Chapter 15
Nakadalawang ulit nang ginawa ni Brylle ang CPR, kahit hindi tama ang kanilang posisyon, sa ikatlong beses sinubukan niyang muli at sa wakas naramdaman na ng binata ang mainit na hininga ni Clarisse kasabay ang pag-ubo nito.
Agad namang naiahon ang dalawa mula sa pagkalamig-lamig na tubig, salamat sa isang crew na nakasaksi rin sa pagkahulog ni Clarisse.
•••
Maagang umalis sa pinagtatrabahuhang ospital si Fernando.
"Good morning Sir," bati ng guard sa tatay ni Brylle, "napapadalas po ang dalaw natin ha..."
"May isusumbong lang ako," biro naman ni Fernando.
Matapos ang maigsing pag-uusap inabante na nito ang sasakyan papasok ng Private Cemetery at agad namang tinungo ang kanilang Musileyo bitbit ang isang bouquet ng bulaklak.
Umupo siya sa lapag pagkatapos iaalay ang mga bulaklak sa asawa at magtirik ng isang kandila, "hay..." napahingang-malami muna siya bago tuluyang makapagsalita, "yung anak mo, hindi natin alam nasa America na pala... Kung saan-saan na nakakarating yung unco hijo mo, nung nakaraan sabi sa akin ni Mariel kasama nila sa Palawan, baka isang araw hindi na mag-doktor ang anak natin... Baka mag-artista na lang yon..." usap ni Fernando sa nakahimlay nang kapareha.
•••
"OK ka na?" tanong ni Terre kay Clang na nanatiling tahimik habang nanginginig pa sa lamig.
Lumabas na rin ng banyo si Brylle, suot-suot ang bathrobe habang ang kaniyang damit ay nasa laundry sa loob ng sinasakyang yate, umupo siya sa tabi ni Clarisse at yinapos ang giniginaw na dalaga.
"Teka, lalakasan ko yung heater..." pagkukusa ni Terrence, "ano bang nangyari?" sabay harap muli sa dalawa.
Pasagot na si Brylle nang mabigla siya sa pag-akap sa kanya ni Clarisse. Nagtama na lang ang mata nila ni Terrence sabay tugon na lang ni Bry sa pagkakaakap sa kanya.
•••
Nanatili pa rin sa Musileyo ang ama ni Brylle.
"Tulungan mo naman ako, hindi naman nakikinig sa akin yung anak mo eh..." reklamo ni Fernando sabay hingang-malalim, "Mama's boy yun eh... Makikinig yun sayo..." matawa-tawa ito sa sinabi, "sinusukuan ko na..." Nagbalik ang ilang alaala ni Fernando sa nasira nilang pamilya,
"Pa, nakapasa ang anak mo sa La Salle! May pangalawang doktor na sa pamilya..." pagbibida ni Theresa kay Fernando.
Ngunit hindi maganda ang timpla ng araw ng padre de pamilya, "La Salle... Eh yung sa UP?!" sabay akyat na sa kanilang kwarto.
Wala nang nagawa si Brylle kundi lumabas na lang ng bahay at ibalibag ang pinto na agad namang narinig ni Fernando.
Tumayo na si Fernando at inayos ang pagkakapatong ng bulaklak na inalay sa puntod ni Theresa, "I miss you... I miss your son, our son... I'm sorry."
•••
Nakababa na sila Bry, Clang at Terre mula sa taxi na naghatid sa kanila pabalik ng hotel,
"You'll be ok?" tanong ni Terrence kay Clarisse bago ito umalis, sinagot naman siya ng dalaga ng pagtango, "dadaanan kita bukas..."
"Wag na... Isasama ko na lang siya bukas," biglang sagot ni Brylle, napatingin na lang sa kanya si Clarisse.
"Ok then, mauna na ako," paalam ni Terrence bago umalis.
Nang tuluyang mawala si Terre, "isasama mo ako bukas?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"Sinabi ko bang ayaw ko...?" sabay pagpasok ni Clarisse sa hotel.
Natawa na lang si Bry sa kinilos ng dalaga, "ayos yun ha... Parang walang nangyari ha..."
No comments:
Post a Comment