28 July, 2011

u2me2! • 7

Chapter 7

"Ha?!" pasigaw na tanong ni Brylle.

> yan ka na naman, nagbibingi-bingihan ka na naman, dito ako matutulog...

< bakit?!

> wala naman akong klase bukas eh, saka iiikot ako ni Terre...

< bakit hindi ka nagsasabi?!

> o, nasabi ko na... Sige na ha... Nagluluto kasi kami eh... Babu! *sabay baba nito ng CP*

"Nagluluto? Hanggang dito ba naman nagluluto pa rin siya?" tanong ni Brylle sa sarili, "tapos doon pa siya matutulog?!"

•••

"Sino 'yon Clarisse?" marahang tanong ni Sandra.

"Ah, kasama ko lang po sa tinutuluyan ko sa Pinas."

"Kasama? I thought you're single..."

"Oo nga po..." sagot naman ng dalaga.

"Pinsan niya yun Ma," sabat naman ni Terrence na kanina pa pala nakikinig, "di ba nga malaki yung unit nila..."

"Ah..." tugon naman ni Sandra na nagpaluwag naman ng paghinga ni Terrence.

Matapos magluto at magtsismisan, inihain na ni Mommy Sandra at Clarisse ang kanilang mga niluto sa hapag,

"Mukhang masarap ha..." sambit ni Daddy Raul.

"Ay nako Dad, kapag natikman mo ang luto ni Clarisse mapapauwi ka ng Pilipinas makasama lang siya parate," pagmamalaki naman ni Terrence

"Ay, hindi na lang ako kakain, baka hanap-hanapin ko nga yan," biro naman ni Raul na ikinatuwa ng lahat.

Pasandok na si Clang ng ulam ng pigilan siya ni Terre, binanggit nito ng walang lumalabas na boses na, 'magdadasal muna...' sabay ngiti.

"So, let's give Clarisse the honor to lead our prayer," sabi naman ni Sandra.

"Po?" gulat na tanong ni Clarisse.

"Ma, ako na lang," presenta ni Terrence.

Umepal na naman ang dalaga, "sige po, ako na lang," sabay titig sa kanya ni Terre. Nagpatuloy na ang dalaga at pumikit, "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen," nag-pause muna siya saglit, "Angel of God, my guardian dear, to whom God's love commits me here, ever this day, be at my side, to light and guard, rule and guide. Amen." Pagkadilat niyang muli nakatitig na lang sa kanya si Mommy Sandra at Daddy Raul.

Si Terrence na ang bumasag sa katahimikan, "let's eat."
•••

Nagsusukat na ng tux si Brylle,

"Bagay po pala sa inyo ang naka-formal," opinion ni Efren sa alaga, "antangkad niyo pa, kung akong bansot ang magsusuot niyan baka pagtawanan niyo lang ako."

Naalala ni Brylle si Clarisse nang marinig ang 'bansot.' Napangiti na naman siya nang maalala naman ang pagkakaupo nila noon sa MOA.

"Naks, ang gwapo ng bossing ko..." sambit ni Efren.

Bumaba na sa platform si Brylle para hubarin na ang tuxedo, "maka-bossing ka d'yan, hanggang ngayon lang 'to."

"Doon din naman kayo patungo, pagkatapos nito malamang stardom na ang sasalubong sayo, wala kayang laos na artistang hina-handle ni Ma'am Alma."
•••

Hinatid na ni Terrence si Clarisse sa Guest room na pagtutulugan ng dalaga, "long day?" tanong ng binata, "pahinga ka na..."

"Salamat..."

"Sige ha, maiwan na kita d'yan..." paalam nito bago tuluyang umalis.

Ilalapag na sana ni Clarisse ang kanyang CP sa kama nang makitang may mensahe siyang natanggap. Binuksan niya ito at nakita ang kanyang larawan, may message pa ito, "tulo laway, eeewww..."

"Siraulo..." bulong nito sa sarili bago i-dial ang numero ng binata, "hoy!"

Bagong gising lang si Brylle, "oh?"

"Ay, tulog ka ba?" marahan na nitong tanong.

"Hindi, bakit ka napatawag?"

Matagal bago nakasagot si Clang, "I love you," biglang nasabi nito, nang magising sa katotohanan sa kalokohang nagawa bigla naman niyang binaba ang CP.

Nagulat si Brylle sa narinig, "ano?! Hello?! Hello?!" ibinaba na rin niya, "bangag ba yun?"

Habang si Clarisse, parang nasapiang nagwawala sa kama, "anong sinabi ko?!" pigil nitong sigaw habang nakatakip ang isang unan sa kanyang mukha.

No comments:

Post a Comment