08 August, 2011

u2me2! • 11

Chapter 11

"Ginu-good time mo ba ako?" tanong ni Clang nang marinig ang sinabi ng binata.

"Ha...? Good time?!" biglang sabi ni Brylle, umalis na ito sa pagkakaakap pero hawak pa rin sa braso ang dalaga, "tama! Good time 'to..." dagdag pa nito, "haha... Ha... haha..." tawa pa niya nang wala sa tono.

"Ang weird mo..." sabi naman ng dalaga at inalis na ang kamay ng binata sa kanyang braso, "hindi na nakakabwisit yung mga pang-aasar mo..." sabay tuloy na nito sa paglalakad

'Good time... Siraulo ka! Anong mga pinaggagagawa mo?! Inlove ka na ba sa basurerang yan?!' sabi ni Bry sa sarili habang pinapanood ang dalagang naglalakad, "hoy! Sandali!"


Pagkabalik nila sa hotel, sa CR dumiretso si Brylle habang si Clang humiga na sa malaking kama sa loob ng kwarto.

Matapos magbanyo pumasok na rin ng kwarto ang binata, "saan ako patutulugin nito?"

Ala una na ng madaling araw, puyat na puyat, pagod na pagod, kulang na kulang sa tulog, hindi malaman ni Brylle kung paano pagkakasyahin ang katawan sa sofa, "palibhasa bansot siya, may disadvantage din pala ang matangkad..." usap nito sa sarili. Bumaba na siya sa carpet at doon na lang humiga. Makailang sandali lang bumangon na lang ang binata.
•••

"Papatayin kitang anak sa labas ka!" sigaw ni Violeta habang sinasakal si Clarisse. Nahihirapan nang huminga ang dalaga kaya pilit nitong inaalis ang kamay ng matandang bruha, pero lubos siyang nanghihina kaya't unti-unti siyang parang kandilang nauupos at nauubusan ng hininga.

Nagising na si Clang sa kadiliman ng kwarto, hindi niya maalalang pinatay niya ang ilaw bago siya natulog.

Nahihirapan pa rin siyang huminga at hindi niya malaman kung bakit, hindi niya maikilos ang katawan na parang may pabigat na pumipigil rito. Gamit ang kaliwang kamay pilit niyang kinakapa ang lampshade na dapat ay nasa tabi lang ng kanyang kama, ilang sandali lang napailaw na niya ito at doon niya lang naaninag ang dahilan kung bakit hirap siyang huminga, braso, at tili na lang mula sa dalaga ang sumunod na nangyari.

"Hui!" tanging reaksyon ni Brylle sa biglang pagsigaw ni Clarisse, agad siyang napabangon sa kama't inalis ang kanyang hita na nakadantay sa dalaga kaya pala hirap itong kumilos.

Tumayo kaagad si Clang at binuksan ang ilaw na halos ikabulag naman ng binata, "anong ginagawa mo dito?!" pasigaw nitong tanong.

"Ha? Ako? Nakahiga, natutulog..." sagot naman ni Bry.

"Siraulo ka! Anong ginawa mo?! Umamin ka!"

"Ginawa?" pagtataka naman ng binata.

"Aminin mo!" dagdag pa ni Clang, "binaboy mo ang pagkatao ko..." hihikbi-hikbing sabi ng dalaga.

Nagising na ang kanina'y natutulog pang diwa ni Brylle, "Itsura nito... Feeling ka masyado... Wit kita tipis-tipis..." biglang sambit nito sabay higa at bumalik na sa pagkakatulog.

"Ano daw?" sabi ni Clarisse sa sarili, "bakit patay ang ilaw?!"

"Hindi ako natutulog ng bukas ang ilaw," sagot naman ng binata, "pakipatay na nga!" sigaw nito pagkatapos ay nagtakip na ng unan sa kanyang mukha.

Hindi maisip ni Clarisse kung babalik pa siya sa pagkakahiga o lalabas na lang muli at sa sofa na lang itutuloy ang kanyang tulog, "hay... May pagkamanyak talaga 'tong impakto na 'to eh..." sabi pa nito bago tuluyang lumabas na lang ng kwarto.
•••

"Papatayin kitang impakto ka!" sigaw ni Clarisse habang sinasakal si Brylle, pero lubos na
Mas malakas ang binata kung ikukumpara sa pwersa na tinataglay ng dalaga kaya't agad niya itong natabig.

Nagising na si Brylle, bukas pa rin ang ilaw sa lampshade sa kanyang kaliwa na kanina'y binuksan ni Clang. Ibinaling niya ang tingin sa kanyang kanan at doon nakita ang dalaga, nagkapalit na sila ng pwesto.

Pero hindi pala iyon ang gugulat sa binata kundi ang braso ni Clarisse na biglang babagsak sa kanyang leeg. Bahagyang napaubo na lang si Bry habang inaalis ang mapanakit na braso ng dalaga, pagkatapos nito tinalikuran na niya ang katabi at bumalik na sa kanyang pagkakatulog.

Ilang sandali lang, ang mapanakit na braso ay unti-unting umakap sa taong sinaktan nito.

No comments:

Post a Comment