil sa akin nakasandal si Andrei. Pero ikaw, wala kang kasama."
"Tumatawag naman sila..." tawa ni Brix.
Nginitian na lang ni Warren si Brix.
................................
"Seniors kita?" tanong ni Andrei kay Lee.
"Oo kaya kung may tanong ka sa subjects natin next year, kasi 1st ka pa lang eh, lapit ka lang sa akin. Salamat sa pagsama mo sa akin ha..."
"Sige... Baka hinahanap na din ako ng kuya ko..."
No comments:
Post a Comment