13 May, 2011

A Love to Kill Ep-02.2

Monday, 9:00am, Guidance Office

“Theatre arts?!” tanong ni Warren.

“That is your punishment, both of you,” sagot ng Guidance Councillor na si Ms. Irish Medina.

“But, this is all his fault,” depensa naman ni Lindsey.

“Ikaw ang sumampal, ako pa ang may kasalanan?!” sigaw naman ni Warren.

“Kitang-kita ko naman na… Hindi kayo magkasundo… I guess a week on Theatre Arts would loosen the tension between you two… Sa ngayon, wala pa akong ire-record sa inyo, pero kapag naulit ito, I may call your parents…”

Napa-hingang-malalim na lang si Lindsey at nagpaalam ng umalis, agad naman siyang lumabas ng silid.

Napasandal muna ng upuan si Warren bago tuluyang tumayo, palabas na siya ng pinto ng…

“UNO.”
................................

“Ano girl? Easy ka lang… Chillax…” wika ni Allysa sa pinsan.

“One week ang parusa ko!”

“Arte… Bagay na bagay yan sa punishments niyo… Baka maging Regular ka pa…”
................................

Papunta na si Warren sa kanyang unang klase sa pangalawang linggo ng 1st term.

“And you are?” tanong ng Chemistry Prof.

“Ma’am, Warren Javier,”

“Late enrolee?”

“No, Ma’am…”

“Magaling… Dalawang meeting kang absent?!” agad kinuha nito ang classcard kay Warren, “Villena? Wala ka pang ka-buddy sa experiments di ba? Si Javier na ang partner mo.”

Nang napatingin si Brix Villena kay Warren, hindi na ito naalis hanggang makaupo si Warren sa tabi nito.

“Warren,” pakilala nito na may naka-angklang pakikipagkamay sa ka-partner.

Tumugon naman si Brix kay Warren at pinakilala rin ang sarili.
................................

“Welcome!” sigaw ng mga kalalakihan sa Fine Arts Department, ito ang pambungad nila kay Andrei.

“Chicks…” pang-aasar pa ng iba.

‘Bidang-bida ako rito ha…’ bulong ni Andrei sa sarili habang tuluyang nagmamaganda.
................................

“Magshi-shift tayo ng Swimming for PE…” sabi ni Allysa kay Lindsey.

“Swimming? Eh hindi nga ako marunong lumangoy…”

“Ay… Utak ‘te? Swimming lesson yon… saka makakasama natin si papa Warren mo…”

“Si Warren?! Iniisip ko pa nga lang na makakasama ko siya sa Theatro hindi ko na alam kung anog gagawin ko eh…”

“Kung ayaw mo… Eh di akin na lang…” ngingiti-ngiting sabi ni Allysa, “Saka hindi mo na mapapaltan yon. Nag-cut na ng shifting nitong lunch.”

“Ha?!”
................................

Nasa loob ng klase si Warren, pero wala rito ang isip niya, ‘Si Iris… Ang Guidance? Alam ng Supremo na andito kami? Ano pa nga bang imposible para sa kanya? At palabas lang ni Supremo ang nangyari kagabi? Para takutin kami? Bakit, kung magtratrabaho naan ako para kay Iris. At si Iris, paanong naging konektado siya kay Supremo kung magkaibang-magkaiba ang linya ng trabaho nila? Pumapatay si Supremo, si Iris naman ang nagbabantay at nag-iingat. Ano ‘to? Ano bang nangyayari?’

“Warren,” kinalabit ni Brix ang katabi, “saan pala tayo gagawa ng Separation ng ibibigay ni Ma’am?”

Napatingin naman agad si Warren, “ha?”

Napangiti naman si Brix, “sabi ko kung saan natin ise=separate yung item na is-assign sa atin?”

“Kunin ko na lang number mo, may Theatre Arts pa kasi ako after nito eh.”

“Theatre Arts ang pinataw sa inyo dahil sa nangyari nung Acquaintance?’

“Andoon ka ba?”

“Oo… Kitang-kita ko nga yung pagkakasampal sayo eh,” nakangiti nitong sabi.

No comments:

Post a Comment