19 June, 2011

u2me! • 1

Chapter 1

"Guys, KFC tayo..." imbita ni Brylle sa isang kaibigan.

Nabigla ito at agad nagtanong, "Birthday mo?!" Sumagot man si Brylle ng 'hindi,' dumating na ang iba pa nitong kaibigan at agad siyang pinagtulakan, masayang malaman na manlilibre ang kaibigan.

Nakaupo na sila sa loob ng KFC nang binati na si Brylle ng mga kaibigan, "HAPPY BIRTHDAY!!!"

"Hindi ko nga birthday..." sagot ni Brylle.

"PARA SA HINDI BIRTHDAY!!!"

•••

"AKIN SIYA!" biglang sigaw ni Clarisse matapos mapanood ang TVC sa kanilang karinderya.

Agad namang hinila ni Nene ang buhok ng pinsan, "kilala mo? Kilala mo?"

Gumanti naman ito ng batok, "hindi, hindi. Paulet-ulet? Paulet-ulet? Unli? Unli?"

"Cute lang, pero flat..." opinyon naman ni Froila.

"Ang choosy mo 'te!" sabat naman ni Clarisse.

"Ako na maganda!" sigaw ni Froila.
•••

Sa lobby ng kumpanyang pagmamay-ari ng mga Sy,

"Mr. Phillip Sy? I'm Brylle Lopez," pakilala ni Brylle sa attendant.

"OK Sir, please follow me..." sagot naman nito.
•••

"Clang!" tawag ni Froila sa pinsang si Clarisse, "Good news!"

"Bakit? Kilala mo na si KFC Birthday boy?"

"Loka-lokang 'to! Type mo talaga?" singit ni Nene ngunit inirapan lang siya ni Clang.

"Nagustuhan ni Manang Boy yung mga designs mo! Bibilhin daw niya! And take note... Inaalok ka niyang magtrabaho sa kanya!" di mapigilang kasiyahan ni Froila para kay Clarisse.

"Ay... Wit ko type mag-work sa kanya... bilhin na lang niya yung mga gawa ko..." sagot nito habang nangangarap, "Magtatayo ako ng sarili kong boutique..."

Nagtinginan na lang ang magpinsan.

"Clang, puntahan mo muna si Ateng sa palengke, sabihin mo hindi muna tayo kukuha ng gulay bukas," utos ng Tiyahin ni Clarisse.

"Sama akey..." prisinta ni Froila.

"Wag na..." pigil ni Tita Rose.
•••

“Sir Philip? Mr. Brylle Lopez is here…” sabi ng Secretary nito.

“OK, papasukin mo,” sagot naman nito. Pumasok naman kaagad si Brylle, “Iho… it’s good to see you again…” bakas na bakas na sa boses ni Philip Sy ang katandaan sa edad nitong 63.

Lumapit na si Brylle sa kanyang Ninong para magmano, “Makakatanggi po ba ako kung gusto niyo akong makita? Eh alam ko naman pong favorite pamangkin ako?” tawa ni Brylle.

“How’s your Dad?” tanong ni Philip ngunit tumahimik lang si Brylle, “hindi ka pa rin umuuwi? Magda-dalawang taon nang…”

“Ninong…” pagputol ni Brylle sa sinasabi ng kanyang Ninong Philip.

“OK… Let’s change the atmosphere… Meron sana akong hihilingin sayo?”

“Anything Ninong…”

“I have a daughter…”

“Si Mariel po?”

“No… Another…” sagot pang muli ni Philip na muli namang nagpatahimik kay Brylle, “may isa pa akong anak na babae, Illegitimate one…”

“Are you sure about this Ninong?” tanong ni Brylle sa Tiyuhin.

“Yes,” sagot naman ni Philip.

“Alam na po ba ni Tita Violeta ‘to?”

Umiling lang si Philip, "hindi ka pa umuuwi sa inyo? Saan ka tumutuloy?"

Nagtaka si Brylle sa pag-iba ng kanyang Ninong sa kanilang usapan, "Friends..."

"For 2 years?" tanong ni Philip, "expenses?"

"Luckily my cards still active... And... TV Commercial recently..."

"Yes, I've heard nakita ka raw ni Mariel sa TV..." sagot naman ni Philip, "I'll give you a condo..."

"Po?"

"I'll give you a condo unit, here in Makati, 2 bedroom..."

"Po?!" tuloy pa rin ang pagtataka ni Brylle.

"I cannot introduce my daughter to the public now, I want you to take care of her."

Lubos pang humaba ang usapan nila Brylle, at naintindihan nito ang dahilan ng kanyang Ninong. Lumabas na sila ng opisina at agad silang sinundan ng mga assistant/guards ni Philip, ngunit pinigilan na niya ang mga ito nang makalabas na sila ng building. Si Brylle na rin ang magmamaneho ng sasakyan ni Philip.

No comments:

Post a Comment