12 February, 2012

u2me2!♡ • 19

Chapter 19 

Hindi malaman ni Efren kung anong sasabihin sa kaharap niyang bossing ngayon, "Sir..." ungot nito.

"Magsasalita ka na ba o gusto mong kalimutan ko na lang ang mahigit isang taon nating pagkakakilanlan?" seryosong tanong ni Brylle.

Tahimik pa rin si Efren.

"Isumbong kaya kita kay Ma'am Alma, marami pa man din akong alam na kalokohan mo..."

"Si Ma'am Alma!" pasigaw na sagot ni Efren.

Agad na nagtaka ang binata, "Si Ma'am Alma? Anong 'Si Ma'am Alma?'" dagdag pang tanong ni Bry.
•••

"I don't like her," mabilis na sagot ni Violeta pagkabanggit pa lang ni Philip sa pangalan ni Clarisse..

"Ofcourse you don't like her, i'ts written all over your face. Sa tuwing bibisita ka sa ospital o sa bahay yan ang reklamo mo," sambit ni Fernando sa kapatid.

"Tell me Kuya, how can I like that girl? Anak siya sa labas ng magaling kong asawa, and my God, sa wala pang breeding na kusinera."

"Anak ko si Clarisse. Yun lang ang pag-uusapan natin ngayon," biglang sambit ni Philip.

"She is YOUR daughter, not mine. So you take care on her, but don't you ever show her to me, and never with OUR daughter!" tumayo na si Violeta at iniwan ang kanyang kuya't asawa sa hapag.
•••

Kinagabihan, hindi na pinauwi ni Sandra si Clarisse at sa kanila ito muling pinatulog.

"I'm very sorry," sabi ni Terre nang ihatid na niya si Clang sa kanyang pagtutulugang kwarto.

Napangiti naman ang dalaga, "sorry saan?"

"Sa hassle. Naistorbo pa kita, don't worry, ihahatid kita tomorrow sa school mo."

"Ah. School. Hindi nga pala ako pumasok kanina... Last day ko na dapat kanina sa crash course ko," ngiti nitong muli.

"Sorry rin do'n. Kasalanan ko rin yung nangyari sayo kagabi."

"Hindi mo kasalanan yun... Ano, ahm... Hindi ka pa ba matutulog?" biglang tanong ng dalaga.

"Hmmm... Ah, inaantok ka na ata, sige," paalam nito, "have a good night sleep," ngiti nito bago tuluyang umalis.
•••

Sa karinderya,

"Kahit bihira nang napapadaan dito si Clang sa eatery, ngayong nasa Amerika siya, parang nakaka-miss din yung bruhang yon," biglang sabi ni Froila habang nagse-serve ng ulam sa mga customer.

Napatingin agad sa kalendaryo si Nene, "limang araw na lang pala sila roon eh. Saka hindi naman talaga si Ate yung nami-miss mo eh, si Kuya Bry," pang-aasar nito.

"Eeeeeeee... Wag ka nga..." pagmamaganda nito't pag-iinarte.

"Ampanget ha..." tawa ni Nene.
•••

"I just don't like her near you," pointless na dahilan ni Ma'am Alma kay Brylle.

Biglang napasagot si Bry, "No. She's staying with me. We came here together, it's her first time here, and she is my cargo. Kapag may nangyaring masama sa kanya hindi kayo ang mananagot, ako. So I'm not accepting your reason, she's going back here, and she'll be on my side until we return there in Manila."

"Brylle, listen to m..." napatigil si Alma nang mapagtanto niyang wala na siyang kausap.

Sinubukan muli ni Bry na tawagan si Clarisse pero hindi na ito sumasagot, "tulog na malamang."

Bigla namang dumating si Efren, "tatlong araw na lang pala tapos na kayo dito 'no?"

"Sila tatlo, ako isa na lang. Hindi na ako kailangan sa susunod na araw," sagot naman ni Bry, "tsk... Tsk... Assistant ba talaga kita? Ni hindi mo nga alam yung schedule ko..." Ibinaling na lang muli ni Bry ang kanyang atensyon para mag-text kay Clarisse, "Susunduin ka ni Efren bukas after ng class mo..." pipindutin na lang niya ang send nang magtype siyang muli, "Ingat ka d'yan..."
•••

Umagang-umaga pa lang, lumakad na sila Terrence pabalik sa hotel na tinutuluyan nila Clang para kunin ang mga gamit niya bago pumasok sa last day ng crash course niya.

No comments:

Post a Comment